Pagkatapos nga naming kumain ay nagpaalam na agad si Amon at pumayag na nga si Dad, pagkalabas nga nito ay tiningnan ko si Dad.
"Kausapin ko lang po siya." saad ko at natigilan ito sandali pero tumango pa 'din siya kaya agad akong tumakbo palabas.
Natapilok pa ako dahilan para mapadaing ako, tumingin naman si Amon sa akin. Akala ko ay maga-alala 'to pero tiningnan lang niya ako. "Bakit ka pa sumunod?" tanong neto at paika-ika nga akong lumapit sa kaniya.
"M-Makikita pa ba kita?" tanong ko.
"Bakit mo tinatanong--?"
"Just answer my question, okay. Magkikita pa ba tayo?" tanong ko at huminga siya ng malalim.
"Sa korte, kung pupunta ka." sabi niya.
"Di ba sabi mo magkikita pa kayo ni Daddy bukas, so pupunta ka dito bukas?" tanong ko.
"Hindi, sa opisina na niya ako dederetso." sagot neto na kinayuko ko.
"So, ibig sabihin...h-hindi na tayo magkikita ha?" tanong ko at huminga siya ng malalim.
"Pumasok kana sa loob---"
Bigla ko siyang niyakap kaya agad nitong hinawakan ang braso ko para sana alisin 'yon pero umiling ako. "Kahit sandali lang...please." saad ko at napabuntong-hininga siya.
Binitiwan ko na nga ito at saka tinitigan. "Mag-iingat ka palagi, bawas-bawasan mo na 'din ang init ng ulo mo." sabi ko saka umangat ng konti para halikan siya sa pisngi niya at tumalikod na sa kaniya at naglakad palayo dito kahit hirap ang paa ko.
AMON POV
FEW WEEKS PASSED nasa Korte Kami ngayong lahat at inaantay namin ang magiging hatol kay Drix. Nahuli namin siya sa isang hotel matapos may magturo sa akin kung nasaan ito.
May katalik ito at huli 'din sa pag-gamit ng masamang droga.
Nang marinig ko ang pagsabi nung Judge ng guilty ay agad akong napapikit saka tumingala.
"Siya ay hinahatulan ng kamat'yan dahil sa kasong raped at m'rder." Saka ko narinig ang pagpupok ng judge sa harapan niya.
Tiningnan ko agad si Philip na ngayon ay niyayakap ng mahigpit ang anak at hinahalikan sa noo neto. Sobrang sakit neto sa kaniya dahil nakaburol pa ngayon ang asawa neto dahil inatake sa puso ng malamang ikukulong ang anak tas ngayon pa ay nasintensyahan pa ng kamat'yan.
Napalingon naman ako kay Blythe ngayon na hinahagod ang likod ng Tito niya habang umiiyak. Naramdaman ko ang pagtapik ni Enzo sa balikat ko.
"Tapos na, Kuya." nakangiti niyang sabi at napatango ako.
Agad na lumapit na ang mga pulis kay Drix para makalabas na sila pero bago 'yun ay tiningnan muna niya ako ng seryoso at naningkit ang mata ko ng makita ko ang pagngisi neto. Baliw na siya!
Nilapitan ko si Bernard at nakipag-kamay sa kaniya. "Congrats sa kaso ng asawa mo." sabi neto.
"Maraming salamat 'din ho sa tulong niyo." sabi ko at tumango ito at nagsilabasan na sila pero si Blythe ay huminto sa tapat ko at ngumiti.
"C-Congrats!" saad niya saka tumingin 'din kay Enzo at kina Nanay saka nagpaalam na.
Pagkatapos nga ng hearing ay nagdesisyon si Enzo na mag-ayang magcelebrate pero wala akong gana.
"Sa susunod nalang, may pupuntahan din ako." sabi ko saka tinapik ito sa balikat niya at naglakad na palayo sa kanila, rinig ko pa ang tawag nito pero kumaway lang ako.
Pumasok ako sa loob ng coffee shop saka umorder ng kape habang sinusuot ko ang earphone sa tainga ko.
[.... Gusto kong uminom.]