LAST SPECIAL CHAPTER

52 1 0
                                    

ALRICH ZANE's POV:

"The President of the Ying Group." 

"Huh?" Sabay-sabay pa naming saad sa hindi inaasahang kataga na lalabas sa bibig ni Raize.

Ako? Gustong makita ng President ng Ying Group? Para saan naman? Anong ginawa kong mali? Aalisin na ba nila ako sa village na ito kaya direkta na ako sa president talaga.

Pero nawala lang ang pag-aalala ko nang marinig ang mahinang pagtawa ng kabilang linya.

"Don't overreact, we're not a carnivorous people, so you don't have to worry about your lives. We just wanted to talk with Alrich. Only him, so we hope everyone didn't follow him. We already asked someone to pick him up. Oh! I think he's in your door." Mahabang salaysay ng lalaki na hindi mahahalataang matanda na ang boses.

Parang ang tono ay pang-bata pa. Pero imposible rin naman.

Sakto rin na pagkasabi niya noon ay may nag-doorbell na nga sa labas pintuan namin. Narinig ko pa ang pagsabi ng 'I knew it' ng tao sa kabilang linya bago magpaalam at hihintayin niya ako pagpunta ro'n.

"I think I need to go now. Kumain na lang kayo r'yan at huwag ninyo akong alalahanin mukhang wala naman mangyayari." Nasabi ko na lang sa kanila at nagsimula na ngang maglakad papalayo sa mga ito.

Nandito na rin naman ang susundo sa akin kaya kailangan ko ng magmadali pa.

Pero hindi ko inaasahan na may yayapos sa aking katawan, binigyan niya ako nang mabilis na hagkan bago halikan ang aking ituktok ng ulo.

"Take care, text me if something happens," Sinian said, and then he let me go.

"Yes, I will." Nasabi ko na lang sa kaniya at naisipan na ngang buksan ang pinto na sarado pa.

Nakita namin sa labas ang isang lalaki na naka-butler attire saka ito yumuko sa aking direksyon.

"Shall we?" Napatango naman ako sa hindi gan'on katandaan na lalaki.

Siguro nasa 40's pa lang siya. I don't know.

"Bye. See you." Nasabi ko na lang sa lahat at binigyan na rin ng halik sa noo ang mga anak ko bago si Sinian, sa mismong labi niya. Segundo lang iyon.

Sa pisngi naman ang dalawang lalaki na ito na naghihintay rin sa halik ko.

It's kind of weird for others, and for me too, but for the three it's just kind of friendly kiss.

Yet, there's a limitation. May pagka-possessive minsan kasi si Sinian.

Ayaw niya ng niyayakap ako ng iba at gan'on din sa pagkain, siya lang dapat ang titikim ng pagkain ko.

"Take care." Sabay-sabay na sabi nila sa akin kaya ngumiti na lang ako at sumunod na nga sa butler na ito papunta sa kotse na nakaparada sa labas ng gate ng bahay namin.

***

Nakarating kami sa mansion na may matataas na pader. Hindi mo makikitaan ang nasa labas, akala ko ay malayo ang direksyon ng presidente pero nasa village rin pala sila.

They were on vacation when these things happened. And I think they couldn't stay quiet after knowing that there was something wrong.

Or so what I thought.

"Finally, you're here." Someone said after I stepped up on their house.

A huge mansion inside the village. They were in the center, just as the butler said while I was inside the car.

Tatlong tao ito na nakatayo sa gitna ng bahay, naghihintay sa pagdating ko.

Hindi gaano katandaan ang mukha ng sa tingin ko ay mag-asawa.

UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon