CHAPTER TWO

409 2 0
                                    

STILL BLYTHE POV

Halos isang oras na akong nakagapos dito simula ng magising ako ng pumasok uli si Amon at lumapit sa akin at tinanggal ang pagkakatali ko sa may higaan, bukod kasi sa nakatali na ang kamay ko ay tinali pa nito yon sa headboard ng kama.

"P-PAKAWALAN MO NA AKO PLEASE..." Pakiusap ko at natawa naman siya saka ako tiningnan.

"Naawa ba ang Daddy mo sa asawa ko nung nagmakaawa siya, hindi naman di ba?" Sabi nito at napapikit ako. Anong bang sinasabi niya?!

"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo?" naiiyak ko ng sabi pero tinapunan lang niya ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Tatanggalin ko ang tali mo pero..." sabi nito saka mabilis na hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit lamang ng isa niyang kamay at sinabing. "Wag na wag mong susubukang tumakas...dahil hindi mo nanaisin pano ako magalit, nagkakaintindihan ba tayo?" tanong nito at agad akong tumango.

Sinundan ko nga siya hanggang sa sala at sumilip sa bintana at kinabahan ng makitang puro puno lang ang nakikita ko sa paligid. "Saan mo ako dinala?!" sigaw ko.

"Bakit mo pa nanaising malaman, eh hindi ka din naman makakatakas---"

"Can you just answer my question ha?!" sigaw ko at mabilis ako nitong nilapitan at agad akong napaatras dahil sa nakakatakot nitong awra.

"Wag na wag mo akong sisigawan! Wala na tayo sa mansyon!" seryoso niyang sabi pero nginisihan ko lang siya.

"Wala akong pake! Sisigaw at sisigaw ako hanggang sa gusto ko hanggang sa-----AAHHH!" sigaw ko ng bigla nitong itutok sa akin ang baril na kinuha nito sa drawer.

"Mananahimik ka o pakakainin kita ng bala?!" bulyaw nito na kinaupo ko sa sahig dahil tila nanlambot ang mga tuhod ko.

"RAYMOND, ANO BA?!" sigaw ng isang babae at pareho kaming napatingin sa pinto at mabilis na lumapit sa akin ang babae at tinulungan akong makatayo.

"ANO BANG GINAGAWA MO HA?!" Sigaw nito saka ako tiningnan kung ayos lang ako saka muling binalik ang tingin kay Raymond----Teka..Raymond?! Hindi ba ang pangalan nito ay Amon.

"Nay? Ano hong ginagawa niyo dito?!" Sabi nito at nanlaki ang mata ko. Nanay niya ang babaing 'to?

"Ikaw ang dapat kong tanungin, bakit tinuloy mo pa din 'to?! Hindi ba nakapagusap na tayo na ipaubaya nalang natin 'to sa batas!" sigaw nung babae at agad umiling si Amon--I mean si Raymond.

"Nay...ano ba! Ilang taon na oh! Dalawang taon na pero ano? Wala paring nangyayare?! Hindi pa din nila dinadakip ang tatay ng babaing yan!" sigaw nito sabay duro sa akin.

"Hindi tama 'to...."

"Alam ko! Pero, mas hindi tama ang patuloy siyang namumuhay ng masagana habang ang asawa ko kasama ang pinagbubuntis nito ay nasa ilalim na ng lupa na...anak niyo, di ba? Wala na ho bang saysay sainyo to? Ayaw niyo na bang pagbayarin ang ama niya!" sigaw nito.

"Hindi mo alam kung gaano ko nais pagbayarin ang gumawa non sa anak ko at kung pwede lang! Kung pwede lang, pin´tay ko na ang Montecillo 'yon, ginawa ko na!" Sabi nito habang nakatingin sa akin ng deretso..naluha nalang ako...ano bang sinasabi nila?! Ano bang kasalanan ng Daddy ko sa kanila?! Gusto ko pa sanang magtanong pero nawalan na ako ng malay.

_____

Nagising ako ng may maramdaman akong malamig sa leeg at noo ko, pagmulat ng mata ko ay nakita kong muli ang babae kanina. Agad akong napaupo.

"Humiga ka muna." Sabi nito at napatingin ako sa paligid, andito pa din ako!

Mabilis ko siyang tiningnan at hinawakan ang kamay niya. "P-Parang-awa niyo na po...pakawalan niyo na po dito. Ayoko na dito, natatakot na ako sa kaniya!" umiiyak kong sabi.

HURT BY MY DESTINY [COMPLETED]Where stories live. Discover now