"Why are you working so hard?" The boy in a waiter's clothes asked Alrich who's now changing its uniform into normal one.
Nakatalikod siya sa kasamahan kaya hindi niya makita kung ano ang nilalabas na ekspresyon sa mukha nito.
"I have a family that needed to provide." Diretsang sagot niya. Hindi naman niya itinatago ang katotohanan na may anak siya.
Saka wala rin namang maniniwala na siya ang nagluwal dito dahil parang nasa tunay lang siya na mundo kung saan walang lalaki ang nabubuntis. Depende lang kung may rare condition ka na p'wede kang manganak.
Akala ni Alrich napunta na siya sa Parallel World kung saan lahat ay p'wede na mabuntis kahit anong gender ka pa. Kaso wala e'.
Pero may parte pa rin sa kaniyan isipan na nagpapasalamat siya.
Hindi niya na kailangan pang magsabi ng kung anu-ano. Malalaman na agad nila na baka may kinakasama siyang babae at iyon ang ina.
Mabilis niya ring maitatanggi na may kinakasama siya at ang ina ay namat-y na. Nang sa gan'on wala ng ibang tanung-tanong pa.
"Grabe! Bilib din ako sa iyo, Rain. Ang bata-bata mo pa pero kumakayod ka na para sa kanila. Hindi tulad ng mga batang ama na kilala ko, wala man lang silbi. Hinahayaan lang ang anak na magsumikap sa pamilya nila. May mga ama rin na nasa tamang edad na pero mga tamad." Pumupuring anito sa lalaking nakapagpalit na ng damit. "Kapag may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi sa akin o sa iba pa. Kinahahangaan namin ang mga katulad mo. Huwag kang magbabago, Rain." Dagdag nito sa sinabi kaya tanging tango na lang ang naging sagot niya.
"Then, I'll go." Paalam niya rito bago maglakad na upang lumabas sa employees' changing room.
Pumunta muna siya sa manager ng restaurant na pinagtatrabahunan niya upang makapagpaalam lang at nang makatanggap ng 'OK' sign ay nagsimula na nga siyang tumapak papalayo sa restaurant.
Binigyan pa siya nito ng take out na pagkain na nakahanda na talaga para sa kaniya. Kaya nagpasalamat siya at tuluyan na ngang nilisan ang loob.
Sa isang restaurant na kilalang-kilala sa mga mayayaman na tao. They can serve you Western Food, C Food, and many more that can guarantee it's tasty or delicious.
Mga professional chef ang kinukuha ng may-ari na galing sa iba't ibang bansa. Hindi dapat masira ang reputasyon nila sa pagkain na ihahain nila kaya kailangan ng propesyonal na alam na alam ang kusina.
Marami ring mga alak na si-ne-serve sa bartending area. Ang ilan dito ay mamahalin pa na tanging mga mayayaman lang ang may kaya na bumili.
Minsan nag-se-serve si Alrich sa bartending site kapag kailangan na kailangan niya ng pera pero dahil ayaw niyang iwan ang mga bata sa maliit na apartment tuwing gabi, pinagkakasya na lang niya ang sweldo niya sa isang buwan.
Hindi naman maselan sa pagkain ang magkambal, may mga araw na gusto nilang tulungan ang ama nila na magtrabaho.
Sa murang edad iyon na agad ang naiisip nila kaya nakakaramdam si Alrich ng awa sa dalawa.
Gusto niyang humingi ng tawad dahil nagkaroon sila ng ganitong ama na kakarampot lang ang pera.
Pero nauunahan na agad siya ng mga ito.
Palagi nilang sinasabi na mahal na mahal nila ang ama nila.
Kaya ang nagagawa na lang ni Alrich ay magsumikap.
Mabuti na lang palagi niyang dala-dala ang wallet at lumang cellphone sa bulsa niya.
Nakasanayan na niya ito noon kaya hindi na nawawala sa sistema niya.
BINABASA MO ANG
UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)
RandomAlrich Zane Falco is a famous young actor and model. But because of being with the controversial man in the Entertainment Industry, some of them hated him and told him to leave the circle too. However, Alrich didn't give a shit. He loves Red more th...