"Sorry!" Hinging paumanhin ko kay Sinian nang mahismasmasan na ako sa nangyari.
Saka bakit nga ba ako nagulat?
"It's okay. Don't worry." Nakangiti niyang wika pero bakit parang may kakaiba sa pagngiti niya?
Para kasing pamilyar? Nakita ko na kasi iyan eh. Panigurado ako.
'Tsk. Don't think too much, Alrich. You're just hallucinating.'Asik ng aking utak bago kami nagsimulang maglakad ulit papunta sa second floor ng building.
Hanggang pangatlong palapag lang ang meron dito. Medyo may kalumaan na rin pero hindi naman masasabing panganib na sa buhay ng mga naninirahan dito.
Mas matibay pa sa relasyon ng iba. Just kidding.
"Gusto mong pumasok?" Alok ko rito nang makarating na kami sa mismong pinto ng apartment ko.
"Later." Pahayag niya sa akin.
Hindi siya nagsabi ng kahit anong dahilan niya kung bakit ayaw niyang pumasok.
Yumuko siya matapos sabihin iyon at nagpaalam na rin sa akin na siya'y papasok na sa kaniyang apartment kaya wala na rin akong nagawa kundi sumang-ayon.
"Dad, who are you talking to earlier?" Zefhan asked me after I entered the house.
Batid ko na nasa pinto ang dalawa. Ganiyan naman ang ginagawa nila kapag may mga yapak silang naririnig na paparating sa kinaroroonan nila.
For being cautious.
"It's our new neighbor and my junior at work. Don't worry he's kind." Turan ko sa mga bata.
Gaya na naman ng ginagawa ni Kidlat, kinuha niya na naman sa aking kamay ang dala ko. Kaya hinayaan ko na lang ito. Hindi nga lang ang panganay na kapatid nito.
"Dad, can I meet that person?" Nahihimigan ko sa tono ng boses ni Zefhan na nasasabik siyang makita ang lalaki.
Kahit na seryoso ang mukha, halata naman sa mga mata ang pagka-kuryos niya. Kaya napatango ako rito.
Wala rin namang mali sa pakikipagkilala.
Huwag lang sa dalawa na akala mo kung sinong mayaman. Tsk!
***
Simula ng sabihin sa akin ni Zefhan ang ninanais niya. Nakipag-meet nga kaming tatlo rito, I mean, bumisita kami matapos naming kumain ng gabihan.
Hindi nga makapaniwala si Sinian na makita kami sa harapan ng pinto pero pinatuloy pa rin niya kami sa bahay niya.
As a new neighbor of this building, it's noticeable how plain his apartment is. Only a bed and a few cooking appliances.
Clothes? He has only two pairs.
Saka na lang daw siya bibili kapag may pera na siya. Kaya itong mga anak ko, nag-insist na ibigay ang mga hindi ko na ginagamit na mga pananamit.
Actually, mga bigay sa akin ng mga customer ko. Lahat ng iyon hindi tugma sa pangangatawan ko. Kahit na Extra Large na ang sinusuot ko.
Kaya ibinigay ko na lahat kay Sinian ang mga iyon. Sinabihan ko na rin siya na nilabhan ko na iyon, baka malay mo may pagka-sensitibo rin siya.
Pero kapansin-pansin na para bang wala lang sa kaniya iyon. Nagpasalamat pa siya sa akin at maski na rin sa mga anak ko.
Simula rin ng araw na iyon naging malapit na ang dalawa sa ka-trabaho ko. Maski rin naman ako.
Sa lahat kasi ng mga nakilala ko rito sa mundong ito, tanging si Sinian lang ang napansin ko na hindi nangungulit sa bagay na ayaw ko. Seryoso siya sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)
RandomAlrich Zane Falco is a famous young actor and model. But because of being with the controversial man in the Entertainment Industry, some of them hated him and told him to leave the circle too. However, Alrich didn't give a shit. He loves Red more th...