CHAPTER ELEVEN

290 2 0
                                    

Dadalhin ko sana siya sa dati nitong kwarto pero baka magising si Nanay at mahirapan pang makatulog uli kaya naman pinasok ko siya sa kwarto ko at sa sala nalang ako matutulog.

Pero nung pagkalapag ko sa kaniya ay nagulat ako ng tumawa siya ng mahina.

"Gising ka?" nakataas ang kilay kong tanong.

Nagmulat naman siya ng mata niya. "Sorry, nagising ako nung binuhat mo ako." sabi niya na kina-tss ko at tumayo na para kumuha ng kumot saka unan, at nung lalabas na sana ako ay hinawakan niya ang kamay ko saka naupo kaya tiningnan ko siya.

"Good...night?" Sabi niya at natawa ako saka binitiwan ang kamay niya at hinawakan ang likod ng ulo niya para ilapit sa akin saka siya hinalikan, nagulat ako sa nagawa ko pero huli na para pigilan pa, magkadikit na ang mga labi namin at naramdaman ko ang pagtayo niya dahilan para mas mapalapit siya sa akin.

Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin at pag-galaw ng labi nito kaya naman hinawakan ko ng mahigpit ang likod ng ulo niya at unti-unting naging mapusok ang halikan namin at lumalim ng lumalim 'yon.

Nagkakasala na ba ako, Leah?

Bakit kay Blythe pa?!

Agad nitong tinigil ang pagtugon sa halik ko at yumuko siya habang hinahabol ang hininga nito.

Huminga ako ng malalim habang nakapikit ng mariin saka tiningnan siya para haplusin ang buhok nito at lumabas na.

Napasuklay ako sa aking buhok ng mkaupo ako sa sofa habang iniisip ang nagawa kong kagag'han kanina.

BLYTHE POV

Ilang araw ang lumipas at back to reality nanaman kami ni Amon, I mean, nagiging masungit at hindi nanaman siya namamansin. This is my fault. Bakit naman kasi---Teka lang!

Why am I blaming myself? He's the one who's kissing me first, right.

Huminga ako ng malalim.

Nakasalubong ko naman si Nanay Teresa.

"O, bakit parang ang lalim ng iniisip mo ha?" tanong nito at ngumiti lang ako ng tipid.

"Wala po, may naalala lang." Sabi ko naman, hindi ko naman pwedeng sabihin na, 'Ay, naalala ko lang po 'yung kissing moment namin ni Amon nung isang gabi.' hay nako ka, Blythe.

Natigilan naman ako nang may kumatok sa pinto, pupuntahan sana ni Nanay Teresa 'yon pero lumabas na si Amon at siya na ang nag-bukas.

Napatayo ako nang makitang si Enzo 'yon, he's my dad new secretary, what is he doing here? Agad 'tong nakipag-kamay kay Amon.

"Magka-kilala kayo?" tanong ko at nagkatinginan sila at tumawa ng mahina.

"Ano sa tingin mo?" tanong nito at tiningnan ko si Nanay.

"Magkapatid sila ni Raymond." Sabi nito at natulala ako.

"Niloloko mo si dad." tanong ko at umiling 'to.

"I'm just digging his secret." Sabi nito saka ako kinindatan.

"Kamusta sa mansyon?" tanong ni Amon na ang tinutukoy ay ang bahay namin.

"Well, may idea na ako kung sino talaga and I think alam na 'yon ni Montecillo." Sabi nito saka ito lumapit kay Nanay at humalik sa pisngi nito.

"Miss you, Nay." Nakangiti niyang sabi at tumingin sa akin.

"Akala ko ba hostage mo 'to? Bakit hindi nakatali?" natatawang tanong nito sa kapatid na kinairap ko at tinawanan lang siya ni Amon at pumasok sila sa kwarto, mukhang may pag-uusapan sila na diko pwedeng marinig.

HURT BY MY DESTINY [COMPLETED]Where stories live. Discover now