Katherine POV.
Kinabukasan, ramdam ko ang bigat sa aking katawan. Namumugto din ang aking mga mata pagkagising ko kaninang madaling araw dahil sa kakaiyak ko kagabi.
Sunday ngayon at wala akong trabaho. Napag isipan ko na mag jogging muna kasama ang aso ko.
Simula kasing may trabaho na ako, hindi na kami masyadong nag bobonding ni Hope.
I'm wearing my sports crop top sweaters and shorts. I also tied up my hair into a ponytail.
Tahimik pa ang paligid tila natutulog pa ang mga tao. Paghinto hinto kami ni Hope para magpahinga and every 2 minutes babalik din kami sa pagtakbo.
Naka focus lang ako sa pag jo-joging ng mapansin ko na wala na pala si Hope sa aking likuran.
Bumalik ako kung saan kami dumaan ni Hope kanina. Pinunasan ko ang noo ko sa pawis, dala na rin ito sa kaba na nararamdan ko.
Pabalik balik ako kung saan kami dumaan ni Hope ng makarinig ako ng munting tahol ng isang aso, sinisigurado kung si Hope iyon.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya sa may tabi ng halaman.
Lumapit ako sakanya saka lumuhod para haplosin siya.
"Kung saan saan ka ba pumunta Hope, pinag alala mo ko" bulong ko nito.
Patuloy pa din ito sa pagtatahol ng nilingon ko kung ano ang tinataholan niya.
Nanlaki ang mga mata kung tinignan kung ano ay este sino ang tinataholan nito.
Pati ang pawis na tumutulo sa noo ko ay tumigil din pagkakita sa di ko inaasahang tao.
"Christian?"
Nakatayo ito sa di kalayoan sa amin ni Hope habang nagsisigarilyo . He's wearing a black fitted T-shirt and a black shorts.
Parang bumagal ang paligid ko ng sinuklayan niya ang kanyang basang buhok.
Napakagat ako ng labi saka lumunok ng napakalalim ng bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib.
Dahil sa kanyang fitted T-shirt, makikita mo talaga kung ilan ang abs niya. Ang layo nito kay Marco.
Noon, sa panaginip ko lang makakita ng may ganitong klaseng katawan. Pero kung panaginip lang ito, pwede bang wag niyo na akong gisingin pa.
Bibilangin ko na sana ang packs niya ng bumaba ang tingin ko ng may lumakad sa likuran niya na isang aso?!
My soul left my body and my heart frozen. Malaki ito, makintab ang kulay itim at tan sa kanyang katawan hindi ito katulad ni Hope na mabalahibo, maliit lang ang buntot, may tuwid na tenga, at higit sa lahat may gold spike na nakapalibot sa leeg niya.
Isang Doberman Pinscher?
Mabilis kung binuhat si Hope at inilapit sa dibdib ko. Mahigpit ko siyang tinatakpan sa aking mga kamay na para bang pinoprotektahan ko ito.
Anong ginagawa niya dito? Hindi itan pwedeng ilabas ang ganyang aso sa labas. Kung hindi lang siguro nakatali ang aso niya, sigurado akong nagwala na iyan dito.
Nakakatakot, parehong pareho talaga sila sa amo niya.
"Katherine? Nandito ka pala, anong ginagawa mo dito?" ani niya na para bang nabigla ng makita ako.
Nakita ko kung paano niya inubos ang sigarilyo niya bago tinapon sa may gilid.
"Ako pa talaga ang tinatanong mo na iyan?Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako?" malamig kung sambit.
YOU ARE READING
Calming the Beast
Romance𝘽𝙚𝙖𝙨𝙩... That's what they called him. A ruthless billionaire, a mafia king, and the most feared man in the city. He has no time for romance, nor is he looking for it. He is untouchable to other girls, except to her. Katherine Marie Hernandez i...