CHAPTER 8

92 7 1
                                    

"If I gave you 20 million Yon, will you share your name with me?"

Para namang gustong itapon ni Felix ang nainom niyang juice. Sakto kasi na umiinom siya ay saka naman nagsalita ang lalaking ito.

Kung hindi lang ito sikat sa mundo ng Entertainment Industry, gan'on din ang kakambal nito, kanina pa sinaboy ni Felix ang nainom niyang juice sa pagmumukha nito.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? For only the name of his friend, magwawalgas ito ng gan'on kalaking pera?

Kung hindi niya lang kilala si Alrich, iisipin niya na i-ga-grab na nito ang offer. Kaso hindi e'.

Alrich respects his own privacy.

If not? Is he still willing to make an effort to take down that person who spread his half-n*ked body?

"I'm Rain."

"But that's not your real name. Just what Weilan's said." Nakangiting pahayag nito kay Alrich habang nakatingin pa rin kung paano ba siya kumain.

Kitang-kita rin sa peripheral vision ni Alrich kung paano sumilay sa labi nito ang kakaibang ngisi.

'Can they stop bothering me?' nakikiusap na wika ni Alrich sa kaniyang sarili.

Humihiling na rin na sana matapos na siya sa pagkain at nang makaalis na siya rito.

Pero naalala niya na nandito nga rin pala ang mga anak niya, kapag umalis siya, baka may chansa na sumunod ang lalaki.

That's why Alrich decided to let it be.

Kailangan niyang magpanggap na parang wala lang sa kaniya ang presensya ng lalaki.

Hindi na rin siya nag-abala pa na sagutin ang sinabi nito. Kapag ayaw niya. Hindi niya talaga sasabihin.

Nang mapansin iyon ni Felix at parang naging awkward na rin ang kapaligiran, siya na rin ang tumapos.

"Ehem! Why are you here, Director Linran? Sa pagkakaalam ko busy ka sa ginagawa mong film?"

"Mm... actually we're already done. That's why I came here to ask if someone's willing to be part of my upcoming movies." Seryosong pahayag nito at hindi na nga binigyan pa ng atensyon si Alrich.

Tumingin agad ito sa harapan kung nasa'n si Felix.

"Sasabihan ko na lang ang mga agents if may isa sa kanilang actor or actress ang available at makapag-audition na sa movies mo. How about that?"

"That's okay. No worries. Then, how about you, Rain? Will you try acting?" Pangbabalik na naman ng atensyon nito kay Alrich na ngayon ay kakatapos pa lang sa pagkain.

Kaya napalingon ito sa dalawa. Kitang-kita sa mga mata nito na naghihintay sa sagot niya.

"No, sorry. I'm busy."

Kung noon mabilis ang kaniyang pag-accept sa offer ng mga director sa Entertainment Industry, dahil akala niya wala na siyang mapupuntahan pa sa buhay.

Pero ngayong binigyan siya ng pangalawang pagkakataon, babaguhin niya kung ano ang nakatadhana sa kaniya.

Saka alam niya rin kung gaano ka-busy ang isang aktor. Baka maging dahilan iyon para hindi na niya maasikaso ang kaniyang mga anak.

Tama na sa kaniya ang nagtatrabaho sa restaurant. Habang patagal nang patagal siya rito ay saka rin ang pagtaas ng kanilang sweldo.

Saka 'yung mga sahod ng mga anak niya hindi niya binibili o winawalgas. Iniipon niya ito sa bank account ng mga anak niya kahit na bata pa sila.

Habang bata pa ang magkambal dapat nakaplano na ang future nila. Lalo na rin na sasabak na sila sa elementary, high school, at college.

UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon