Katherine POV.
I would never fall in love again until I found her
I said, "I would never fall unless it's you I fall into"Nasa loob kami ni Ethan ngayon sa kotse niya habang may pinapatugtug siyang kanta sa radio.
I was surprised ng sinasabayan niya ang tono ng kanta habang nakatingin pa din ito sa daan "I was lost within the darkness, but then I found her"
I cannot help to hide my smile, dahil hindi ako makapaniwala na maganda pala ang boses niya. He has an absolutely warm and charming voice. I took a deep breath before glancing at him.
He was still looking at the road when he sang the last lyrics. "I found you..."
Merong iba sa kanyang huling lyrics na kinanta niya. Dinama niya ito na parang may pinapatama siya, parang ni rerelate niya ang kanta sa kanya.
Ethan insist na ihahatid niya ako sa apartment ko. Ayoko sana pero pinilit kasi niya ako kaya wala na akong magagawa.
Hindi rin daw kaya sa konsensya niya na iiwan ako doon, lalo't malakas ang ulan at lumalalim na din ang gabi.
Bago paman ako hinatid ni Ethan sa apartment, kinuha muna namin si Hope sa bahay nila Daphne.
Sobrang gulat pa nga itong si Daphne na kasama ko ang boss ko and especially seeing that I am wearing Ethan's coat dahil sa sobrang basa ko ng ulan.
Flashback
"Katherine can i talk to you for a second?" Habang nakatitig ito ni Ethan na hawak ngayon si Hope sa labas ng gate.
Hindi na kasi kami pumasok pa sa loob ng bahay nila Daphne kasi nahihiya na ako kay Ethan, baka naka abala na ako sa kanya.
Sumunod ako ni Daphne ng hindi kalayuan sa gawi nila Ethan.
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Boss mo ba talaga siya Kath?"Itinaas niya ang kanyang kilay na parang hindi makapaniwala. "Ikaw Kath ha, hindi ka pa naka move on sa cheater mong ex na si Marco, tapos ngayon makikita kitang hinahatid sa boss mo?" Sabay turo ito kay Ethan na busy sa pakig usap sa mga maid ni Daphne. "At bakit ang basang basa mo? What happened?"
Ibinaba ko diretso ang braso ni Nica sa pagturo niya kay Ethan "Tumigil ka nga jan Daph, hinatid lang ako ng tao walang malisya yun. And about this coat wala kasi akong dalang payong at wala na masyadong masasakyan sa daan, kaya naglakad nalang ako at saktong nakita ako ni Ethan kaya ayun. Sino bang boss na walang pakialam sa kanyang waitress naglalakad sa ulan lalo't ng dumidilim na, huh? "
"Tama ka nga naman" habang tumatango ito "Okay lang din naman iyang boss mo.." tumingin naman ito sa gawi ni Ethan.
"Gwapo, Mayaman, Sobrang Gentleman, Mukhang mabait din. May kapatid ba yang boss mo?" Natawa tuloy ako sa huling tanong niya.
"Joke lang naman. Pero Kath mag iingat ka parin ha, hindi mo pa kasi kilala ang tao. Wag kang basta bastang maniniwala sa mga magandang bagay na ipinakita sayo. Baka mahulog ka sa bitag niyan. Payo ko lang bilang kaibigan sayo" Marahan nitong ipinatong ang kamay niya sa likod ko.
I just gently smiled at her. Hindi naman siguro magagawa yun ni Ethan. Isa pa hindi naman kami gaano ka close, makakasama ko lang siya minsan sa trabaho.
Tumango lang ako kay Daphne at nagpa alam na din bago kami umalis at pumasok sa kotse niya.
End of flashback
"Are you hungry?" Napabalikwas agad ako sa tanong niya sakin.
Ang dali dali ko na talagang magulat sa mga malilit na bagay, kasalanan talaga ito ng kape. Dapat bawas bawasan ko na ang pag iinom ko ng kape.
Sasagot na sana ako ng mukhang sinagot na ng tiyan ko ang katanongan niya.
Ngumit ito sakin saglit bago tumingin ulit sa daan. "It looks like you're really hungry."
I smile shyly out of embarrassment.
Argh, sasagot na sana ako na busog pa ako pero napaka bad timing naman nito. Sa boss ko pa talaga, ayoko na sana siyang abalahin pa. Gusto ko na din umuwi sa apartment ko.
"Meron akong alam na restaurant malapit dito, masasarap ang mga pagkain nila, what do you think?" He said it in excitement.
Sa totoo lang nahihiya pa ako kau Ethan. Aside sa Boss ko siya, hindi pa ako komportable sa kanya. I'm still trying to trust someone. Kahit marami na siyang pinapakitang mabuti sa akin, hindi ko parin kayang pagkatiwalaan siya.
When he noticed na nagdadalawang isip ako, he gently nodded "How about I just buy you a food at kainin mo nalang pagdating mo sa apartment?" nawala ang sigla sa boses niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag
"I know we are not close yet and we have not really know each other. Hindi naman kita pipilitin if your not comfortable" ani niya, pilit na ngumiti.
"Pasensya ka na..." Sabi ko ng mahina.
Then he just smiled bago pinapark niya ang kotse niya sa tabi ng may maliit na restaurant.
"I'll be right back Kathy" sabi niya bago lumabas at pumasok sa loob.
Hindi naman niya kailangang bumili pa ng pagkain ko. May pagkain pa naman ako sa apartment.
Sobrang nahihiya na ako kay Ethan sa ginagawa niya. Hindi ko alam bakit niya ako tinatrato ng ganito. He is my boss and we should know our boundaries. Sa mga ginagawa palang niya, alam kung may something ito eh.
Hindi nagtagal bumalik din si Ethan na may bitbit na dalawang paper bag at inabot sa akin. Medyo mainit pa ito sa loob kasi nakaramdan ako ng init sa mga kamay ko.
Na amoy ko din ito pagkalagay ko sa kandungan, mas lalo na tuloy akong nagugutom.
"Iyang isang bag para sayo at yung isa para kay Hope. Binilhan ko na din si Hope ng pagkain baka nagugutom din iyan katulad sa amo niya."simpling ani niya.
"Hindi mo naman kailangang bilhan si Hope ng pagkain, may pagkain pa naman siya sa apartment" nahihiya kung sabi. "E babawas mo nalang sa sahod ko ang lahat ng nagasto mo sakin"
Akala ko akin lang lahat ng ito pati ba naman pala si Hope binilhan niya.
"Wag na, kusa ko iyang ibinili sayo. Tutal hindi naman iyang kamahalan ang ibinili ko. I just want to make sure na makakain ka ng mabuti at pati na din itang aso mo na si Hope" sinilip naman niya ito gamit ang maliit niyang salamin sa harapan
"T-thank you ulit Ethan." yan nalang ang huling sinabii ko bago ulit tumahimik sa loob ng kotse.
Ng malapit na kami sa apartment biglang nagsalita si Ethan dahilan para mapatingin ako sa tinutukoy niya.
"Mukhang may bisita ka yata"
Nilingon ko kung sino ang taong nasa tapat ng apartment ko at kumurap kurap nagbabasakaling nanaginip lang ba ako.
Anong ginagawa niya dito? He was leaning against his car and it looks like he was busy with his phone.
At ng makalapit na kami at napansin niyang tumigil ang Kotse ni Ethan. He put his cellphone back in his pocket before turning his gaze at us.
YOU ARE READING
Calming the Beast
Romance𝘽𝙚𝙖𝙨𝙩... That's what they called him. A ruthless billionaire, a mafia king, and the most feared man in the city. He has no time for romance, nor is he looking for it. He is untouchable to other girls, except to her. Katherine Marie Hernandez i...