SINJI'S POV:--
NAGISING ako dahil sa sigaw ng isang tao na minsan ko lang marinig ang galit nitong boses."Will you please go away?"
Kumunot ang noo ko bago bumangon mula sa kama na kinahihigaan ko bago hinablot ang robe at ibinalot 'yon sa aking sarili.
Lumabas ako nang kwarto at nadatnan ko sa hallway si Kuya Luther na walang suot na pang itaas at tanging pants lang nito ang tanging suot.
Sumandal ako sa pinto at humalukipkip habang pinapanuod ang kapatid ko na mainis sa bestfriend ko.
It's been a week since Saviel come with us from the mission we execute and it turns out that the scroll was the wrong one.
Ang scroll na hinahanap ni Kuya ay wala sa palasyo kung saan namin nakita si Saviel.
"Pagbigyan mo na kasi ako."
Kuya Luther pinch his nose out of frustration. "How many times do I have to tell you that HuPoFEL is not an ordinary organization? I don't give a damn if you are Sinji's bestfriend."
"Wala kang magagawa dahil si Sinji mismo ang umampon sa akin. At isa pa maliit na bagay lang naman ang hinihingi ko, ah!"
Gumuhit ang ngisi sa labi ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Lumabas na rin sa kani-kanilang kwarto sina Gun, Thunder, Dezrail, Cassius at Senri. Limited lang ang lugar na ito kaya kaming mga member lang ng HuPoFEL ang nakakapasok, well except kay Saviel na makapal ang mukha at hindi iniinda ang galit nang kapatid ko.
When Saviel finds out about my brother's business, hindi niya tinantanan ang kapatid ko. She wants to be one of us and she wanted to be trained like us.
Kuya Luther brushed his hair and heave a sigh as he looked at Saviel with a serious face.
"Give me a hundred reasons why I need to consider your request as part of my team?"
Dumapo ang paningin ko kay Saviel nang lapitan ako ni Gun at Thud.
"Ang aga-aga bakit nagsisigawan ang dalawang 'yan?" Gun said while rubbing his eyes as he leans his back at the wall where I was standing.
"Ewan. Makulit talaga ang babaeng 'yan. Hayaan niyo na dahil mukhang nag eenjoy ang kapatid ko." Napabuga na lang ng hangin ang dalawang lalaki at muling tinignan ang dalawa.
"Nag-eenjoy? Eh, halos gilitan na niya sa leeg si Saviel sa sobrang pagkainis. Sa tingin ko naisturbo na naman si Boss."
Mula kasi nang makilala ni Saviel si Kuya Luther, lagi na nitong sinusundan at iniinis ang lalaki. Hindi ko alam kung anong trip nang bestfriend ko pero bagay naman sila ni Kuya kaya walang masama don.
"Isang rason lang ang meron ako. Napaka-swapang mo naman ata at kailangan mo pa talaga nang isandaang rason? Baka abutin tayo nang taon kapag inisa-isa ko ang dahilan kung bakit gusto kong pumasok sa organisasyon niyo?"
Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang tawa na gustong kumawala sa akin. Napaka-rhyming talaga bumanat nang isang ito.
Napapailing na lang ang mga lalaki sa tabi ko at tila isang modelo na gumagawa nang photo shoot sa isang magazine. Lahat sila ay nakasandal sa pader pero mas gwapo at hot pa rin sa paningin ko si Senri.
Ang harot mo Sinji!
Ano kayang nakain nang babaeng ito at pinipeste ang kapatid kong bato?
"Then, tell me?"
Natahimik si Sav at tila nag-iisip kung ano ba talaga ang rason kung bakit gusto niyang mapabilang sa amin.
"I'll give you ten seconds to answer me, young lady. I don't have time with your games."
![](https://img.wattpad.com/cover/254654883-288-k591491.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Romance[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...