KINABUKASAN naghahanda ako sa pagpasok ko sa trabaho ko ng dumating si Nanay kasama si Lilian at may dala siyang tupper ware na may lamang ulam.
"Ray, para sa'yo oh!" nakangiti na sabi nito pero tiningnan ko lang siya at binalik ang aking tingin kay Nanay.
"Nay, mauna na ho ako." paalam ko at aalis na sana ako ng pigilan ako nito.
"Sandali lang, Raymond..dun ka pa din ba pumapasok?" tanong niya sa akin at huminga muna ako ng malalim saka tumango at ngumiti sa kaniya para hindi na siya mag-alala pa.
Pagdating ko sa mansyon ng mga Montecillo ay agad akong binati ng hardinero at ngumiti ako ng tipid.
"Amon, andito ka na pala. Kanina ka pa inaantay nila senyor at maaga atang aalis si Miss Blythe." Sabi ni Mang Agustin na kinatango ko lang at pumasok na nga sa loob.
Nakita ko agad ang nag-iisang anak ni Senyor Montecillo na nakasimangot habang nagse-cellphone at nakikinig sa sermon ng ama nito at ng makita ako ay agad napairap.
"Blythe, listen to me, I will only allow you to go outside if may kasama ka pero kung ikaw lang, hindi pwede!" maawtoridad na sabi ng ama niya.
"Dad naman! I'm already nineteen years old pero kung iturin niyo ako ay daig ko pa ang toddler, my god!" inis nitong sabi.
"Makinig ka sa akin! Ang dami ng nangyayari this past few weeks at palala na ng palala ang mga natatanggap kong death threats and for sure alam mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba!" sigaw na din ng Daddy niya.
"Okay. Fine! Whatever. Do what you want, ipasama mo na kung sino ang gusto mong ipasama sa akin!" sigaw nito at agad tumingin sa akin si Senyor Montecillo.
"N-No..Dad! No!" inis na sabi nito.
"Amon, ikaw ng bahalang sumama sa anak ko, ikaw lang naman ang hindi niya kayang takasan." Sabi nito at yumuko lang ako ng konti at umalis na nga ito.
Mabilis na tiningnan ako nito ng masama. "You! Wag kang babagal-bagal ha!" inis niyang sabi saka padabog na kinuha ang handbag niya at sinundan ko na nga siya.
HABANG nasa byahe kami ay tahimik lang siyang nagtitipa sa phone niya ng itigil ko ang kotse at tiningnan siya sa likod.
Napalingon naman siya sa akin ng ihinto ko. "Bakit mo tinigil ha?" mataray niyang tanong.
"Saan po ba kayo pupunta?" tanong ko at natawa siya ng nakakaloko saka biglang nagseryoso ang itsura nito ng tingnan ako.
"Hindi bat sinabi ko na, bingi ka ba?!" inis nitong sabi kaya napapikit ako ng mariin.
"Ang ibig kong sabihin, yung totoong pupuntahan mo, ano bang balak mong gawin ngayon?" tanong ko at napaseryso lalo ang mukha nito.
"Kahit sabihin ko sa yo kung saan ang gusto ko, hindi naman mangyayare yun dahil for sure isusumbong mo lang ako sa Daddy ko." Sabi nito at huminga ako ng malalim.
"Paano kung makipagdeal ako saiyo, papayag ka?" seryoso kong tanong na kinatawa nito ng mahina saka ako pinagtaasan ng kilay.
"Pinagloloko mo ba ako? Blythe Montecillo making a deal with a body guard or some..." saka niya ako pinasadahan ng tingin.
"Fine. Good looking." sabi nito sabay irap.
"Well, ito ang deal ko, ihahatid kita kahit saan mo pang gustong lugar pero kailangan pagsapit ng 7:00 pm ay magkasama na tayo, iiwan kita the whole day, walang pipigil sayo. Hindi bat 'yan naman ang gusto mo, ang maging free kahit isang araw lang, I give you that now. Ano, deal?" nakangiti kong tanong at natahimik naman siya at parang hindi pa siya sure kung papayag ba siya.