ALRICH ZANE's POV:Sa loob nga ng isang linggo, may isang post na kumalat sa Social Media. Post kung saan binabatikos ako dahil sa ginawa kong paggamit sa mga bata para bumalik lang ako kay Red.
At marami pang iba na may mga kasamang picture kasama ang tatlo. May edited version pa kung saan pumunta kaming hotel, nakita akong may hawak na sigarily* habang hawak si Zefhan, at kung anu-ano pa na bad images na mas lalong nagpasiklab sa galit ng mga netizens.
Alam ko naman na iisa lang ang may alam sa kung saan ba ako nakatira.
Maliban sa akin, sa manager ko, sa katulong, at sa tatlo. Si Red lang ang nakikitaan ko na may gawa nito.
Alam kong nagbayad siya ng malaking pera para siraan ako sa publiko.
Tama siya, maraming nagalit sa akin na mga dating fans ko. Kung anu-ano pang mga pangalan ang tinatawag nila sa akin.
May mga ni-me-mention pa sila na mga public affairs para sa kaligtasan ng mga kabataan.
Buong linggo na iyon patuloy pa rin ang pag-angat ng fake news sa Social Media. Pero ni minsan hindi ako nangialam. Hinayaan ko lang itong umusbong nang umusbong.
"This is insane. We should do something. Ilang beses na ritong pumupunta ang mga pulis dahil sa maling post." May halong galit sa tono ng boses ni Weilan ang maririnig.
Nakaupo kami ngayon sa mahabang sofa habang pinagmamasdan ang post na ngayo'y kalat na kalat na rin sa ibang bansa.
Lalo na sa bansang pinanggalingan ng tatlo. Ilang beses na rin silang tinatawagan ng mga manager nila, nagtatanong kung tunay ba. Agad din naman nila iyon tinatanggi dahil hindi naman talaga totoo.
Pero hindi ko pa sila pinapagawan ng aksyon. I'll let Red be happy for weeks. Paliligayahin ko muna siya hanggang sa ibagsak ko lahat ng emosyong nararamdaman niya.
I'm a loser because of love, but now, I'm in love with Sinian, so who's Red in my life? A pest.
" Do it. It's time for our turn." Sagot ko naman sa kanila, na naging dahilan upang mapatango ang apat, sumilay pa ang kakaibang ngisi sa kanilang labi.
Kasama si Raize na siyang nag-ha-handle na ng mga files about Red's dark side.
Kilala lang sa publiko si Red bilang manloloko o malandi pero walang nakakaalam kung sino bang talaga siya noong hindi pa siya sikat.
Sa katunayan ay gusto kong maging imbestigador noong bata pa lang ako, pero dahil laki akong ampon, walang pera para makapag-aral ako sa school kahit man lang ay elementary o highschool.
Kaya naisipan kong mag-focus sa pag-a-audition. Naging new actor man ako sa Entertainment Industry, hindi pa rin maiiwasang ma-judge ka dahil sa background mo.
Ginawa ko lang talaga ang best ko para ipakita sa kanila na hindi hadlang ang background ko sa gusto kong mangyari sa buhay.
Kaya noong nalaman ko ang background ni Red noong nanliligaw pa lang siya sa akin, ipinagsantabi ko iyon dahil alam kong nakaraan na niya iyon, hindi na siya uulit pa.
Nakalimutan ko lang ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa pagiging bulag ko sa kaniyang pagmamahal.
Ngayong gumawa siya ng kalokohan, hayaan nating pagkainitan siya ng publiko.
Tutal siya rin naman ang nagpasimuno. Why not I tried it too?
"We'll give the files to the police and let them do moves. It's better than posting on Social Media. " Suhestiyon ni Linran sa amin.
"Yeah, Linran's right. We need lawyers in advance if the other party wants to fight back." Sang-ayon ni Sinian.
"Hah! It's good because we have high status in business. We can asked victims to come out using money, right?" Saad din ni Weilan kaya napaisip ako ro'n.
"Money is everything, but justice is convincing. If they can't fight their righteousness, how come they will live peacefully?" Nagpalabas pa nang mahinang buntong hininga si Sinian matapos sabihin ang mga katagang ito.
Kaya kaming nakikinig ay napalabas din ng hininga. Ang mga sanggol naman na nasa lapag, sa mismong kaliwang direksyon namin, mahimbing ang tulog.
Nilagyan na lang namin nang maraming kutson upang hindi sila lamigin dahil sa sahig.
"Lalaban ang mga biktima kapag napagtanto nila na malaki ang chansa na manalo sila. With our evidences, lawyers, and money. How can they back out?" Nakangiting wika naman ni Raize, inaalis ang gloomy atmosphere sa pagitan naming apat.
"He's right. Then let's work now. Hindi dapat tayo magmabagal. Time's running, Alrich life is in the line! Our kids too." Napatayo pa si Weilan matapos sabihin iyon.
Hinila niya pa ang dalawang kapatid palabas ng bahay para sila'y kumilos na.
Wala na ring nagawa sina Linran at Sinian sa marahas na paghila sa kanila ni Weilan.
Pero halata pa rin sa kanilang mukha ang ka-blangkuhan. Kung wala lang silang misyon, panigurado na nakatanggap na agad si Weilan ng sapak sa dalawa.
Napapailing na lang ako sa taong ito saka muling ibinaling ang tingin sa laptop na nakabukas. Hanggang ngayon ay mainit-init pa rin ang post.
Walang tumitigil, walang nagpapahuli, at wala ring awa ang iba na mag-comment ng mga hindi naman makatotohanang bagay.
Masakit man sa dibdib dahil nadadamay ang mga anak ko. Kailangan kong magpakatatag para sa kanila.
Lilipas din ito.
Makakayanan kong lampasan ito.
May mga tao ng nasa tabi ko na handa akong suportahan at ipaglaban. Kaya hindi na dapat akong matakot pa.
Kahit na may ebidensya na ako o ano, kung wala namang back-up, wala ring saysay.
Naranasan ko na iyan. Ilang beses ko ng naranasang walang kakampi, hindi ko pa manager noon si Raize. Saka lang kami nagkatrabaho sa isa't isa matapos kong iwan ang unang kompanya na ginawa lang akong tulay para sa sarili nilang tagumpay.
Sa kanila na lang ako kakapit at magtitiwala. Alam ko, ramdam din ng aking mga anak na nasa poder na kami ng mga taong hindi ka iiwan kahit sa matinding laban.
"I'll go with them too, don't overthink about it, I'll order your dessert." Pampupukaw agad ni Raize sa aking atensyon, sinarado na rin niya ang laptop na nasa aking harapan. "I'll confiscate this laptop. Don't open your Weibo on your cellphone. Do you understand?" Muling dagdag nito kaya napatango na lang ako sabay labas ng matamis na ngiti.
"Thank you, Raize."
"Of course, you need to. I'm the best manager!" Proud na aniya.
"If you're not id*ot sometimes, then you have the title of Best Manager." Pangsisira ko naman sa momentum niya.
Napairap na lang ang lalaking ito sa akin bago siya magpaalam na aalis na rin.
Tanging tango na lang ang naging sagot ko at hinayaan na sila na gawin ang gusto nila.
Bahala sila.
Basta ako iisipin ko na muna ang mga anak ko.
***
Lumipas ang mga araw patuloy pa rin ang pakikipag-operasyon ng apat sa mga police at maski na rin sa mga biktima.
Nakikipag-usap na rin si Linran sa mga kakilala niya o ng original owner sa mga lawyer na kaibigan nito.
Animo'y predicted na nila ang nangyayari dahil ni isa sa mga nabanggit ay walang nagka-aberya. Nag-i-investigate pa rin ang mga police sa mga biktima at maski na rin sa mga building na pinangyarihan ng eksena upang malaman kung nagsasabi ba sila ng totoo.
Habang nangyayari iyon hindi inaasahang may lilitaw pa na mga tao na makikisawsaw sa controversy na ito.
"Rich, what's happening? Who are they?!"
BINABASA MO ANG
UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)
RandomAlrich Zane Falco is a famous young actor and model. But because of being with the controversial man in the Entertainment Industry, some of them hated him and told him to leave the circle too. However, Alrich didn't give a shit. He loves Red more th...