CHAPTER TWENTY ONE

322 1 0
                                    

Napatingin ito sa oras sa phone niya. "Mage-eight na hon---" rinig kong sabi nito pero pinanatili kong pikit ang mata ko.

"Wag kang magtulog-tulugan." Sabi nito.

Humilik naman ako na kinatawa nito.

Napasigaw ako ng bigla niya akong binuhat na parang sako ng bigas. "Hon naman!" Sigaw ko pa.

"Uuwi ka o uuwi ka?" tanong nito.

"E wala namang choices dun eh?" Reklamo ko.

"Wala talaga, so, kailangan mong umuwi---"

"Okay. Okay. FINE!" Sigaw ko.

"Baba moko!" Sabi ko pa at sinunod naman niya at agad kong inayos ang sarili ko at hinarap siya.

"ONE HOUR!" Sabi ko at pinaningkitan niya ako ng mata.

"SIGE NAAAAA! ISANG ORAS PA PLEASE!" pakiusap ko at napabuntong hininga siya.

"Sige." Sagot nito na kina-yes ko at natawa naman siya sa reaction ko.

Mabilis ko siyang niyakap at pumikit para antayin na halikan niya ako.

"Kiss me." Sabi ko at nginuso ko pa ang labi ko para i-kiss lang niya ako.

Pero napamulat ako ng halikan niya lang ako sa noo ko. "Hon?" pagtatanong ko.

Naramdaman ko ang paghawak nito sa magkabilang braso ko at pinisil iyon ng mahina. "Kapag ba kinausap ko ang Daddy mo at pumayag siya sa atin, handa ka bang pakasalan ako?" biglang tanong nito at hindi agad ako nakasagot.

"Hindi din naging maganda ang simula natin, Blythe, pero...maniwala ka, natutunan na kitang mahalin ng sobra." Sabi pa niya.

"Proposal na ba 'to, hon?" tanong ko at ngumiti siya.

"Sabi ko naman sa'yo di ba, the first thing na gagawin ko sa paglaya ko ay ang ayain kang pakasalan ako." Sabi nito na kinapikit ko dahil sa tuwa, hindi ko alam na seryoso pala siya non.

"Hindi ako perpektong tao, Blythe. Pero gagawin ko ang lahat para sa taong Mahal ko, alam mo yan." Sabi nito na kinatango ko.

"Kung kailangan kong lumuhod sa Daddy mo para tanggapin lang ako at patawarin sa mga mapangahas kong salita sa kaniya noon ay gagawin ko. Mapatunayan ko lang na...mahal na talaga kita." Sabi pa niya at tumulo na ang luha sa pisngi ko.

Tumingala ito. He's crying, my baby is crying.

"Alam kong...hindi ako katulad ng mga naging manliligaw mo noon, hindi ako mayaman...pero----" I stop him by kissing him passionately.

"I love you, hon. Kahit na iba ka sa kanila kagaya ng iniisip mo, for me, ang perfect mo." Sabi ko at napangiti siya.

"Kahit na alam kong mas maattitude ka sakin ay mahal kita, kaya please... kung ano man ang binabalak mo para mapapayag si Daddy, susuportahan kita." Sabi ko at binitiwan niya ako at lumapit siya sa drawer at may box na kinuha ito saka lumapit sa akin.

"Let me ask you again...Blythe, will you ----"

"Yes!" Sagot ko at natawa siya ng mahina.

"Blythe ... Patapusin mo muna ak----"

"My answer will be yes!" Sagot ko.

"Paano kung iba ang tanong ko?" tanong niya at umirap ako.

"Alam ko yan...WILL YOU MARRY ME Yan eh." Sabi ko at tumawa uli siya at umiling.

"Ang ibig kong sabihin ay... WILL YOU BUY THIS? Three gives." Sabi nito na kinasimangot ko at natawa ito ng mahina.

"Nakakatawa yon, Amon ha?" tanong ko.

"Sorry, nagbibiro lang." Sabi niya saka ako kiniss sa pisngi ko. "I love you." Sabi niya saka sinuot yun sa daliri ko.

"Gagawin ko ang lahat para mapapayag ang daddy mo, pangako." Saad niya na kinatango ko at niyakap siya ng mahigpit.

Nakasakay kami sa kotse ko at siya na ang nagmaneho pahatid sa akin.

Tiningnan ko siya, "I don't want to say goodbye, hon." Sabi ko habang nakasandal sa inuupuan ko at natawa ito ng mahina saka tumingin din sakin.

"Ako din." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinalikan 'yon.

Biglang tumunog ang phone ko mula sa bag kaya kinuha ko yun at may message ito mula kay Dad. 'My princess, where are you? Uncle Philip is here. Come home early.' pagkabasa ko nun ay nanlaki ang mata ko at tiningnan si Amon.

"Hinahanap na ako ni Daddy!" Sabi ko at nawala ang ngiti sa labi niya, binalik ko na agad ang phone sa bag ko.

"Hon, you should go home now. Nakabalik na si Uncle mula sa bakasyon niya, and My uncle wouldn't be so nice kapag nakita ka niya dahil sa mga nangyari noon." Malungkot kong sabi at huminga siya ng malalim.

"I'll go in now. Take care----"

"Tara." aya niya na kinalaki ng mata ko, lalo na ng alisin nito ang suot na seatbelt at bumaba.

Inalis ko din ang suot kong seatbelt ko at sinundan siya. "Where are you going, hon?" tanong ko.

"Amon, wait lang!" mahinang tawag ko dito.

"Kakausapin ko Daddy mo." Sabi niya.

"Hah?" Bulalas ko pero wala na akong nagawa ng hilahin niya ako papasok sa loob ng mansyon.

Halos takasan na ako ng kaluluwa ko ng nasa tapat nanamin si Daddy habang nakapamewang at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Amon.

"Hi" bati ni Amon at lumabas din si Uncle na kinapikit ko ng mariin.

"Amon, nakalaya ka na pala talaga." napapatango na sabi ni uncle.

"Yes po, narinig kong nakabalik na kayo, Sir Philip." Sagot nito at pareho kaming napapatitig ni Daddy sakaniya dahil sa pag 'Po' nito kay Uncle.

Halata ang Kaba sa mukha nito at kita ko din ang sunod-sunod na paglunok nito.

"Uh, bat andito tayo sa labas, pumasok kayo sa loob." Aya naman ni Dad kaya naman napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Amon.

Habang nasa sala kami at humihigop naman sina Dad at Uncle ng kape nila at ako ay Juice lang dahil para akong kinakapos ng hininga ko. Bakit kinakabahan ako? Juskooo.

"Anyway, why are you here this late?" tanong ni Uncle Philip kaya tiningnan ko naman si Dad pero umiling siya sa akin na parang sinasabi na wag akong mangealam.

"Uncle! Don't be so mean to him---"

"Do you want to tell us something? Siguradong hindi ka pupunta dito para lang kamustahin si Bernard lalo na ako." Sabi uli ni Uncle na kinapikit ko na.

"Sir!" biglang sabi ni Amon na kinalingon ko sa kaniya.

"Well...Gusto ko ho sanang pumayag na kayo sa relasyon namin ni Blythe at pakasalan siya." Sabi nito at agad naman napaubo si Dad.

Sunod-sunod na umubo si Dad at kinuha pa niya ang panyo niya para punasan ang bibig niya pero natigilan siya at napatingin sa kamay ko, nagkatinginan sila ni uncle.

"Mukhang nagpropose ka muna sa kaniya bago mo kami sinabihan." Sabi ni Dad kaya agad kong tinago ang kamay ko.

"Mahal ko si Blythe." Buong lakas-loob na pag-amin niya.

"Mahal ko din ang anak ko, Amon. Sa totoo lang...nung malaman kong may relasyon kayo ay nagulat talaga ako pero wala akong lakas ng loob na kausapin ka lalo nasa nangyari sa'yo." Sabi ni Dad.

HURT BY MY DESTINY [COMPLETED]Where stories live. Discover now