Chapter 4

37 24 1
                                    

Katherine POV.

Isang napakalakas na tugtug ang sumalubong sa akin nang buksan noong dalawang shrek ang pinto at ipinasok ako. Napasinghap ako at nilibot ang mga mata ko sa club.

Halos nababalutan ng usok ang kabuuan at nagsasayawan pa ang mga  neon lights doon at para kang bubulagin. Ang amoy ng loob ay pinaghalong alak at usok. Masyado akong namangha kagagala sa aking mga mata.

Napaubo bigla ako ng may dumaan na nag va-vape na grupong lalaki sa gilid ko.

Gumuhit na mapait ang mukha ko habang nagsusumiksik sa maraming tao na nagsasayawan sa gitna ng club.

"Excuse me.."kahit alam kung hindi nila ako naririnig sa malakas na tugtug.

"Excuse me po, padaan lang" ulit ko.

Ng makita akong isang bakanteng upoan, umupo muna ako sandali. Hindi pa nga ako naka upo ng sampong segundo ng may lumapit sakin na naka unipormeng lalaki.

"Drink Miss?" sabay abot sakin ng inumin.

"Oh no, I'm too drunk already." hindi ko na siya pinagsalita pa ng umalis agad ako.

I immediately grab my phone from my bag upang subukan si Daphne tawagan.

Ring...Ring...Ring..

Ring..Ring..Ring

The number you dialed is busy at the moment please try again later...

Ring...Ring...Ring..

Ring..Ring..Ring...

The number you dialed is busy at the moment please try again later...

Nagsimula akong kabahan sa paulit ulit kung tawag sakanya pero palaging busy ang kanyang linya.

Patuloy ako sa paglalakad ng may biglang humapit sa aking bewang at hinila agad ako papalit sakanya. 

"Hi beautiful" he said seductively while his holding a wine on his other hand.

Marahan akong kumawala sa pagkahawak niya. "I-I'm sorry, nagmamadali po ako".

"Sandali lang Miss-" hablot niya sa braso ko.

I immediately gasped when I accidentally pushed his arms, dahilan sa pagkabasa nito sa kanyang T-shirt.

"I'm sorry. Pasensya na hindi ko po sinasadya" agad kung humingi ng paumanhin sa lalaki at naglabas ng panyo para punasan sana.

"What is your problem woman!!!" singhal niya dahilan para ma pa atras ako ng kunti sa kanya.

"I-Ikaw kasi, ginulat mo ko..."mahina kung sabi.

"At ako pa talaga ang sinisisi mo!"

"H-hindi naman sa ganon..." I started to trembled.

Nagulat akong lumapit siya at hinawakan ng mahigpit ang mga braso ko.

"Mag offer na sana ako sa katawan ko sayo! Para naman sobrang kagandahan mo" mariing wika niya.

Mas diniin pa niya ang paghawak sa braso ko. "N-Nasasaktan po ko..."

Bumaba ang tingin nito sa katawan ko parang nandidiri.

"You're not worth it anyway..." huling sabi niya saka niya ako tinulak ng malakas.

Napaurong ako ng may tumama sa siko ko.

Pinilit kung itago ang sakit. Hindi dahil sa pagkabanga niya sakin o kahit sa siko ko na ngayon humahapdi na sa pagkatama ng mesa, kundi sa huling sinabi niya sa akin.

Calming the BeastWhere stories live. Discover now