CHAPTER THIRTEEN

273 2 0
                                    

Agad na umiling 'to. "H-Hindi siya..." kumunot ang noo ko.

"Anong hindi siya? Pinagloloko mo ba ako ha?!" galit kong tanong saka tumayo na.

"Kuya, kumalma ka---"

"Paano ako kakalma ha--?" sabi ko at hinawakan nito ang balikat ko na kinapikit ko ng mariin.

"Ano bang sinasabi mo, Attorney Barry? Sabihin mo, kung hindi si Philip, edi sino?" tanong ni Bernard.

"Babae ang kumausap sa akin..m-maniwala kayo, babae ang kumausap sa akin, siya ang nagbayad." Sabi nito at kumunot ang noo ko.

"What do you mean, Attorney Barr--"

"Si Mrs Montecillo, a-ang asawa ho ni Mr. Philip Montecillo." Agad kumunot ang noo ko.

"Siya talaga...maniwala kayo sa akin." Sabi nito at agad akong napahilamos sa mukha ko at tiningnan si Bernard.

"Hindi magagawa ni Nerissa 'yon---"

"Well, she did, sir! N-Nakiusap itong itago ang lahat." nanginginig na sabi nito.

"And why would she do that, huh?!" sigaw ni Bernard.

"Si Drix! Si Drix Montecillo na anak neto na pamangkin niyo ang gumah'sa kay Ms. Leah." pag-amin neto at natulala nalang si Bernard.

"A-Ang pamangkin ko...nag-nagkakamali ka." sabi niya habang napapailing pa.

Natigilan naman ako ng maalala ko ang pagkikita namin ni Bernard noon at biglang nagsidatingan ang mga pulis, andon ang sinasabi niyang Drix.

Si Drix na bumaril sa akin ng gabing 'yon.

Napabuga ako. It make sense now.

Napaupo ako habang napahawak sa buhok ko ng mahigpit. "Anong patunay mo?" tanong ni Bernard.

"Yung confession niya sa akin..lahat ng nakikiusap sa akin na itago ang mga krimen nila ay nire-record ko ng hindi nila nalalaman." Sabi nito na kinatawa ko ng mahina.

"So, hindi ito ang unang pagkakataon na tumanggap ka ng pera." panguuyam ko dito pero yumuko lang siya.

"Nasaan?" tanong ko at agad 'tong nagpaalam na kukunin lang neto.

"Hindi ako makapaniwala...n-napakabait ni Drix! Napaka-bait na bata niya.." napapailing na sabi ni Bernard na kinabuntong hininga ko.

Ilang sandali nga ay bumaba na ito at dala ang isang box na nakakandado at ng buksan niya 'yon ay andon lahat ng recorder na may iba't-ibang pangalan na naging kliyente neto.

Agad nitong kinuha ang Drix Montecillo na nakapangalan 'don..saka neto in-on ang button sa gitna.

***
DRIX MONTECILLO CONFESSION:

Isang hikbi agad ang narinig ko pagkabukas palang sa recorder.

HINDI KO SINASADYA, ATTORNEY! - mahina niyang sabi habang umiiyak at nakarinig kami ng mahihinang suntok sa isang lamesa ata.

SABIHIN MO, MR. MONTECILLO, ANO BANG GINAWA MO KAY LEAH? - tanong ni Atty. Barry.

Ilang katahimikan ang namayani bago nagsalita muli si Drix.

MAY GUSTO AKO KAY LEAH... - pag-amin neto na kinakuyom ng palad ko.

GUSTONG-GUSTO KO SIYA PERO...ANG SABI NIYA MAY ASAWA NA DAW SIYA! ANG SABI KO..ANG SABI KO MAS MABIBIGYAN KO SIYA NG MAGANDANG BUHAY KESA SA PESTENG ASAWA NIYANG 'YON! - patuloy na pag-amin neto.

PERO AYAW NIYA..HINDI SIYA NAKINIG SA AKIN AT PATULOY PA DIN NIYA AKONG INIWASAN...ATTY MANIWALA KA, GINAWA KONG LAHAT PARA PIGILAN YUNG PAGTINGIN KO KAY LEAH PERO...H-HINDI KO KAYA! - Sigaw neto.

HURT BY MY DESTINY [COMPLETED]Where stories live. Discover now