CHAPTER 16

82 4 0
                                    

Nakaupo lang ako ngayon sa upuan sa may park. Kinakain ang cotton candy na binili ng mga anak ko sa naglalako habang pinagmamasdan ang mag-aama na naglalaro sa isa't isa kasama na rin ang mga tito nila.

Kitang-kita ko talaga sa magkakambal na Jin na bumabalik na sila sa dati.

Tumatawa, nakiki-akbayan sa isa't isa, at wala na ring yabangan patungkol sa pera o karangyaan.

Mas napansin ko ang saya sa mukha ni Weilan, because he's the youngest among the triplets.

Lumapit pa siya sa akin one time to say thank you.

Salamat dahil dumating ako sa buhay nila. Salamat dahil gumawa ako ng paraan upang bumalik sila sa dati.

Kahit sa totoo lang ay wala naman talaga akong ginawa.

Ipinaubaya ko lang kay Sinian ang lahat. Alam ko naman na may parte pa rin sila sa puso niya. Sadya lang na nababahiran iyon ng galit at sakit.

Naging daan lang ang dalawang bata para 'yung emosyon na bumabalot sa kaniyang dibdib ay mawala nang dahan-dahan.

Sa tingin ko ay sina Zefhan at Kidlat ang pasalamatan niya.

Samantalang si Linran, napansin ko siya na papalapit sa direksyon ko. Tapos na rin sila sa paghahabulan sa isa't isa.

Nagyayaya na naman si Kidlat na pumunta sa kung saan, kaya ang dalawa na si Weilan at si Sinian ang sumama.

Maaga pa rin naman ngayon, malayo pa na maghapon. Kaya malaya ang dalawang bata na maglaro o pumunta sa kung saan nila gusto. Nandiyan naman ang ama nila.

"You're thinking too much." Mabilis akong napagawi sa direksyon ni Linran na nakaupo na sa aking kaliwa na bahagi.

Kita sa mukha niya ang pagkakalmado pero halata sa kaniyang mga mata ang pagkaseryoso kaya ngumiti naman ako nang malawak saka umiling.

"I'm not thinking that much."

" It's okay to think but don't overthink something that isn't necessarily. Whatever or whoever you choose, we'll accept that. If it's Brother Sinian, I'm glad to retreat, because he'd done everything. But if it's Weilan, I'll fight and do everything I can to win you over." Napailing-iling naman ako sa huling sinabi niya.

Alam ko naman kung ano ang dahilan ni Linran kaya niya sinabi ito. Base on the attitude and personality of Weilan towards the kids.

Mas nagmumukha pa kasing si Weilan ang bata kaysa sa tunay na bata talaga.

"What if I did what he did back then? Ruining your life and doing something that isn't right?" Lumingon pa ako kay Linran upang makita ang ekspresyon ng mukha niya.

Ngumiti naman siya sa akin nang tipid at saka ako hinawakan sa aking balikat.

"You're not him, Zane. I know you'll never do the same. Mamahalin ka ba naming lahat kung wala kaming nakita na kakaiba sa iyo? Ikaw 'yung tipo ng taong pipiliin na saktan ang sarili para sa mga anak niya. Samantalang ang kilala naming Alrich, mas pipiliin nito na saktan ang sarili makuha lang ang gusto niya. Kahit alam niya na ikasisira ito ng magkakapatid." Sumilay rin ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi niya.

Tama naman siya.

Bakit ko gagawin ang bagay na walang kwenta para lang makuha ang atensyon ng iba?

"..."

" Choose the right person, Zane. Choose my Brother Sinian this time. "

"'Why do you love your brother that much? " Tanong ko.

Oo alam ko na ang rason. Pero gusto ko pa ring marinig sa bibig ng kakambal ni Sinian.

Napakibit-balikat naman siya bago lumingon sa kalangitan." Because never in our life he get mad at us. At a young age, I already know that our older brother has a different father. Palagi kaming sinasabihan ng ama namin na huwag na huwag sasama sa kaniya, because he's not belong to the family. But, he's our brother. Our other half, that's why we always disobeying our parents and grandparents' order. If they can't love him and accepted him, we'll do the task. Pupunan namin ang pagmamahal na kulang sa kaniya. Kahit anong mangyari, kahit ano pa ang magiging kahihinatnan nito,"

UNWANTED HUSBAND: RAISING THE PROTAGONIST TWINS ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon