SPECIAL CHAPTER 2

26 1 0
                                    

"Rich," tawag ng taong kilalang-kilala ko ang boses, dahil sa aking narinig biglang napantig ang tenga ko.

Agaran akong napatayo sa aking pagkakaupo. Nakita ko sa aking harapan ang lalaking may sumbrero. Naka-tshirt lang siya na puti at itim na pantalon.

Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita simula ng bumalik ako sa mundo na ito. Ngayon ko lang ulit napagmasdan ang kaniyang itsura.

Matikas man ang kaniyang mukha, hindi pa rin maitatago ang pagkapayat niya.

Hindi tulad noong nagsasama kami na palagi siyang malaman.

Pero kung ano man ang pinagkakaabalahan niya noong wala na kami, wala na akong pakealam pa ro'n.

I'm now content with my current life. Two kids and the right one for my life, Sinian, and their uncles whom I become friends.

Sakto na sa akin ang lahat. Wala na akong dapat pang isipin.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano nalaman ni Red ang pamamahay ko?

"What are you doing here?" Tanong ko rito nang may malamig sa aking tono ng boses.

"Didn't you miss me?" Tanong nito.

"Hah! Miss? You? Come on, we're already divorced. Why should I gonna miss you?" I sarcastically said.

"Is it because of him? I didn't know that you're cheating on me too—"

"Cheating? What the f•ck are you talking about?"

"It's only been 2 months since you signed up our divorced paper. But now, you're marrying someone again? Isn't it suspicious, Rich?"

"So, you're telling me that I'm also backstabbing you?" Walang gana kong saad.

Napansin ko naman ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi.

"Isn't it? Paano na lang kapag nalaman ng publiko na hindi lamang ako ang nagloloko sa ating dalawa? Hmm?" Nakangising saad niya sa akin.

Sa paraan ng pananalita niya alam ko ng nagbabanta siya.

"Anong kailangan mo? Alam kong hindi ka pupunta rito kung wala kang kailangan." Straight to the point ko ng tanong sa kaniya.

Kilala ko na si Red. Ilang taon kaming nagsama kaya alam ko na may balak siyang gawin.

" Then, comeback to me, Rich. Let's built a happy family with the two. Hindi ko alam na may ginawa ka na palang paraan para magkaanak tayo. Kaya gusto kong punan ang kakulangan ko. Comeback to me, Rich." Nagsusumamong tugon niya.

Lumapit pa siya sa aking direksyon, pilit na kinukuha ang kamay ko na patuloy kong nilalayo.

"I'm not yours anymore, Red. You already break off our marriage. Now, what's wrong with you? Huwag mo ng guluhin pa ang buhay ko, Red. Pinalaya na kita, nakakalimutan mo na ba?!"

"NO! YOU'RE MINE, RICH! NO ONE CAN HAVE YOU, YOU'RE ONLY MINE. HINDING-HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAY KUMUHA SA IYO—" malakas kong sinuntok si Red para matauhan siya sa pinagsasabi niya.

Napaupo siya sa sahig, hawak-hawak din niya ang kaniyang kanang pisngi na sinuntok ko na ngayo'y namumula.

Napalabi pa siya habang nakapikit.

"Matagal ng walang tayo, Red. Noong una hinahayaan kita sa mga pinaggagawa mo, naging bulag ako sa mga kalokohan mo, sa pang-che-cheat mo habang tayo. Ngayong malaya na ako sa iyo, ngayong malaya ka na sa dapat mong gawin, babalik ka sa akin para sabihin at pagbantaan ako? Masama bang magmahal? Masama bang maghanap ng tao na totoong mahal ka? Masama bang mag-asawa ulit? Gusto ko lang naman sumaya, Red. Gusto ko lang maranasang mahalin dahil ni minsan hindi ko iyon naramdaman. Kaya pakiusap, Red. Pakiusap. Huwag ka ng bumalik pa rito. Iwan mo na ako, kalimutan mo na ako. Pinili mo siya, kaya anong karapatan mong pigilan ako na piliin din si Sinian?" Mahabang paliwanag ko rito.

Nakaramdam pa ako ng sakit sa aking dibdib dahil sa nakitang luha sa kaniyang mga mata.

Sa mahabang panahon naming pagsasama ngayon ko lang nakita iyon. Ngayon ko lang siya napansing umiyak sa harapan ko.

Napayukom pa ang kaniyang kamao dahil sa sinabi ko habang patuloy ang paglandas ng kaniyang luha sa mga mata.

" I can't, Rich. After you left me, after you chose him over me, I realized how I'd made a mistake. I love you, Rich. I do. Pero natatakot ako, natatakot ako sa sasabihin ng mga tao."

" T*nga ka ba, Red? O wala lang talagang laman 'yang utak mo? Alam na ng buong mundo na nagpakasal tayo. Anong sinasabi mong natatakot ka sa sasabihin ng mga tao? Gi-na-g*go mo ba ako?"

"Natatakot din naman ako, Red. Natatakot din ako. Pero pinalakasan ko ang sarili ko dahil mahal kita. Ipinagsabi ko sa lahat kung ano ba ang nararamdaman ko sa iyo, despite the fact that it will cause a huge problem with my fanbase. Pero wala akong pakealam, mahal kasi kita! Nalunod ako sa pagmamahal na akala ko ay totoo pero peke naman pala. Kaya tigilan mo na ako, Red. Magpakalalaki ka naman. Anong ginagawa niyang gitna mo? Taga-pasok lang?!" Naiinis ko singhal dito.

"Zane's right, be a man, Red. You're not worthy of him. If you wanted him back, then face me."

Napalingon naman ako sa mga lalaking kararating lang kasama ang dalawang sanggol na dinala nila sa center.

Hindi ako sinama dahil gusto nilang pagpahingahin ako sa raming gawain.

Si Linran ang pumunta sa unahan ni Red. Samantalang si Weilan naman ang sumama kay Sinian palapit sa akin habang hawak-hawak si Kidlat na ngayo'y tumatawa pa.

Animo'y nasasabik sa nangyayari. Si Zefhan lang talaga ang tahimik na nakatitig sa harapan, si Sinian naman ang may hawak sa kaniya.

"What the f*ck are you doing here? Kami lang ni Rich ang nag-uusap kaya huwag kayong makialam." May inis sa boses ni Red matapos nitong makatayo sa pagkakadapa sa lupa.

Pilit niya pang nilalayo sa harapan niya si Linran na hindi nagpapatinag sa lalaki.

"Don't act like a tough, bro. If you ruined Alrich's life again, you don't know what we can do. You're just nothing but a piece of sh*t that needed to throw away. So, leave before I call the police." Seryosong banta ni Linran sa kaniya.

Kahit na ayaw nitong umalis, nagpapadyak siyang naglakad sa paalis sa aming direksyon. Masama pa ako nitong tiningnan kaya naramdaman ko na lang ang paglapat ng katawan ni Sinian sa aking direksyon.

Hindi niya ako mayakap dahil karga-karga niya ang anak namin.

"I'm here, Zane. We're here. He can't mess-up with your life again. We promise you." Pang-aalo sa akin ni Sinian nang mapansin ang aking mukha na nag-aalala.

Hindi naman dahil sa gagawin ni Red, kundi sa maaaring mangyari kapag nalaman ng publiko na may mga anak na ako.

Kilala ko si Red. Alam ko ang ibig sabihin ng mga titig na iyon.

He'll do something to get my life into trouble.

'Red, don't do something reckless. I loved you, but I became blind to that love. But now, if you do something, don't regret it. Don't regret knowing Alrich Zane Falco, who was your ex-husband.'

UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon