Lumapit ako kay Blythe at mahigpit na niyakap siya. "Miss na miss na kita, sobra." Saad ko at narinig ko ang mahina niyang paghinga. "Mag-iingat ka palagi, wag mong pababayaan ang sarili mo, pasensya kana kung hindi ko muna mapapanagutan yung kilig na nadama mo nung naging tayo." sabi ko at natawa siya at niyakap niya ako pabalik.
"Pero please...wag mo muna akong dalawin dito.. baka di ako makatiis at isama na kita sa loob ng pihitan." sabi ko saka hinalikan ang gilid ng ulo niya at tumango naman siya.
"Okay. Mag-iingat ka din dito..mahal na mahal kita, Amon." sabi niya kaya binitiwan ko siya at agad hinawakan ang magkabiling pisngi niya at ngumiti.
"Mahal na mahal din kita." sabi ko at saka inangkin ang labi niya at nakarinig naman ako ng mahihinang kantyawan.
"Raymond, sabi mo yakap lang ha?" sigaw ni chief at natawa kaming pareho ni Blythe.
"Panira ka naman chief eh." sabi ko habang napapakamot at tiningnan muli si Blythe at kinuha ko naman ang box sa bulsa ko na may lamang kwintas. Binili ko ito noong bago ko ibalik si Blythe sa kanila, regalo at peace offering ko sana dahil sa pagkidnap ko sa kaniya pero bigla itong nag-confess ng feelings niya sa akin.
Sinuot ko nga ito sa kaniya at agad niyang hinawakan ang pendant. "Penguin?" tanong nito.
"Sabi kasi nila pag nahanap daw nung penguin ang mate nila they stay them for the rest of their life. I want to be your penguin, Blythe." sabi ko.
"Proposal na ba 'to?" tanong niya.
"Hindi pa naman, pero for sure paglabas ko dito yan ang una kong aasikasuhin." sabi ko at tumango siya.
"I can't wait to be your penguin." sabi niya at natawa ako ng mahina at agad pinunasan ang luha sa pisngi niya.
"Sige na..ingat ka." sabi ko at kumaway pa bago tiningnan si chief na napapatango sa akin.
"Mabilis lang ang two years, pogi." sabi nito at huminga ako ng malalim, sana nga.
______
BLYTHE'S POV
Few months past. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Habang tumatagal at hindi ko nakikita si Amon ay lumalala ang pagka-miss ko sa mokong na 'yun.
This won't do. I need to see him again ---
"Saan ka pupunta, my little princess?" nagulat naman ako ng biglang dating ni daddy.
"Uh, ---"
"You promise. One and a half years nalang baby girl." Sabi ni dad sa akin at napabalik ako sa pagkakaupo ko sa sofa at huminga ng malalim.
"Miss ko na talaga siya, dad. I want to see him, I want to hug him." naiiyak kong sabi at napairap ako ng tawanan ako ni Enzo.
"Tss. Tapos itong unggoy na 'to feel free to see my boyfriend kahit kailan niya gusto." pagmamaktol ko.
"I'm his brother, ma'am." Sabi nito at ngumiti ng may pangaasar. Natawa lang si Dad.
"Hay nako, umakyat ka nalang sa room mo." Sabi ni dad na kinasimangot ko, ano pa nga ba? Irita akong umakyat at inirapan muna si Enzo ng mag-belat ito.
Habang nakasalampak ako sa kama ko ay kinuha ko agad ang phone ko at ime-message sana si Milan ng matigilan ako.
STOP DRINKING, LAGOT KA TALAGA SAAKIN 'PAG NALAMAN KONG NAGPAKALASING KA NANAMAN.
Napapikit ako ng mariin ng maalala ang last na bilin sa akin ni Amon. Edi hindi.
Agad kong hinawakan ang kwintas na bigay ni Amon sa akin at agad napangiti.
Tss.
Napaupo naman ako ng maalalang malapit na ang birthday niya. Sayang, ito pa naman sana ang first celebrating namin as a couple.
Hay nako, napahiga muli ako at agad niyakap ang human size kong teddy bear at napasimangot.
____
RAYMOND'S BIRTHDAY.
Patago akong nagbi-bake ng cake for Amon dahil ayokong ipaalam ito kay daddy dahil for sure babawalan din ako nun na pumunta sa city jail.
Bukas pa naman ang birthday ni Amon, actually three hours nalang birthday na niya. Nine o'clock pm na at balak ko siyang puntahan ngayon, alam kong imposible ang gusto ko pero dahil close si Amon sa chief don ay pinagbigyan nito ang pangungulit ko dahil natutuwa daw talaga siya kay Amon.
Nasa harapan na ako ngayon kung saan nakakulong si Amon at hindi ako pwedeng pumasok sa loob dahil hanggang eight lang naman ang visitation hours nila.
So, ang naisip ni Sir chief ay mag-disguise akong police 'din. Oh, di ba, ang brilliant.
Huminga ako ng malalim, thirty minutes nalang birthday na ni Amon.
Sinenyasan naman ako ni Sir chief kaya dali-dali kong inayos ang suot kong cap at sumunod sa kaniya.
"Isang oras kalang dito ha, pupunta na dito ang kapalitan ni Nina." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang may-ari ng uniform na suot ko at agad akong tumango.
"Sir, yes, sir!" Sabi ko at natawa siya at inabot ko sa kaniya ang binake kong cupcakes at coffee dahil alam kong night shift siya tonight.
"Thank you po uli." Sabi ko at tumango ito.
"Sige na, dalian mo na." Sabi niya at kinuha ko nga ang susi at agad pinuntahan kung saan nag-iistay si Amon.
Every people here's have own room or kulungan ba, iwas na din sa gulo or saksakan.
Luminga-linga ako bago ko binuksan ang rehas at agad napaupo si Amon at kumunot ang noo nito. "Ma'am Nina?" tanong nito mukhang hindi pa niya ako nakikilala.
Humarap ako at agad inalis ang cap ko at ngumiti sa kaniya. "Surprise, my love." Sabi ko at napaawang ang labi nito at di kalaunan ay natawa siya sa itsura ko.
Tumayo ito at hinila ako palayo sa may pintuan at agad hinarap sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" gulat man ay halata ang amaze sa mata niya.
"Happy birthday!" bati ko saka siya hinalikan sa pisngi niya.
"Gusto kong ako ang unang babati sayo this year." Sabi ko at ngumiti siya at agad akong niyakap.
"Pasaway ka talaga." Sabi nito.
"Pero mahal mo?" tanong ko at tumango siya.
"Kaya mahal kita." sabi niya at napangiti ako.
"Isang oras lang binigay sa akin ni Sir chief." mahina kong sabi kaya mas lalo nitong hinigpitan ang yakap niya sa akin.
"Dapat pala mas inagahan ko punta ko dito pero sabi nito may iba pa daw nagbaba---" natigilan ako ng mariin niyang inangkin ang labi ko na kinapikit ko.
Ramdam ko ang pagkuha nito sa mga hawak ko at inilagay sa table na andon at muli ay siniil ako ng halik.
Mabilis kong niyakap sa kaniya ang braso ko habang ninanamnam ang matamis at mapusok na halik nito sa akin. I miss him.
"Na-miss kita. Hindi ko ini-expect na pupunta ka dito at isusurprise ako ng ganito.." sabi niya at ramdam ko na ang paghalik nito sa buong mukha ko habang marahan na hinahaplos ang katawan ko.
"Maraming salamat, Blythe." sabi nito at niyakap ako.
"Babawi ako sa'yo pag labas ko dito." mahina niyang sabi at tumango ako.
_____
Pagkatapos naming kainin ang ginawa kong cake ay nahiga muna kami pareho sa kama niya. "Twenty minutes nalang." mahina kong sabi habang nakatingin sa phone ko.
Huminga siya ng malalim at humarap sa akin. "Gusto mong matulog dito?" tanong niya at inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya.
"Gustuhin ko man pero baka mahuli ka at si Sir chief." Sabi ko at inunat nito ang braso niya para magsilbing unan ko.
Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "Pwede bang halikan mo nalang ako hanggang sa matapos ang isang oras." mahina kong sabi at di ito sumagot at hinila nalang niya ako at agad pumikit ng maramdaman muli ang labi niya.