CHAPTER SEVEN

307 2 0
                                    

Hindi ako makatulog kahit magaalauna na ng madaling araw. Bumangon ako saka huminga ng malalim bago naisipan ang lumabas nalang at ng makalabas ako ay laking gulat ko ng makita ko si Amon na nakatayo sa harap ng salamin habang hirap na hirap na tinatali ang benda sa katawan niya.

Napalingon siya sa akin, and swear! Sobrang dilim ng expression niya. Pero kahit ganon ay lumapit pa din ako.

"G-Gusto mo ng tulong..." tanong ko pero parang hangin lang ata talaga ang makakarinig ng sinabi ko dahil sa sobrang hina non dahil kinakabahan talaga ako.

"H-Hindi ko kailangan ng tulong mo..." mahina niyang sabi saka dumaing at napapikit pa habang hawak ang gilid ng tyan niya at nung para siyang matutumba ay agad ko siyang tinulungan.

Mabilis niya akong tinulak palayo sa kaniya. "Lumayo ka sa akin! Ahh---H-Hindi ko sabi kailangan ng ...t-tulong mo..." nahihirapan niyang sabi.

"Ano ba?! Nasaan ba sina Kuya na kasama mo kanina? Bakit hinayaan ka nilang ganyan---" Muntik na akong matumba dahil sa pagbangga niya sa akin, buti na lamang nasagi ko ang lamesa at mabilis niya akong tinapunan ng masamang tingin.

Napabuntong hininga ako at hinayaan ko na lamang siya pero napatakip ako sa bibig ko ng matumba ito.

"Amon!"

mabilis akong lumapit sa kaniya at tinulungan siyang makaupo pero tinulak lang niya ako. "ANO BA?!" sigaw ko at isang matalim na tingin ang ginawad nito at mabilis nitong hinawakan ang leeg ko na hindi naman kahigpitan dahil na din siguro nanghihina siya kaya mabilis 'tong napabitaw sa akin.

"L-Lumayo ka...lumayo ka sa aki---"

"Hindi!" matapang kong sabi saka buong lakas ko siyang binuhat at dinala sa kwarto niya at doon siya hiniga.

Teka...ano bang gagawin ko?! Papa G, help me! Naupo naman ako sa tabi niya at agad tiningnan ang sugat niya na agad kinatakip ng mata ko pero maya-maya din ay inalis ko 'yun at kita ko ang pag-irap niya sa akin.

"Pabayaan mo na ako dito!" nanghihina niyang sabi at mabilis na umiling ako at pinagmasdan ko siya, pinagpapawisan na ito ng malamig. My god!

Agad kong hinawakan ang noo niya saka ko din dinama ang noo ko. T'ngina! Nilalagnat siya. Mabilis akong tumayo at kumuha ng maliit na planggana at bumalik sa kwarto nito at naghanap ng bimpo.

Nang makahanap ako ay bumalik ako sa tabi niya at agad binasa ang bimpo at piniga 'yon. Hindi ko alam kung anong uunahin kong punasan kung yung noo niya o yung sugat niya. Bahala na.

Inuna kong linisan ang sugat niya katulad ng ginawa nito sa akin last time and swear parang gusto kong matawa sa nangyari.

"Masakit 'to ah..." mahina kong sabi habang hawak ang bulak na may betadine at agad kong nakita ang bagong tahi nito, ganiyan lang 'yan? Hindi ba siya ma-infect?

Mabilis kong nilisan ang sugat nito gamit ang basang bimpo saka ko sinunod ang betadine..

Habang dinadampi ko ang bulak sa tyan niya ay kita ko ang pagpikit nito.

"Sorry...masakit ba? Sorry talaga, hipan ko nalang.." sabi ko saka hinipan yun saka siya tiningnan.

"Itigil mo 'yan baka mas lalong mainfection ang sugat ko dahil sa'yo...at saka hindi naman masakit." sabi nito na kinairap ko.

Ang sama talaga ng ugali ng Kidnapper na 'to! Agad ko ngang diniin ang bulak sa sugat niya na kinasigaw nito saka ako tiningnan ng masama.

"Ano? Ano? Kala mo ha! Sabi mo hindi masakit? Kayabangan mo!" inis kong sabi.

"Masakit pag dinidiinan!" inis din niyang sabi na kinairap ko

"Reason." sabi ko saka ngumiwi at pagkatapos kong linisan ay tinulungan ko siyang ipaikot ang benda sa katawan niya pero siya na ang nagtali.

HURT BY MY DESTINY [COMPLETED]Where stories live. Discover now