CHAPTER TWENTY FIVE [FINAL]

703 6 1
                                    

AMON'S P.O.V

A FEW MONTHS PASSED

"Hon! Hindi ganyan!" inis na sabi ni Blythe kaya nilingon ko siya.

"Dito mo ilagay 'yan! Gusto ko pag gigising ako nasa bungad ko agad ang wedding picture na'tin." sabi nito kaya pinamewangan ko siya at agad niya akong tinaasan ng isang kilay.

"Wag mo'kong tingnan ng ganyan, hon! FASTER!" sabi pa nito kaya napakamot nalang ako sa gilid ng ulo ko at sinunod ang utos niya.

Pagkatapos nga naming mag-decorate---Actually, ako lang pala.

Dahil ang maganda kong asawa ay nakaupo nanaman sa tapat ng TV at nanunuod ng Kdrama habang nakasalampak ang pagkadami-daming pagkain sa tapat niya.

"Hon!" tawag ko dito.

"Hmm?" tanong nito saka tiningnan ako pero binalik din niya ang tingin sa TV saka tumawa ng malakas habang ngumunguya.

"Hon!" tawag kong muli.

"Ano?" tanong niya ng di tumitingin kaya napabuga ako, at nilingon na niya ako at nakasimangot na siya.

"Ano ba 'yon? Nanunuod ako eh." Sabi nito saka ako inirapan.

"Buntis ka ba, hon?" tanong ko at napatigil ito sa pag-subo at tiningnan ako.

"Ano?" gulat niyang sabi.

"I mean---"

"Sinasabi mo bang mataba ako? Sinasabi mo bang lumalaki na 'yung tyan ko kakakain ko at sinasabi mo nalang na buntis ako, ha?" tanong nito kaya napairap ako.

"H-Hindi mo na ba ako mahal ha?" tanong nito saka biglang suminghot kaya napatitig ako sakaniya.

"Hey! H-Hon, sorry." sabi ko at agad siyang hinila sa may sofa.

"What I'm trying to say is... tingin ko magkaka-baby na tayo, bukod sa pabago-bago ang mood swings mo eh napakatakaw mo na." Sabi ko saka inayos ang lumaglag na hibla sa nakatali niyang buhok at hinaplos ang pisngi niya.

"Gusto mo bang pa-check up tayo?" tanong ko at tumango ito at sumubo nanaman siya nong kinakain niya na kinatawa ko ng mahina. Agad kong hinalikan ang noo niya at ngumiti naman na siya sa akin.

______

Pagkatapos naming malaman na nagdadalang-tao nga si Blythe ay agad naming pinaalam 'yon kina Sir Benedict.

Hindi pa 'din ako sanay na tawagin siya maliban sa sir kahit na biyenan ko na 'to.

Pero, sobrang saya neto ng malaman niya na magkakaapo na siya, finally!

Alam kong sabik na din silang alagaan dahil nag-iisang anak lang naman si Blythe, tas ganon din si Drix kay Sir Philip, namátay pa.

"Congrats!" sabi sa akin ni Sir Philip na kinangiti ko at nakipag-cheers pa siya.

Huminga Ito ng malalim, kasalukuyan kaming nasa hardin at nagpapahangin.

"Kamusta na ho kayo?" tanong ko at di ito sumagot at tanging pag-iling lang ang nasagot neto.

"Sa totoo lang, Amon.. Hindi ako ayos." Sabi nito.

"Naaalala ko pa din ang anak ko, ang asawa ko." sabi niya.

"Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mamātayan ng asawa at anak." Sabi nito saka uminom uli nong hawak niyang alak.

"Masakit pala, sobrang sakit." Sabi pa nito saka huminga ng malalim.

"Pero wala akong magagawa, ayon ang piniling landas ng anak ko." Sabi nito.

"Patawarin niyo ako, Sir Philip." sabi ko.

HURT BY MY DESTINY [COMPLETED]Where stories live. Discover now