CHAPTER 4

92 6 0
                                    

"Daddy, we're going!" Masiglang paalam ni Kidlat sa ama sabay halik sa pisngi nito.

Gan'on din ang ginawa ng panganay habang sinasakbit ang kaniyang bag.

"Dad, see you." Tugon nito saka sabay na silang naglakad papasok sa kanilang room na ngayon ay kakaunti pa lang ang studyante.

Malapit lang din ang paaralan sa apartment kunting lakad lang ay nandito ka na. Kaya hinahayaan na niya ang dalawa na umuwi kapag hapon, may dala naman itong mga baon sa tanghali upang hindi na mag-abala pa na umuwi.

Pinapaalalahanan na lang ni Rich ang dalawang bata na huwag sasama sa hindi kilala. Sumigaw kapag may sumusunod o hindi kaya ay tumakbo kapag malayo pa.

Huwag kukunin ang candy o pera na ibinibigay. At kung anu-anong paalala na tanging kaligtasan lamang nila ang iniisip niya.

"Take care. Always remember my reminders, okay?"

"Yes, dad/daddy!" Masunurin naman nilang tugon kaya nakangiti lang na pinisil ni Alrich ang pisngi ng magkambal bago magpaalam upang pumunta na rin sa trabaho niya.

***

"Sakto nandito ka na, Rain. Alam mo ba na may mangyayaring selebrasyon sa restaurant. Inarkilahan ito ng isa sa batikong actor sa Entertainment Industry. Grabe hindi na ako makapaghintay na mag-serve sa kanila." Pambubungad agad kay Alrich ng balita galing sa kasamahan niya.

Nakita niya pa rito kung gaano nasasabik ang lalaki sa mangyayaring event sa restaurant na pinagtatrabahunan nila.

Kahit na hindi interesado si Alrich sa narinig, nagpanggap pa rin siya na sana mangyari na ang eksena.

"Hmm..."

"Alam mo rin ba na kapag maganda ang service mo dadagdagan ng may-ari ang sahod natin! Hah! Gagawin ko talaga ang lahat para makakuha ng bonus. Hindi ko palalagpasin ang araw na ito."

'Ako rin.' saad ni Alrich sa kaniyang isipan at nagsimula na ngang magpalit ng uniform.

Alas otso mangyayari ang selebrasyon hanggang gabi. Pero dahil hanggang afternoon shift lang siya, hindi niya makikita ang mga mag-pe-perform na banda na kilalang-kilala rin sa Entertainment Industry.

Hindi rin pinilit ng management na hanggang gabi ang shift niya dahil may inaalagaan din siya na mga bata.

Naghihintay sa pagdating ng kanilang ama kaya wala ng nagsalita o nagkumbinsi.

Nang sumapit ang ika-walo ng umaga. Sunod-sunod na ang pagdating ng iba't ibang artista na kilala sa Entertainment Industry.

Mga magaganda ang kasuotan, kumikinang sa sinag ng araw. May mga security guard din na nakapalibot sa buong restaurant upang harangin ang mga uninvited guest.

Samantalang ang mga waiter at waitress naman ay abala na rin sa pag-se-serve ng mga inumin sa bisita bago magsimula ang selebrasyon.

Nang makarating na si Alrich sa panibagong guest upang dalhin ang wine na hindi nakakalasing kahit na ilang beses mo pang inumin, when someone called him and asked him to come to them.

Grupo ito ng mga kabataan na may magaganda ang mukha. Limang babae at apat na kalalakihan.

"Do you need something, ma'am or sir?" Magalang niyang tanong sa mga ito.

Pero kapansin-pansin ang pagtili ng ilan sa mga kababaihan at ang tatlong lalaki rin ay namumula na sa kanilang nakita.

Kahit na nakasuot lang si Alrich ng normal na waiter uniform. Angat na angat pa rin ang kaniyang kaputian, kapag natatamaan ng sinag ay mapapapikit ka na lang dahil sa liwanag.

UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon