____Nagising ako sa sinag ng araw at tumambad sa akin ang napakagwapo kong asawa. Nakaunan lang ako sa dibdib niya habang nakayapos ang braso nito baywang ko.
Umangat ako ng konti at hinaplos ng marahan ang ibabang labi nito, natigilan naman ako ng magising ito at tingnan ako.
Ngumiti naman siya at humarap sa akin saka hinawakan ang kamay kong humahaplos kanina sa labi niya at hinalikan 'yon. "Morning, ang aga mo naman magising?" sabi nito saka ako niyakap.
"Maaga naman kasi tayo nakatulog kagabi." Sabi ko at tumango siya, ni hindi pa namin nagawa ang first night namin dahil inantok at napagod ako sa lahat ng pangyayare kahapon or mas madaling sabihin na iniiwasan ko munang may maganap dahil natatakot pa ako kung paano ba ginagawa 'yon. Masakit daw kaya 'yon.
Tumayo naman ito. "Prepare lang ako ng pagkain natin." Sabi nito at umiling ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Sorry kagabi ha." Sabi ko at natawa naman siya.
"Ano ka ba, wala 'yon, hindi naman ako nagmamadali." Sabi niya saka humarap saakin at hinalikan ang noo ko.
____
Lumipas pa ang ilang araw at matatapos nalang ang pagi-stay namin dito na hindi ko pa din naibibigay ang sarili ko sakaniya. Wala naman siyang sinasabi, ni wala naman siyang ginagawa to start a move.
Well, baka ayaw lang niyang isipin ko na nagmamadali siya pero may karapatan itong mag-demand, mag-asawa na kami for god sake.
Masyado ba akong nagiinarte? Argh.
Napabuntong hininga ako at naghanap nalang ng maiinom pero naubos na pala ang Milo at gatas.
Sheems.. What is this? Coffee?
AHH! Ito yung kape ni Kuya Tolits, isa sa mga kaibigan ni Tatay Rod na nag-stay dito kasama ang misis niya habang nasa kulungan non si Amon.
Hmm. Gusto ko talagang uminom ng mainit dahil may bagyo pa ata dahil kanina pa bumubuhos ang ulan, at wala pa din si Amon.
Nangangalahati na ang iniinom ko ng kape ng dumating si Amon kasama si Kuya Tolits na may dalang mga iilan na groceries para sa amin.
Tumayo ako at tinulungan sila ng mapatingin si Kuya Tolits sa iniinom ko kaya ngumiti ako. "Sorry po Kuya... ang lamig po kasi talaga kanina pa, gusto ko ng uminom ng mainit na hot choco pero wala na pala." Sabi ko at natulala naman siya saka tinuro ang kape na ininom ko.
"Palitan ko nalang." natatawang sabi ni Amon sa kaniya pero umiling ito.
"Masarap naman po eh... akala ko mapait, tikman mo, hon." Sabi ko at kinuha ang tasang may laman ng kape at parang may gustong sabihin si Kuya pero nainom naman na ni Amon.
"Bakit ba ha?" tanong nito at napakamot nalang si Kuya at kinuha ang box na kape at pinakita saamin.
"Anobayan?" tanong niya habang iniinom pa din ang kape saka binasa ang nakalagay sa labas ng box.
"Maca coffee? Oh anong meron--- Maca coffee is...great for both male and female fertility. And.. supporting a healthy libido and increase s'xual performance." basa ni Amon saka napatingin sa akin.
"Bakit--" agad na napakamot si Amon sa ulo niya.
"Hayaan niyo na... mag-asawa naman kayo." Sabi nito at kinuha sa kamay nito ang box.
"Para kasi yan sa mga may edad na tulad ko..yung hindi na -- Ah basta! Sa inyo nga lang mas malala ang side effect niyan dahil mga bata pa kayo." Sabi nito at napalunok ako.
"Sige na.. maiwan ko na kayo, dadalhin ko pa ito kay misis." Sabi niya saka nagpaalam na.
Naiwan naman kaming tulala.