Katherine POV.
"Teka lang, tumigil muna tayo." hinihingal kung wika.
"Pagod ka na? Hindi pa nga tayo nakakalayo sa pwesto natin kanina" ani nito na patuloy parin sa pag jojog sa kinatatayuan niya.
"Kung ayaw mong tumigil, tumakbo ka mag isa" sabay talikod ko sakanya at umupo sa may bench.
Napahinto siya sa pag jojog at mabilis sumunod sa akin.
"You should buy a treadmill, para hindi ka na lalabas pa sa bahay niyo para mag jogging." ani niya sabay upo sa tabi ko.
Inabotan naman niya ako ng isang water bottle. Nag alinlangan pa akong kunin iyon pero napakunot muna ang noo ko bago ko pinabilis kinuha ang water bottle sa kanyang kamay.
"Hindi na kailangan, mas maganda sa labas. Mas ma eenjoy ko ang paligid ko habang tumatakbo." bago ininom ang tubig.
Pansin ko ang mga titig sa akin ni Christian habang umiinom ako. Kaya binilisan ko pa lalo ang pag inom ko saka dali daling ibinigay pabalik sakanya ang tubig.
"Salamat..."ani ko sabay tanaw sa di kalayoan kay Hope na patuloy pa rin tumatakbo.
Nagulat nalamang ako ng pinunasan ni Christian ang pawis ko sa noo.
"Bakit ba naman kasi ang dali mong pawisan, ayan tuloy ang basang basa mo na." saad niya.
Bahagya akong tumingin at napatitig sakanya na ngayoy nakatuon lang ito sa pag pupunas ng pawis sa akin. My heart was beating so loudly I thought he would hear it for sure.
Gusto kung pigilan siya at umiwas sakanya pero may parte din na gusto ko ang ginagawa niya para sa akin. I've never felt like this before.
Tinabig ko na agad ang kamay niya para pahintuin siya kasi mukhang giganahan itong pinupunasan ako kahit hindi na ako pinapawisan.
"Tama na nga iyan. Halika na balik na tayo." sabay tayo ko at nag simulang lumakad.
Tumakbo naman si Christian para sabayan ako sa paglakad sa aking tabi. Pinisil ko ang aking daliri dahil sa bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nasa tabi ko si Christian.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko habang naglalakad.
"Bakit pa ba ako uuwi kung nandito ang tahanan ko." mahinang wika niya bago tumingin sa akin.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" takang tanong ko at mas lalong binilasan ko pa ang lakad.
"Nothing, I'm just glad that I found you..."
Napabagal ako sa paglalakad at pilit na tinutuon ang tingin sa harapan. Sumilip ako sandali sakanya bago binalik ang tingin sa harap.
Kitang kita ko ang lalim ng titig niya sa akin.
"Are you okay? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Baka kasama mo kahapon si Javier kaya puyat kayo ngayon." Panghuhula ko.
I heard him hissed. "I'm alright, si Javier lang ang napuyat. We're just drinking last night, siya ang unang nag yaya sa akin pero siya din unang sumuko."
Tumigil ako sa paglalakad at bumaling sakanya.
"Uminom kayo ni Javier? Sino pa ang kasama niyo kagabi?"
Napakagat ako ng labi sa huling tanong ko sakanya. Gusto ko nalang tumakbo ng mabilis papalayo kay Christian. Ano ba ang paki ko kung sino ang kasama nila?
I saw his face split into a wide grin while looking at me. Umiwas agad ako sakanyang tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Mabilis siyang sumabay sa paglalakad ko. "Why did you ask, kung sino ang kasama namin?"
"I'm just asking, bawal ba?" giit ko.
Nakaramdan ako ng kamay na humawak sa bewang ko at pilit ko iyong tinatangal pero mahigpit ang pakahawak nito sa akin.
Suddenly, I feel his lips against my ear and his breath on my neck.
"Calm down love, I don't have any other woman. I only want you..." He whispered.
YOU ARE READING
Calming the Beast
Romance𝘽𝙚𝙖𝙨𝙩... That's what they called him. A ruthless billionaire, a mafia king, and the most feared man in the city. He has no time for romance, nor is he looking for it. He is untouchable to other girls, except to her. Katherine Marie Hernandez i...