SINJI'S POV:
--
MATAPOS malinaw ang lahat sa pagitan namin ni Senri ay nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi pa natatapos ang laban."Wala pa bang tumatawag sayo Sinji tungkol doon sa mga dumukot sa kambal?" usisa ni Gun.
Kasalukuyan kaming nasa control room kung saan pinaghaharian ni Rent. Hating-gabi na rin at kahit sino man sa amin ay walang balak na matulog dahil sa nangyayari ngayon. Pinapakilos na ni Kuya Luther ang kanyang galamay mula sa under ground para hanapin ang mga anak ko.
"Wala pa." mahinang sagot ko.
Si Shin ay tulog na sa opisina ni Kuya na siyang binabantayan ni Sav ngayon. Ayaw niya akong kausapin dahil baka pagbuntunan ko raw siya ng galit. Hindi ko naman siya masisisi lalo na't hindi naman niya kasalanan pero ang gaga kung anu-ano ang pinagsasabi sa sarili niya kaya hinayaan ko muna.
Kailangan kong tumulong para hanapin ang mga anak ko at siguraduhing ligtas sila. Pero sa estado ng isip ko ngayon, hindi ko alam kung saan sila hahanapin.
"Check this out, Gun." sabay kaming napalingon ni Gun sa pwesto ni Rent na tutok ang mga mata sa monitor ng computer nito.
Isang simbolo ang nakita ni Rent na siyang ikinadamba ng kaba sa aking dibdib.
Ang simbolo na nakaukit sa aking batok ay siya mismong nakalatag sa pader ng isa sa mga myembro ng HuPoFEL. Ang tattoo na nasa aking batok ay isang bahay na umaapoy at dalawang pakpak na nakatiklop sa gilid nito. Sumisimbolo 'yon sa bahay-ampunan na pinagmulan ko.
"I-zoom mo ng mabuti Rent." utos ko.
Ginawa ng lalaki ang utos ko at laking gulat ko ng makita ang isang lalaki na pumasok sa kwartong iyon.
It was Flame.
Tumingin si Flame sa surveilance camera na siyang tinitignan namin at may inilahad itong isang papel kung saan nakalagay doon ang litrato ng anak ko na ngayon ay may tattoo na rin ang batok.
"Tangina mo Flame huwag ang mga anak ko!" sigaw ko na siyang ikinagulat nina Gun. Maging si Senri at Kuya Luther ay biglang pumasok sa control room dahil sa sigaw ko.
"What's happening?" Tanong ni Senri bago ito lumapit sa akin at pinapakalma ako.
Naikuyom ko ang sarili kong kamao habang nakatingin sa imahe ni Flame na hawak ang litrato ng anak kong si Seiji. Nasa loob ng isang kapsula si Seiji at wala itong malay habang si Serin ay pinipigilan ng isang lalaking nakaputi. Ngumisi ito sa camera bago nawala ang imahe nito. Sa tingin ko ay tinanggal nito ang camera na nasa kwarto na kanyang inuukopa.
"I think Flame knows where the kids are." sagot ni Gun.
Lumapit si Kuya Luther sa monitor at pinakatitigan nito si Flame.
"Damn this asshole. Why did they do this to a five year old kid?" ramdam ko ang inis ni Kuya pero mas nangingibabaw ang galit ko.
Pilit akong pinapakalma ni Senri pero ang sistema ko ang unti-unting napupuno dahil sa galit. Gusto kong patayin si Flame dahil sa ginawa niya sa anak ko. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.
Wala akong matandaan na may sinaktan o inapakan akong tao, pero bakit sa anak ko ibinaling ang parusang dapat na sa akin?
Umupo ako sa isang silya dito sa loob ng control room at huminga ng malalim. Nag-uusap sila pero hindi ko na 'yon pinansin.
Pilit kong hinahalukay sa isip ko kung bakit nagawa ni Flame ang ganitong bagay lalo na sa anak ko.
~Flashback~
"Hoy, bata. Bumaba ka nga dyan at baka mahulog ka." napatingin ako sa baba kung saan nakatayo ang isang batang lalaki. Nakatingala ito sa akin dahil nasa itaas ako ng puno ng mangga na nasa loob ng bakuran nitong bahay-ampunan.
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Romantiek[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...