Agad na ngang pinaalam ni Bernard sa mga autoridad ang mga nalaman at binigay ang kopya ng record na nakuha namin.
Sa ngayon ay hinahanap pa din nila si Drix at walang nakakaalam kung nasaan ito.
"Uuwi na muna ako at bukas isasama ko na si Blythe pagbalik dito." Sabi ko sa kaniya at tumango ito at tinapik ang balikat ko.
"Salamat." Sabi nito at agad kong hinanap si Enzo.
"Sasama ka ba sa akin?" tanong ko ng makita ko siya at umiling 'to.
"Uuwi muna 'din ako sa amin, magkita nalang tayo bukas, Kuya." Sabi nito saka niya ako hinatid palabas ng mansyon.
"So, ibabalik mo na siya?" tanong neto at tumango ako, napayuko naman siya at kita ko ang pagpipigil niyang matawa kaya pinalo ko ng mahina ang tyan niya.
"Tinatawa-tawa mo, ha?" tanong ko at umiling siya.
"Wala, hindi mo naman siya gusto di ba? So, bakit ko pa isa-suggest na magkaroon man lang kayo ng moment." Sabi nito at ako naman ang natawa.
"Bakit feeling ko kabaligtaran yan ha, parang pinapamukha mo sa akin ngayon na kailangan naming magkamoment." Seryosong tanong ko.
"Halata ba?" tanong nito at napairap lang ako.
"Sige na, uuwi na ako." paalam ko at sumakay nasa kotse.
BLYTHE POV
Naglalakad-lakad ako habang dinadama ang sariwang hangin, sobrang lamig na dito lalo na't gabing-gabi na pero parang hindi alintana 'yon sa akin.
Hindi mawaglit sa isip ko ang mga sinabi ni Amon kagabi. Dapat masaya ako. Pero, bakit parang nasasaktan ako? Bakit parang ayaw kong iwan ang bahay na 'to? O mas madaling sabihing ayokong iwan si Amon.
Natawa ako. Nababaliw na ata ako. Huminga ako ng malalim habang nakatingala sa kalangitan, at least magkakasama na muli kami ni, Daddy. Magagawa ko na uli ang mga bagay na madalas kong gawin! Tama, dapat masaya ako.
Natigilan ako nang makarinig ako ng tunog ng makina kaya agad kong nilingon 'yon, agad kong nakita si Amon na pababa sa sasakyan. Napansin naman niya ako kaya agad nitong sinara ang pinto ng kotse.
Huminga ako ng malalim saka binalik ko ang tingin ko sa kalangitan ko dahil for sure iiwasan lang naman niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako at agad siyang tiningnan at papalapit na siya sa akin.
"Wala. Nagpapahangin lang." tipid kong sagot.
"Pumasok kana sa loob." sabi nito at iniwan ako at nung di ako sumunod ay nagsalitang muli siya.
"Blythe!" nilingon ko siya at agad napatango.
Sumunod ako sa kaniya sa loob at ng papasok ako ay nagsalitang muli siya.
"Kumain ka na?" tanong neto at tiningnan ko siya at umiling ako.
"W-Wala akong gana---"
"Sabayan mo na ako." sabi nya sabay labas nung mga binili neto.
"H-Hindi ako nagugutom---"
"Ihahatid na kita bukas ng umaga." sabi nito na nagpatigil sa akin.
"B-Bukas na agad?" tanong ko at tiningnan niya ako.
"Oo. Nangako ako sa Daddy mo at kailangan kong tuparin 'yon, sinabi ko na din sa'yo kagabi di ba, pagbalik ko uuwi kana." saad neto.
"Oo nga." mahina kong sabi saka yumuko.
"Bakit, ayaw mo ng umuwi?" tanong neto at tiningnan ko siya pero hindi ito nakatingin at inaasikaso lang ang dala niya.
"H-Hindi ah! B-Bakit diko nanaising hindi umuwi, gustong-gusto ko na ngang umuwi eh." sabi ko habang sinisikap ang hindi maiyak, at hindi naman siya nagsalita.