CHAPTER 12

76 3 0
                                    

ALRICH ZANE'S POV:

"Uncle Nian! Uncle Nian!" Tawag ng dalawang bata sa lalaking kumatok sa aming bahay kinaumagahan.

Nakangiti siya sa mga anak ko pero napansin ko na may hawak-hawak siyang donuts na nakalagay sa lalagyan nito.

"Here's my peace offering for not coming with your dad."

"Yey! Thank you, Uncle!"

"Thank you, Uncle!" Medyo nahihiya pa na turan ni Zefhan kay Sinian.

Si Kidlat lang talaga ang walang hiya-hiya. Grab kung grab. As long as he know that person's well.

Pero kahit na ganiyan siya, mas close pa ni Sinian si Zefhan kaysa kay Kidlat. Dahil ang gusto lang naman ni Kidlat sa kaniya ay ang mga ibinibigay niya na pasalubong.

Pagkain is life ika nga!

"Pupunta ba kayo ngayon sa kompanya?" Tanong nito sa akin nang mapansin na ayos ang suot namin.

"Yes."

"Napapansin kong napapadalas na ang pagpunta ninyo ro'n. Why don't you relax?" May pag-aalala na turan nito. Pero napansin ko rin na parang may kakaiba sa ikinikilos niya o pananalita niya.

Noon naman hindi siya ganiyan. Sa katunayan ay todo support pa siya sa dalawa dahil mahilig talaga ang mga ito sa pag-mo-model.

Kaso ngayon—ah! Bahala na!

"Uncle, our friends' waiting for us! We shouldn't be absent!" Sabat naman ni Kidlat sa usapan namin.

"Yes. I like modeling too." Gan'on din si Zefhan kaya wala na ring nagawa si Sinian kundi ang mapakamot na lang sa kaniyang ulo.

Napahagikhik na lang ako nang mahina. Pero napansin ko ang pagnguso ng lalaking ito sabay lapit sa akin at inakbayan pa ako.

Ang akbay naman niya ay napakabigat kaya napayuko ako nang hindi gan'on kababa.

Masama ko siyang tiningnan.

"Hands up." Utos ko rito nang may malamig na tono ng boses.

Kaya agad-agad siyang lumayo sa akin habang ang mga kamay ay nakataas. Pero may nakakalokong ngiti naman sa kaniyang labi.

"Okay! Okay! Hindi ka naman mabiro."

"Kulang na lang gusto mo akong kubain."

"You should practice yourself to maintain the stability of your body." Komento nito pero hindi ko na siya pinansin.

"Let's go, kids. We shouldn't be late."

"Yes, daddy/dad!" Sabay-sabay na sagot naman ng dalawa kong anak at hinawakan na nga ang magkabila kong palad upang hindi sila makalayo sa akin.

Samantalang si Sinian naman ay nakisunod na rin sa amin. Nang sulyapan ko siya saglit, napansin ko ang nandidilim niyang ekspresyon na mukha.

Kaso napalitan agad iyon nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya.

"What? I know I'm handsome, but I can't d*e right away." Puring anito sa sarili.

"Tsk. Yabang." Napairap pa ako sa sinabi niya at saka ibinaling na nga ang sarili sa harapan.

Pero nagtataka ako kung nagmamalikmata lang ba ako o nakita ko talaga siya na blangko ang ekspresyon ng mukha.

Ano namang dahilan niya para maging gan'on siya?

Minsan na-ko-kuryos na talaga ako sa kung sino ba talaga si Sinian.

Parang may napapansin kasi ako sa pagmumukha niya. As if he's kinda familiar with them... or so what I thought?

UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon