Nakatingin lang sa labas ng bintana si Alrich habang pinagmamasdan ang mga bituin na kumikinang sa kalangitan.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari. Nagising na lang siya na may nagsasalita na sa kaniyang isipan.
Akala niya ay nababaliw na siya. Akala niya ay nawala na siya sa sarili. Pero hindi.
Hindi ito imahinasyon. Totoo ngang may kumakausap sa kaniya habang wala siyang malay.
Subalit hindi niya matukoy kung ano iyon noong una.
Children?
Protagonist?
Wala siyang kaalam-alam. Nasa libro ba siya? Ano namang libro?
Kung nasa aklat man siya bakit totoong pangalan niya ang gamit?
Totoo rin ba na magkakaanak siya?
Hindi ba ito halusinasyon lamang? O haka-haka lamang?
At sino ang ama?
Kaso ipinagsawalang bahala niya iyon.
Lumipas ang isang linggo na nasa loob pa rin siya ng mansyon. Kahit na gusto niyang lumabas at tingnan ang kabuuan ng lugar, hindi niya magawa dahil patuloy na nagsasalita ang nasa isipan niya.
Kailangan niyang tapusin ang storyline bago siya tuluyang makalaya. Pero anim na taon? Anim na taon siyang nakapirmi rito?
Walang tao, walang kahit anong katulong, tanging mag-isa lang siya. Si-nu-suportahan ang sarili sa bawat araw na nagdadaan.
Sakto rin na nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kaniyang sarili.
Animo'y nararanasan na rin niya ang paghihirap ng mga nagdadalang-tao. Pero paano niya malalagpasan ito?
Sino ang tutulong sa kaniya?
Sobrang daming mga katanungan at bumabagabag sa isipan ni Alrich. Kung noon nanalangin siya na sana magkaroon sila ng anak ni Red, pero ngayon parang ayaw na lang niya.
Sa bawat araw na lumilipas, linggo at maging mga buwan.
Hindi na nakakayanan pa ni Alrich ang mga nangyayari. Pilit niyang pinapatay ang kaniyang sarili upang hindi maghirap ang mga bata sa paglaki.
Ayaw niyang mabuhay ang mga ito sa lugar na parang nasa loob sila ng isang laro na kung walang gagalaw sa screen, hindi rin sila mabubuhay.
Kaso kahit anong gawin niya patuloy siyang bigo. Hindi siya nilalagutan ng hininga kahit ilang beses man niyang saktan ang sarili.
Kaya sa huli inisip na lang ni Alrich na mabuhay na lang at ipanganak ang mga bata sa hindi niya kilala na ama.
Sino bang ama nila?
Tanong niya sa kaniyang isipan bago mapalingon sa isang cellphone na hindi niya tinitingnan simula ng magising siya.
Nawawalan na kasi siya ng pag-asa.
Pero nang buklatin niya ang contacts. Dalawang numero lang ng tao ang nandito.
Si Jin Linran at Jin Weilan.
Hindi niya maintindihan kung ano ang koneksyon niya sa dalawa na ito.
O ano bang koneksyon nila sa mga batang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Sila ba ang isa sa ama?
Ngunit ipinagsawalang bahala na naman ni Alrich ang mga naiisip. Nagsimula na rin siyang mag-te-text sa mga ito ng mga kung anu-ano.
Ginawa niyang isang diary ang mga numero sa contacts niya kahit pa-paano ay nababawasan ang pagkaalalahanin niya sa bawat araw.
Kahit hindi sila mag-reply sa kaniya, ang mahalaga may pinagkakaabalahan siya.
BINABASA MO ANG
UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)
RandomAlrich Zane Falco is a famous young actor and model. But because of being with the controversial man in the Entertainment Industry, some of them hated him and told him to leave the circle too. However, Alrich didn't give a shit. He loves Red more th...