CHAPTER 13

77 4 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw matapos ang naging komusyon sa pagitan ng mga anak ko at sa magkambal na Jin.

Ang akala ko na titigil na sila sa k-kapunta sa bahay ko ay hindi nangyari.

Kung noon ay mas focus nila ako at kaunti lang sa anak ko. Ngayon ay naging pantay na. Kung anu-ano na lang ang pinagsasabi o alok ang ginagawa nila sa mga bata.

Kahit na hindi sila pansinin ay wala pa rin sa kanila ang lahat. Hindi pa rin sila tumitigil.

Napapagtanto ko na nga rin na mas napaparami pa ang oras nila sa amin kaysa ang magtrabaho.

Kapag tinatanong ko naman ang dalawa sinasabi lang nila na hindi naman sila mawawalan ng pera. Kaya nila kaming buhayin nang walang problema.

Kahit na bilhan pa nila ako ng magandang bahay ay kayang-kaya nila na gawin.

'Eh, di kayo na!'

Kaso nagmamayabang lang sila kapag nasa harapan din namin si Sinian. Para bang pinapatamaan nila ito o sadyang nag-de-deliryo lang ako.

Noong una gan'on pero iba na talaga. Lalo na ngayon na nasa Disreywondercand kami. Isang lugar na p'wedeng puntahan ng mga bata at maski na rin ng mga matatanda.

May mga rides for kids and adults. Can watch movies inside too, more on cartoons actually.

Napapansin ko sa tatlo na parang may mali sa kanila. Kahit na hindi ko gusto ang isang bagay o pagkain, pilit naman nila sa akin inaalok o hindi kaya ay sa mga bata.

Kapag pupunta kami sa rides, magti-tinginan pa nang masama ang tatlo saka sila mag-sa-suggest sa amin kung ano ang magandang rides.

"Let's go to the Ferris Wheel. You'll definitely enjoy it!" Nakangiting pahayag ni Weilan sa mga anak ko na masayang pinagtutuunan ang kanilang ice cream na binili ko.

Pero namutla rin nang marinig ang sinabi nito. Napalingon sa tinutukoy nitong Ferris Wheel.

Kaya napahakbang sila papalayo sa lalaki. Animo'y ayaw na ayaw makita si Weilan sa harapan nila.

"Are you blind? Or stup*d? They were afraid on heights." Malamig na tugon naman ni Sinian sa lalaki na nagpaubo rito.

"Huh? Afraid? I didn't know about that. Then, how about roller coaster?-ouch! What was that for?" Naiinis na singhal ni Weilan nang sapukin siya sa ulo nitong si Sinian.

Kitang-kita ko rin ang panggigigil sa mukha ni Sinian. I wanted to laugh at them.

Ngayon ko lang kasi napagtanto na may pagkat*nga pala si Jin Weilan kahit kunti.

Hindi niya ba napagtanto ang action ng dalawa? Takot sila sa matataas na lugar. Sh*t!

"You deserved it, Wei. They were afraid of heights, why did you suggest a roller coaster? Stup*d. You're already old but your mind was still a child." Pailing-iling pa ang mukha ni Linran.

Parang wala lang sa kaniya na sinaktan ni Sinian ang kapatid.

"Brother..." Gustong magreklamo ni Weilan pero hindi na niya nagawa pang magsalita nang talikuran na siya nito at pinuntahan ang dalawa na nakatingin sa direksyon ng sinehan.

"Want to watch? I already have the tickets." Nakangiting suhestiyon nito sa dalawa.

Napaangat ang kanilang mga ulo sa lalaki bago ibaling ang tingin sa akin ang sarili.

Ang mga mata nila ay kumikinang-kinang pa. Naghihintay sa aking sagot. That's why I left a deep sigh and accepted the offer.

But to my surprise or our surprise, the two quickly ran in the direction of Sinian and hugged him.

UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon