Namimili ako ng ireregalo ko kay Amon for our 2nd anniversary at syempre dahil makakalaya na siya.
Habang namimili ako ay hindi ko maiwasang maalala si Leah dahil sinamahan ko 'din siya noon para bumili ng ireregalo nito para daw sa asawa niya, na ngayon ay boyfriend ko na. Ang weird.
Pero, masaya ako. Sana masaya din si Leah at hindi siya galit sa akin at isipin na inagaw ko ito.
Pero, since nung makulong si Amon ay dinadalaw at pinapalinisan ko ang puntod nito dahil may edad na din sina Nanay Teresa kaya minsan nalang sila makadalaw, si Amon kasi ang palaging gumagawa non pero syempre ako nalang muna.
Pagkatapos ko ngang makamili ay dinalaw kong muli si Leah at nagulat ako ng makitang andon si Enzo at may hawak na bulaklak.
"Enzo?" tawag ko at napalingon siya sa akin at agad nitong pinalis ang luha sa mata niya.
Lumapit ako at pinagmasdan siya. "Ayos ka lang?" tanong ko at ngumiti siya at tumango.
"Yeah. I'm fine, na-miss ko lang ang best friend ko." Sabi nito at natigilan ako. Magbest friend pala sila ni Leah.
"Old friend and first heart break." pag-amin nito saka ngumiti sa akin.
"May gusto ka sa kaniya?" tanong ko.
"Pero pareho namin pinili ang mas mahalaga sa amin, ako career ko as a businessman sa ibang bansa at siya naman bilang huwarang house wife." Kwento nito.
"Alam 'to ni Amon?" tanong ko.
"No, wala naman siyang dapat malaman kasi hindi naman naging kami ni Leah kasi nung nalaman kong pangserious relationship ang gusto niya ay umiwas na ako. Hanggang sa pagbalik ko sila na at kasal na silang dalawa." Sabi pa niya.
"Baka naman may tinatago kang sama ng loob ha?" tanong ko at natawa siya.
"Why would I? Yes I love her, pero sa aming dalawa ni Kuya ay alam kong mas minahal nito si Leah--" tumingin naman siya sa akin.
"Oh.. no offense." Sabi nito at natawa ako saka umiling.
"It's okay." Sagot ko.
"Nakita ko ang pagaalaga ni Kuya kay Leah at saka deserve din naman ni Kuya Raymond ang sumaya.. dalawang taon din siyang nagdusa sa pagkawala ni Leah at kung ngayon ay masaya na siya sa'yo, bakit namin pipigilan 'yon nina Nanay." Sabi nito at ngumiti ako.
"Kaya ba...wala ka pa ding love life?" tanong ko at huminga siya ng malalim at tumawa ng mahina.
"You got me, I just wish lang na mawala nasa dibdib ko ang pagsisisi.." sabi nito at tiningnan ang hawak kong bulaklak.
"Dadalaw ka o hihingi ng basbas?" pangaasar nito na kinairap ko.
"Ewan ko sa'yo!" Saad ko at tinapik lang nito ang balikat ko at nagpaalam na siya.
Pagkaalis nga niya ay naupo ako para ilagay ang bulaklak sa tabi ng lapida at nagsindi na din ng kandila sa tabi nung nilagay ni Enzo.
Ngumiti ako. "Hello, Leah--I'm here again." Sabi ko saka tumawa ng mahina.
"Don't worry... malapit ng lumabas si Amon, for sure dadalawin ka na niya." Sabi ko pa.
Natawa ako sa sarili ko dahil para akong sira na nagsasalita sa harap ng puntod ni Leah.
"I'm sure... namimiss ka din niya." Sabi ko, huminga ako ng malalim. Ang weird lang na sinasabi ko ito, kahit na ako na ang girlfriend ni Amon, siguro alam ko na sa sarili ko na committed na kami sa isa't-isa.
Tumayo na ako dahil ang sunod ko namang dadalawin ay sina Mommy, Tita Nerissa at si Drix. Magkakasama lang kasi sila ng libingan.
_______