CHAPTER TWENTY TWO

296 1 0
                                    

Huminga ng malalim si Dad ng mapansin ang kamay kong nakahawak sa braso ni Amon. "My princess, iwan mo muna kami, please." pakiusap nito kaya tiningnan ko si Amon at tumango naman siya.

"Trust me, hon." mahina niyang sabi na kinatango ko at tiningnan sina Dad at Uncle.

Tumayo na nga ako at nagpaalam sa kanila pero nagtago lang ako sa gilid at nakikinig pa din sa kanila.

"Are you sincerely...asking for our permission, Amon?" tanong ni Dad kay Amon.

"Yes." sagot ni Amon at naupo naman si Uncle ng ayos at tiningnan si Amon.

"Then...will you not see each other again if we don't allow you two?" Tanong ni Uncle na kinatayo ko.

"Dad! Uncle!" Sigaw ko at tiningnan nila ako.

"Be quiet! Go upstairs." Sigaw ni Daddy na kinapadyak ko na parang bata at tiningnan ako ni Amon at sinenyasan na sumunod sa kanila pero umiling ako. Call me stubborn pero hindi talaga ako aalis dito.

"Okay. Honestly, Amon. Hindi ko gusto ang idea na maging kayo." Sabi ni Dad at agad naman sumangayon si Uncle.

"Bigla nalang naging kayo ng anak ko pagkatapos ng lahat, ng pagkidnap mo sakaniya, sa lahat ng pananakot natin sa isa't-isa." Sabi pa ni Dad.

"How could I accept and trust you na hindi ito isang paghihiganti nanaman?" tanong uli ni Dad.

"I understand what you mean." Sabi nito at napapatitig ako kay Amon, sumusuko na siya? Ganon na 'yun?! Hindi!

________

Agad akong napaupo sa tabi ni Daddy pagkalabas ni Amon.

"Dad! Really?!" di makapaniwala na tanong ko.

"Do you mean it?" masayang tanong ko habang nakayakap sa braso nito at natawa naman siya habang napapailing.

Tiningnan ko din si Uncle na tatawa-tawa lang din.

"Oo nga, ang kulit mo talaga." Sagot ni Dad.

"Malalaki na kayo, lalo kana, hindi na kita mapipigilan pa na piliin pa si Amon. Well, alam ko namang hindi masamang tao si Amon, naiintindihan ko naman ang galit nya kaya niya nagawa ang bagay na yun." Sabi nito at tiningnan ko uli si Uncle at tumango ito saka tinaas ang isang kamay para sabihin na sangayon siya sa desisyon ni Dad.

Napangiti ako. "Oo naman po, hindi talaga siya masama." Pagsangayon ko na kinatawa ni Uncle ng mahina.

"Do you like him that much?" tanong ni Uncle Philip at tumango-tango ako.

"Yes I do!" Sagot ko at natawa nalang silang pareho.

"Thank you, Dad! Uncle, I love you both!" Sabi ko saka sila pinagki-kiss sa cheeks nila.

"What are you doing?!" reklamo ni Uncle .

"Dalaga kana, pero kung umasta ka para ka pa ding bata." Sabi ni uncle pero nagbelat lang ako at di sila pinansin.

_______

A FEW MONTHS PASSED

WEDDING DAY

Simpleng kasalanan lang ang naganap saaming dalawa ni Amon, kinasal kami sa probinsya kung saan ako nito tinago.

Andon lahat ng pamilya ni Amon kaya sobrang saya neto, mabuti nalang din at hindi na tumanggi si Daddy ng hilingin ko na doon kami ikasal kahit na bumyahe pa sila ng napakalayo.

Agad kong niyakap si Daddy ng makita ko itong tahimik sa isang sulok. "Dad, what's wrong?" Tanong ko at ngumiti ito ng tipid.

"Nothing, my princess. Alam ko namang darating ang araw na ito.. yung ikakasal kana sa taong mahal mo pero.. hindi ko inexpect na ganito kabilis." Sabi niya saka pinahid ang luha nito.

"Sorry, daddy." Sabi ko at tumango ito.

"It's okay, I'm so happy for you." Sabi ni Dad saka nito hinalikan ang gilid ng ulo ko at nagpaalam muna para kausapin daw ang ibang bisita.

Hinanap ko naman kaagad si Amon at nakikipaginuman ito kay Tatay Rod at Enzo.

"Hon!" nakangiti kong bati dito at lumapit naman siya at agad kong niyakap ang braso nito at ngumiti sa kanila.

"Ang saya mo ah!" natatawang sabi ni Enzo at inirapan ko lang siya.

"CONGRATS, sis!" Sabi nito at napailing nalang si Amon sakaniya.

___

Nang masolo ko na si Amon ay agad kong niyakap ang braso ko sa leeg niya.

"Dad is crying.." mahina kong sabi saka sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Do we really need to stay here after our wedding?" tanong ko.

Hinawakan nito ang pisngi ko. "Hindi naman natin kailangan tumira dito, hon. May bahay naman ako sa Manila, pwede tayong mag-stay doon and ayaw kong i-bigla ka na ilayo sa Dad mo." Sabi niya at natawa naman ako at nahalata naman niya yon kaya inirapan niya ako.

"Dito lang muna tayo magi-stay ng ilang araw then balik na tayo sa Manila, mas gusto kasi kitang masolo sa honeymoon natin.. baka kapag nasa Manila ka puro gawin mo lang makipaghangout sa friends mo." Sabi niya at tila nahiya naman ako.

"Honeymoon?" tanong ko pa at pinaningkitan niya ako.

"Ayaw mo ba?" tanong nito at umiling ako.

"Gusto ko." Sabi ko saka ko siya hinalikan sa pisngi niya at niyakap naman niya ako ng mahigpit.

HURT BY MY DESTINY [COMPLETED]Where stories live. Discover now