Katherine POV.
"Katherine can i talk to you at the office?"
Tumigil ako sa pagkuha ng tray na eseserve ko na sana sa costumer ng bigla akong tinawag ni Ethan.
"Marian, pwede mo ba ibigay ito sa table number 18?" saad ko kay Marian. Siya lang kasi ang naging mabuti sa akin dito bukod sa tahimik lang itong babae, hindi din siya nakikipag halubilo sa mga waitress dito. She's kinda introvert.
Tumango lang ito at kinuha ang tray sa akin saka ako sumunod kay Ethan papasok sa opisina niya.
Sinamaan pa ako ng tingin nila Jessica ng dumaan kami sa harapan nila. Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Bahala sila sa buhay nila.
Pinagbuksan ako ni Ethan ng pintuan at pinaunang pumasok sa loob ng opisina niya bago siya sumunod.
"Have a sit, Kathy." aniya sabay mabilis na nagtungo sa kanyang mesa.
Umupo naman ako saka nilibot ang paningin ko sa loob ng opisina niya. Hindi parin pala niya binago ang dekorasyon dito sa loob ng opisina niya, para pa din nandito si Mr. Rivera.
"Bakit mo ko pinapunta dito? Anong pag uusapan natin?" walang emosyon kung saad.
"Gusto ko lang na samahan mo kung kumain. We didn't have a chance to eat last time kaya ngayon nalang mo ko samahan." aniya sabay labas ng mga pagkain sa loob ng paper bag.
"Uh teka lang? Kaya mo ko pinapunta dito kasi kakain tayo?" takang tanong ko.
"Yup..." as he continued placing the food on his table.
Napakunot ang noo ko siyang tinignan habang naghahanda ito ng pagkain sa harapan ko.
"M-May trabaho pa ako doon sa labas Ethan, ang dami pa namang costumer na dumarating."
"I am the boss Kathy at kaya na nila iyon." Tipid siyang ngumiti sakin sabay abot sakin ng kutsara at tinidor.
"Kumakain ka ba ng Shrimp?" masayang tanong niya.
"O-Oo naman, bakit hindi. Ang sarap kaya niyan." sagot ko. Nakita kung mas lumawak pa lalo ang kanyang ngiti sa mukha niya habang nilalapit sakin ang isang bowl.
"I want you to try my creamy tuscan shrimp, niluto ko iyan kanina. Ang dami kasi, sayang naman kung itatapon ko lang ito wala din namang kumakain sa bahay kasi puro sila allergic sa shrimp. That's why i asked you earlier baka allergy ka din nito." saad niya sabay subo nito ng pagkain.
Matipid akong ngumiti sakanya. Di ko akalain na ganito pala si Ethan, he also looks like his father. Akala ko he is unapproachable based on his aura.
Humiwa ako ng maliit sa bowl na naglalaman ng shrimp sabay kinain iyon. At first it was good habang tumatagal sa bibig ko, kumakalat na iyong lasa.
"Ang sarap ng nito ha. Pwede ka ng maging isang mahusay na chef." As i eat a small portion of my food again.
Mahinang tumawa si Ethan. "Stop talking when your mouth is full, baka mabuga mo yan sa akin." paalala niya sakin na may kunting biro.
Nilunok ko naman agad ang kinain ko bago mahinang tumawa. "Ang sarap I swear, first time kung makakain ng ganitong shrimp at ang creamy pa."
"Favorite ko ang mga sea foods aside sa masarap ito, it also rich in nutrients. Sadly, marami ang allergy sa sea foods lalo't lalo na sa shrimp." aniya.
"Paborito ko rin ang sea foods, alam mo kumakain din ako araw araw ng sea food." I said jokingly.
Nasupresa naman ang mukha ni Ethan. "Really? Madalas lang akong kumakain ng sea foods kasi binabalanse ko ang kinakain ko, i often eat seafoods, bukas ay gulay naman, then after meat. What kind of sea foods do you eat everyday?"
"Iyong sardinas iyong nasa delata, iyan ang kinakain ko araw araw." sagot ko.
Napasalin agad si Ethan ng tubig bago niya ito nilagok at inubos ng mabulunan ito. Samantala pilit ko namang pinipigilan ang pagtawa ko sa reaksyon niya.
Nang maayos na ulit si Ethan tumingin ito sakin sabay ngumiti. "Now i know kung bakit naging kaibigan ka ng Daddy ko. You're amazing Kathy..."
"Mabait lang ang Daddy mo sakin..." ani ko.
"Masaya ako na binigay ito sa akin ni Daddy." Sabay libot sa paningin niya sa loob ng opisina, he was talking to the restaurant na tinayo ni Mr. Rivera.
Hanggang dumapo ang tingin nito sa akin. "Kasi nakilala kita." dugtong niya.
Napatigil ako sa pagngunguya ng tumingin ito sa akin. Bakit ngayon ko lang napansin na attractive pala itong si Ethan, kung titigan mo ito ng mabuti. Walang akong maramdaman na kunting takot sa mga tingin niya.
"Alam mo kumain ka nalang diyan baka maubos ko pa ito, sige ka wala ng matitira sayo." pananakot ko.
"Kainin mo na iyan lahat, magtira ka lang kay Hope." Nakakatuwa naman may naka alala kay Hope.
"Pwede ba ang shrimp sa aso?" tanong ko.
"Pwede naman, pero wag mo lang siyang pakainin ng marami. " sagot niya.
Tumango na lamang ako hanggang dumapo ang tingin ko sa painting na ginawa ng Daddy ni Ethan sa kanyang asawa.
Ilang beses ko na itong nakita sa loob ng opisina simula pa noong si Mr. Rivera pa ang humahawak sa resto pero ni isa hindi ko siya naitanong tungkol sa painting na iyon, ngayon lang nito kinuha ang atensyon ko.
Napansin naman ni Ethan ang pagkatitig ko sa painting na nakasabit sa opisina niya.
"My Dad knows how to paint, ginawa niya iyan noong una niyang nakita si Mommy sa Cafeteria." saad niya.
"It's beautiful..." I said as i looked at the painting.
"You're right, it's so beautiful..."he said softly.
Nagulat na lamang ako na sa akin na pala ang kanyang mga tingin. I didn't make even a single movement in my seat, as he was staring deeply into my eyes.
"The most beautiful art I've ever seen..."he added, as this moment titig na titig talaga siya sa akin.
Is he referring to me? Kasi kung oo, jusko Ethan baka mahulog ako sa patibong mo na iyan.
YOU ARE READING
Calming the Beast
Romance𝘽𝙚𝙖𝙨𝙩... That's what they called him. A ruthless billionaire, a mafia king, and the most feared man in the city. He has no time for romance, nor is he looking for it. He is untouchable to other girls, except to her. Katherine Marie Hernandez i...