"Kagaya ng sabi ko sa'yo, ibabalik ko lang ang Nanay mo pag binalik mo si Blythe sa amin at pag sumuko kana sa mga autoridad, tapos ang usapan." Sabi nito at kita ko ang pag-pikit ng mata ni Amon.
"Wag ka ng magisip pa dahil minuto lang ang ibibigay ko sa'yo para mkapagdecide." Sabi ni Tito at inend na nga ni Amon ang call saka inis na lumabas ng kotse.
Lumabas na din ako at kita ko ang frustration, galit at takot sa mukha nito.
Huminto naman din ang sinasakyan nina Tito Rod at nagsisibabaan sila.
"Bakit ka huminto?" tanong ni Tito Rod sa kaniya.
"Bago ho tayo tumuloy, anong desisyon ho ninyo?" tanong nito at nagkatinginan sila.
"Gusto ko hong iligtas si Nanay pero pag ginawa ko 'yon kailangan kong pakawalan si Blythe." sabi ni Amon.
Huminga ng malalim si Tito Rod.
"Ikaw lang ang inaalala namin, Raymond...handa ka na ba talagang pakawalan ang kaso ni Leah?" tanong nito at umiling siya.
"Kung ganon gawin nating lahat para hindi ibigay ang nais nila. Kukunin natin ang asawa ko na hindi natin binabalik si Blythe." sabi ni Tito Rod saka tumingin sa akin at tumango lang ako, bakit ako sumasang-ayon.
Sumakay na kami sa kotse at pumayag na si Amon na makipagkita kina Tito.
Ilang sandali nga ay nakarating kami sa isang abandonadong gusali pero nasa labas lang sila at mukhang inaantay ang pag-dating namin.
Hawak ni Amon ang pulsuhan ko ng mahigpit. "Di ba sabi mo sa akin gusto mong makatulong?" mahina nitong tanong na kinatango ko at huminga siya ng malalim at tumango sa akin, anong plano niya?
"Matapang ka lang pala, Baltazar pero hindi mo pa din ginagamit ang utak mo!" sigaw ni Tito.
"Wag kang puro daldal at ilabas mo na ang Nanay ko!" Balik na sigaw ni Amon na kinatawa naman ni Tito saka niya sinenyasan ang iba nitong tauhan na ilabas si Nanay na nakagapos at may busal sa bibig.
"Kaliwaan, Baltazar!" Sigaw ni Tito habang natatawa.
"Kalagan mo muna siya!" utos ni Amon kaya naman sinunod 'yon ni Tito kaya habang abala sila ay hinila nito ang braso ko at may nilagay siya na bagay sa baywang ko.
"A-Ano 'to?" kinakabahan kong tanong pero ngumiti lang siya sa akin saka pinisil ang kamay ko na biglang kinabilis ng kabog ng dibdib ko.
"Ano na? Amin na ang pamangkin ko." sigaw ni Tito at saka naman nagsidatingan ang mga pulis.
"At saka ang usapan natin, susuko kana." nakataas ang kilay na sabi ni Tito.
"Susundin ko lahat 'yan!" sabi ni Amon pagkakuha kay Nanay at hawak na ako ngayon ng isa sa mga tauhan ni Tito.
Napalingon naman ako kay Amon ng tumawa 'to.
"Pag nakuha ko na ang hustisya na nararapat para sa asawa ko." sabi nito saka may inilabas sa bulsa nito na parang remote.
"Ibabalik niyo sa amin si Blythe kung ayaw niyong mapahamak lahat!" sigaw nito at nanlaki ang mata ko, teka...bomba ba ang kinabit ni Amon sa akin kanina?!
"H'wag mo kaming tinatakot, Baltazar!" sabi ni Tito pero nginisihan lang siya nito at tumingin sa akin.
"T-Tito...may bomba po na nakakabit sa akin..." nauutal kong sabi na kinaseryoso ng mukha nito, saka ko medyo tinaas ang damit na suot ko.
"Hay'p ka, Raymond!" sigaw ni Tito at agad niyang sinensyasan ang tauhan nito na tanggalin sa akin ang bomba pero sumigaw si Amon.
"Subukan ninyo! Baka nakakalimutan niyo hawak ko 'to, isang pindot ko lang, pat'y tayong lahat dito." sabi niya na kinabuga ko dahil di ako makapaniwala na kaya niyang gawin 'to, wala siyang pakialam kahit mam't'y ako.