Epilogue

114 6 1
                                        

--
NAKAPAMULSA akong naglalakad sa magarbong hardin na pagmamay-ari ng aking Lolo habang pinagmamasdan ang nag-gagandahang bulaklak sa paligid. Ang simoy ng hangin na siyang sumasalubong sa ay tila nilulukob ang nalulumbay kong puso.

Sabi ni Lolo, namatay si Mommy nang ipanganak ako at si Daddy ay hindi niya alam kung na saan; walang balita kung ito ba ay humihinga pa o hindi na. Namulat ako sa poder ng aking Lolo na ama ni Mommy at hindi naman niya ako pinapabayaan kahit na masyado siyang istrikto pagdating sa akin pero ramdam ko naman na mahal niya ako.

"Yo, Kuruzaki," umangat ang aking paningin mula sa daan na aking tinatahak at tumambad sa akin ang bulto ni Aqueros kasama si Reiden Grei at Caspian.

"You kidnapped him again, aren't you?" I frowned at them as I look at Caspian who just roll his eyes on me.

"We didn't kidnapped him. He's the one who fly alone to get here. Wanna hang out?" ani ni Aqueros bago ako nagkibit-balikat bilang pagsang-ayon sa kanilang nais.

Tumalikod na silang tatlo at saka ko sila sinundan kung saan man sila pupunta. Aqueros and I knew each other because our grandfather were bestfriends. Noong una ay nagtataka pa ako kung bakit labas pasok si Aqueros sa bahay namin nang hindi nalalatayan kahit isang galos, yun pala ay kilala siya ni Lolo.

Si Lolo ay isang sikat na lider ng yakuza rito sa bansang Japan kung saan ako ipinanganak. Even my Dad was once part of his group before he marry my mom. Tutol pa sana si Lolo noon pero wala na siyang nagawa nang ipanganak ako at mamatay si Mommy nang hindi inaasahan.

Sa isang sulok ng aming nasasakupan, huminto sina Reiden Grei, Aqueros at Caspian. Nasa harapan namin ngayon ang isang tree house na sama-sama naming binuo at ito ang naging saksi kung paano kami nabuo.

Naunang umakyat si Caspian na sinundan nang dalawa pa at saka ako sumunod sa kanila. Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang gawin namin ang tree house na 'to at ilang taon na rin mula nang makilala ko silang tatlo.

Bumulaga sa akin ang kamay ni Aqueros habang papaakyat ako sa tree house. Agad ko itong hinawakan at saka niya ako hinila papunta sa mismong sahig ng tree house at nagkani-kaniya na kaming pwesto. Lumapit ako sa bintana at naupo sa barandilya nito habang nakataas ang isa kong paa at ipinatong ko ang aking braso sa ibabaw ng aking tuhod habang nakatanaw sa malawak na lupain ng Kuruzaki. Papalubog na ang araw at mukhang trip nilang tatlo na tumambay sa aking teritoryo.

"So, what should we do now?" untag ni Grei kaya naman napalingon ako sa kanilang gawi. Nakaupo si Caspian sa isang bean bag na itim maging si Aqueros at Reiden Grei. Ako lang ang nakahiwalay sa kanilang pwesto nang may ilapag na isang blue print si Grei sa gitna nila.

Nagsalubong ang kilay at saka ako umalis sa aking kinauupuan at lumapit sa kanilang pwesto. Pabagsak akong naupo sa tabi ni Aqueros at pinagmasdan ang blue print na nasa harapan naming apat.

"What's that?" I asked.

"It's blue print of Neoearth's head quarters," Aqueros answered.

As far as I remember, Neoearth is one of the most dangerous and deadly organization all over the world. Why are they got interested in such syndicate?

"Then? Why are you have that blue print? Don't tell me you are planning to invade again their territory?" napapamaang na wika ko kay Aqueros na seryoso lamang ang mukha.

Bumaling ang tingin nito sa akin at napalunok ako nang makitang naging kulay dugo ang kanyang mga mata.

"Even if their hides under the pits of hell, I won't stop chasing them until I burn their laboratory."

Bakas sa mga mata ni Aqueros ang galit dahil siya mismo ang nakaranas nang pagmamalupit ng Neoearth. Mula nang makilala ko siya, yan lagi ang bukam-bibig niya at nangako kaming apat sa isa't-isa na bubuo kami ng sariling grupo kung saan pamumunuan ito ni Aqueros.

Missing MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon