CHAPTER 15

64 4 2
                                    

Simula ng malaman ko ang nakaraan ng katawang ito sa magkakambal na Jin.

Ginawa ko na lang din ang lahat upang mapalapit ang magkambal sa dalawa. Malapit na malapit naman na ang loob nila sa ama nila kaya hindi na iyon problema.

Noong una ay hindi nila gusto ang hinaing ko, kaya hinayaan ko sila, basta ang sabi ko lang ay kapag gusto nila na makilala pa sila, I'll let them be close with them.

Ayokong pilitin ang mga anak ko sa bagay na hindi talaga nila gusto.

Kaso hindi ko alam kung ano bang nakain ng mga bata, nag-ta-try sila na kausapin sina Jin Linran at Jin Weilan.

Kaya ako naman na may alam kung ano ang ikinakabahala ng dalawa, sinabihan ko si Sinian na  turuan sila kung paano ba mag-alaga ng mga bata.

Kahit na alam kong hindi maganda ang ekspresyon nila sa isa't isa dahil sa Alrich na iyon, siguro ito ring mga bata na ito ang magiging dahilan upang bumalik ang samahan nilang magkakapatid.

Pili lang ang may ganito na samahan sa magkakapatid. Kahit na illegitimate child si Sinian dahil sa kaniyang ina na malandi, hindi naging hadlang iyon sa iba pa niyang kapatid na mahalin siya.

Sila lang ang nagmamahal kay Sinian. Kahit na mali at hindi tama, ayaw nilang malayo sa kapatid.

Siguro ang iba ay iisipin na 'Ah! Baka ayaw lang nilang malamangan kaya gumawa sila ng hindi kaaya-ayang desisyon.'

Pero hindi. Para sa akin, dahil sa pagmamahal na meron sila sa kakambal, nagiging bulag na rin sila sa reyalidad... na merong limitasyon lang ang lahat.

Na ang kasal ay isang sagradong gawain para lang sa taong tunay na nagmamahalan.

Dahil sa mga magulang na ibinibigay ang lahat sa kanila, lahat ng luho nila, kaya sa tingin nila ang lahat ay walang limitasyon.

Katulad sa kasal.

Batid ko rin na hindi rin iyon totoo. Tunay na nagmamahalan? Bakit pa kami ikinasal at nagpakahirap na makahanap ng simbahan na handa kaming ipakasal kung sa huli ay wala rin palang kwenta?

He choose a woman to be with him for lifetime and think that being with a man is a curse. Can't have a child. Can't be proud having a family on his own to his friends.

Sh*t! D*mn!

"Napapansin ko lang, Rain, bakit parang umiiwas ka kay Sinian?" Nagtatakang tanong ni Saint sa akin.

"Huh? Paano mo naman nasabi?" Tanong ko rito nang may seryoso sa aking tono ng boses.

Even though that's the truth. I'm now distancing myself from Sinian and to others after knowing that they were now close to the kids.

Hindi ako si Alrich na mahal ni Sinian, ang katawan lang na ito. Gusto kong isipin ni Sinian ang mga anak niya kaysa sa akin, kaysa sa katawang ito na walang ginawa kundi saktan lang siya.

Pero hindi ko naman pinapahalata. Saka normal na ugali ko lang talaga iyon. Kapag may kailangan sila, sumasagot ako, s'yempre!

Hinahayaan ko rin sila na tumambay sa bahay kapag wala silang trabaho. Para na rin sa mga bata.

Instant babysitter na rin, tutal naman mga kapatid naman sila ng ama ng magkambal.

"Anong hindi, halata ka kaya, Rain. Sa tagal na ninyong magkasama ni Sinian, ilang araw na kitang nakikita na gan'on ang ikinikilos mo sa kaniya, pilit na nakikisama? Ano bang nangyari?"

"That's not your business." Malamig kong sagot at nauna na ngang naglakad upang makalayo lang sa kaniya.

Ayokong may taong nakiki-usyoso sa problema ng iba. Saka akala ko walang makakaalam sa ikinikilos ko kay Sinian, mapanuri rin pala si Saint. Tsk!

UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon