Lalapitan ko sana siya ng pigilan ako ni Enzo na nakalabas na pala. "Gusto mo bang makita ka niya?" mahina niyang sabi saka ako hinila pababa at lumabas na 'din si Montecillo at agad sinaway ang kapatid.
"Tara na!" sabi ni Enzo at sumunod na nga ako dito.
Pag-dating nga namin sa sasakyan ay nakita ko si Bernard na sumunod na sa amin at sumakay na din.
"Sa pagkakaalam ko nasa Puerto Prinsesa na siya ngayon kasama ang pamilya nito." Sabi ni Enzo habang nakatingin sa dala-dala niyang Ipad at nagkatininginan kami.
"Hindi tayo makakapunta kung gamit lang natin ay kotse." saad ko.
"Akong bahala, gagamitin natin ang private plane." sabat ni Bernard na kinatango ko at dumeretso na agad kami sa airport.
BLYTHE'S POV
Nakapangalumbaba ako habang nakadungaw sa bintana. Huminga ako ng malalim ng tapunan ko ng tingin ang oras sa wall clock. Nasaan siya?
Simula kaninang umaga na magising ako ay wala na siya. Hindi ko naman matanong si Nanay Teresa.
"Blythe, iha." tawag ni Nanay Teresa kaya napatayo ako at agad lumabas ng kwarto.
"Ano po 'yun?" tanong ko.
"Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong nito at kumunot ang noo ko.
"Saan po?" takang tanong ko.
"Mamalengke kami ng Tatay Rod mo, sumama ka at ng makalanghap ka naman ng hangin at saka tingnan mo namumutla kana dahil hindi ka nakakalabas dito. Wala naman si Raymond kaya 'wag kang mag-alala." sabi nito.
"Nasaan ho ba siya?" tanong ko.
"Magkasama silang magkapatid at ang Daddy mo, may inaasikaso kaya sigurado hindi kaagad makakabalik si Raymond..." sabi nito na kinatango ko at agad na ngang nagpalit ng damit.
Habang nasa Market kami ay tuwang-tuwa ako sa mga nakikita ko. This is the very, very first time na makagala ako sa publikong palengke. Laging mall, Bar at bahay lang naman ang buhay ko nun.
"Kumakain ka ba nito, Blythe?" tanong ni Tatay Rod sa akin sabay pakita nung naglalako ng mais.
"Ano po 'yan?" tanong ko dahil inilagay nito baso at may soup pa.
"Sweet corn ang tawag dito, tikman mo 'iha." sabi niya sabay abot nun sa akin na kinangiti ko at kinuha nga sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko. Shocks. Ang sarap! Ang daming nilagay ni Kuya na cheese and butter tas sobrang init pa.
Naglakad-lakap pa kami ni Nanay Teresa.
"Ito ang mga ginagawa namin nina Leah noon kapag may pagkakataon na nagkakasama kaming tatlo." nakangiti na kwento ni Nanay kaya napalingon ako sa kaniya.
"Kagaya mo gustong-gusto nito ang sweet corn at mahilig siyang magkakain sa kung saan-saan dito kaya pag-uwi sa bahay ay sumasakit ang tyan sa sobrang kabusugan." natatawang sabi pa nito na kinangiti ko.
"Ang dami niyo po sigurong happy memories together?" tanong ko at umiling siya.
"Sa totoo lang, wala kaming masyadong pagkakataon na lumabas dahil masyado 'tong busy sa paga-aral samantala kami ng Tatay niya ay sa trabaho naman. Nung gumadruate naman siya bihira din dahil naghanap kaagad siya ng trabaho para makatulong sa amin. Tapos saka nila naisipan ni Raymond magpakasal kaya wala na talaga kaming masyadong pagkakataon. Siguro, isa o dalawang beses lang sa isang buwan kami magkita ni Leah tas ilang oras lang." malungkot nitong sabi.
"Pasensiya na po kayo at naalala niyo nanaman po si Leah." mahina kong sabi saka hinagod ng mahina ang likod nito.
"Ayos lang. Sige na, tara na at baka gabihin tayo sa pag-uwi. May kailangan ka bang ipabili?" tanong nito at umiling ako.