CHAPTER EIGHT

267 2 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at tuluyan na ngang gumaling si Amon mula sa pagkakabaril nito.

Nakita ko na din na kinakausap na uli niya ang Daddy ko ng patago sa akin pero as usual, galit at pagbabanta ang mga sinasabi nito sa kaniya.

"Amon..." tawag ko sa kaniya kaya tiningnan niya ako.

"Hindi Amon ang pangalan ko!" sabi nito kaya napayuko ako.

"Gusto kong malaman ang plano mo?" sabi ko at tiningnan niya ako.

"Gusto kong tumulong.." lakas loob kong sabi sa kaniya at kumunot ang noo nito.

"Wag kang magisip ng kung ano! Ginagawa ko 'to dahil kay...Daddy at Leah. Gusto kong patunayan sa'yo na hindi ganong klaseng tao ang Daddy ko--"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." seryoso niyang sabi at tinalikuran ako kaya mabilis kong hinawakan ang braso nito na parang gusto kong pagsisihan dahil sa sama ng tingin niya.

"Hayaan mo akong tulungan ka." Sabi ko at huminga siya ng malalim at hinarap ako.

"Gusto mong tumulong? Sige, anong tulong ang ibibigay mo sa akin?" tanong nito at tila naumid ang dila ko dahil sa totoo lang, wala talaga, wala akong maisip.

"Kahit ano...kahit ano, kung gusto mo kakausapin ko si Daddy---"

"Araay!" daing ko dahil hinawakan nanaman niya ang braso ko.

"Ginawa ko na 'yan di ba? Pinag-usap ko na kayo ng Daddy mo! Pero anong napala ko?" tanong nito.

"N-Nasasaktan ako, Amon..." daing ko kasabay ang pagtulo sa luha ko na tila natauhan naman siya at bigla nitong binitiwan ang braso ko saka ako tinalikuran at lumabas.

Napaupo nalang ako sa sofa na andon at kasunod non ang paglabas ng kwarto ni Tito Rod ang Papa ni Leah.

"Umiiyak ka nanaman? Sinigawan ka nanaman ba ni Raymond?" tanong nito at umiling ako saka pinahid ang luha sa pisngi ko.

"Gusto ko lang naman pong makatulong, tito." sabi ko at huminga naman siya ng malalim.

"G-Gusto kong patunayan kay Amon na walang kasalanan ang Daddy ko kay Leah..." umiiyak kong sabi at tinapik naman nito ang balikat ko.

"Ayokong saktan ka o tanggalin ang pag-asa dyan sa puso mo pero...paano nga kung..paano nga kung may kinalaman ang Daddy mo? Handa ka ba sa pwedeng mangyari?" tanong nito.

"Alam ko po sa sarili ko na hindi ganong klase ang Daddy ko pero...kung talagang...k-kung talagang siya ho talaga ang p-pum't'y kay Leah, dapat po siyang managot." Sabi ko at napatango si Tito sa akin.

RAYMOND 'Amon' POV

Nakasandal ako sa may pintuan habang nakikinig sa pag-iyak ni Blythe kay Tatay Rod, napapikit ako at huminga ng malalim saka kinuha ang cellphone ko na kanina pa nakakarecieve ng mga message at tawag mula sa pamilya ni Blythe.

Tinawagan ko si Montecillo at lumipas lang ang ilang segundo ay sinagot nito 'yon.

"Amon!" sagot nito.

"Nasaan ang pangako mo?" tanong ko at tila natahimik naman siya.

"Di ba sabi mo hahanapin mo ang totoong pum't'y sa asawa ko? Nahanap mo na ba?" tanong ko.

"Hindi pa, Amon...pero maniwala ka ginagawa kong lahat." Sabi nito at huminga ako ng malalim.

"Dalian mo dahil nababaliw na ako, baka kung ano pang magawa ko." Sabi ko.

"Kamusta si Blythe?" tanong nito.

"Buhay pa." sagot ko saka tumawa ng mahina.

"Amon naman, nakikiusap ako, wag mong sasaktan ang anak ko." Sabi nito.

HURT BY MY DESTINY [COMPLETED]Where stories live. Discover now