[After 5 Years]
The door opened with forced. Ang nakahiga sa sofa na nilalang ay napamulat dahil sa narinig. Pero hindi siya kumilos patayo.
Dahan-dahan niyang ikinilos ang kaniyang ulo sa direksyon ng pinto upang tingnan kung sino ang bumukas ng pinto kahit na alam naman na niya kung sino ang mga ito at nakita sa harapan ang dalawang bata na magkamukha na malawak ang mga ngiti na naglalakad sa direksyon niya.
"Dad!"
"Daddy!"
Masayang tawag nila sa ama nila na nakahiga. Si Kidlat ang nagsabi ng Daddy at si Zefhan naman ang Dad. Limang taong gulang na ang dalawa, parehas maligalig, at masayahin.
Pero pagdating sa nararamdaman ng kanilang ama, nagiging malamig sila o hindi kaya ay seryoso.
Kahit na ganito lang ang edad nila ramdam na nila ang sakit na pinapasan ng ama nila na nagsasariling sikap na buhayin sila sa mansyon na ni isa ay walang katao-tao.
May mga unlimited food nga para sa pang-araw-araw nila. Pero tanging sila lang ang nakikita nila sa bawat araw.
Kaya nasanay na sila na presensya lang nila ang nakikita.
Sa edad na lima, napagtanto nila kung gaano nahihirapan ang ama nila sa ganitong sitwasyon. Minsan ay napapasulyap na lang sila rito kung paano ito magtipa sa cellphone na luma.
Naghihintay ng sagot pero wala. Hanggang sa makita na lang nila na nasasanay na ang ama nila sa ganitong eksena.
Kaya ginagawa nila ang lahat para pasayahin lang ang ama nila.
Ang ama nila na siyang nagluwal sa kanila.
"Babies, what's wrong?" Mahinhin na wika ni Alrich. Pero nandoon pa rin ang pagkalalaki na boses.
Kaya ang dalawang bata ay napalingon sa isa't isa. Napatango at ang kanilang mga mata ay nangungusap kahit na hindi na kailangan pang magsalita.
Mabilis silang lumapit sa kinaroroonan ng kanilang ama. Hinawakan ang dalawang braso nito at pilit na pinapatayo siya sa pagkakahiga.
Kahit na nagtataka na si Alrich sa ikinikilos ng kaniyang mga anak. Wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod sa mga ito.
Dahil sa taas niya na 180cm ang mga anak niya ay hanggang hita pa lang niya. Nasa limang taong gulang pa lang ito kaya hindi pa sila tumatangkad.
"Let's go outside, dad!" Magiliw na wika ng panganay sa magkambal, si Zefhan. May nunal ito sa ilalim ng kanang mata. Samantalang wala naman si Kidlat.
"Yes! May ipapakita kami sa iyo, daddy!" Sang-ayon din ng bunso kaya napapatawa na lang siya sa dalawa at nagsimula na silang lumabas sa mansyon na tahimik at animo'y parang haunted.
Kahit na hindi naging madali ang limang taon na pakikibaka sa pagpapalaki sa dalawa. Masaya naman si Alrich sa naging bunga.
Nagkaroon siya ng dalawang anak na hindi mo masasabing nasa laro ka. Totoong-totoo sila.
Masasabi na rin niya sa sarili niya na kasapi na rin siya sa mundong hindi niya pa alam, hanggat nasa tabi pa niya ang mga anak niya hinding-hindi niya hahayaan na mawalay sa kaniya ang mga ito.
Gagawin niya ang lahat upang hindi sila kunin ng kanilang mga ama.
Oo, mga ama. Dahil noong isang taon niya lang napagtanto kung sino ba sina Jin Linran at Jin Weilan sa buhay niya.
Kundi ang kaniyang mga asawa. At katulad ng kaniyang mga anak, kambal din ang mga ito.
Pero hindi niya lang mawari kung paano pumayag ang mga magulang nito sa kasal na dapat ay isa lang?
BINABASA MO ANG
UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)
RandomAlrich Zane Falco is a famous young actor and model. But because of being with the controversial man in the Entertainment Industry, some of them hated him and told him to leave the circle too. However, Alrich didn't give a shit. He loves Red more th...