SENRI'S POV:
--
I silently looking at Saviel's kid while holding it in her arms. After our mall show I decided to go back to HuPoFEL. I was so curious whose child it is. Nang makita ko si Sav na karga ang bata at tahimik na nakaupo sa isang sulok, agad akong lumapit dito at tumabi sa kanila sa upuan."Quit staring at me, Mister," the kid said out of the blue. I didn't notice he's facing me directly.
We are gathered at HuPoFEL's convention hall. Years have passed, HuPoFEL have lots of members because of Gun's recruitment power.
Nagkatipon-tipon ang lahat ng Elite members sa isang round table sa loob ng convention hall samantalang ang ilang myembero ay nasa labas ng hall. Mayroon kasing kwarto na exclusive para sa Elite at Royalties. Hindi sila pwedeng pumasok kung hindi sila opisyal na elite members ng Bloodfist.
HuPoFEL and Bloodfist has two branches - Elite and Royalty. Mahirap makapasok sa Bloodfist bilang royalty dahil si Luther mismo ang susubok kung hanggang saan ang kakayahan mo. Swerte ko na lang at maaga akong napabilang sa Royalty hindi dahil sa kaibigan at kanang-kamay ako ni Luther, kundi dahil sa kakayahan kong maisalba ang pagsubok na hinarap namin nang buohin ni Luther ang Bloodfist royalties. Samantalang ang Elite naman ay isang stepping stone lamang para makapasok sa Royalty.
"I'm sorry. You remind me of someone." Mahinang sagot ko.
Napayuko ako sa mga kamay kong nakapatong sa mesa. Gusto kong tanungin si Sav kung kaninong anak ang hawak niya gayong matagal siyang nawala sa poder ni Luther, maging si Sinji ay hindi ko alam kung na saan.
Mula ng umalis si Sinji ay kinulit ko nang kinulit si Luther kung alam niya ba kung saan nagpunta si Sinji pero nabigo ako dahil ang mismong kapatid ni Sin ay hindi alam kung saan siya nagpunta.
Noong mga panahon na 'yon pakiramdam ko nawalan ako ng buhay. Kung may nagawa man akong kasalanan kay Sinji handa akong humingi ng tawad at magpaliwanag kung sakali. Pero kahit anino niya ay hindi ko na nasilayan hanggang sa hindi ko namalayan na lumipas na ang mga taon.
Maraming babae ang nagkakandarapa na mapansin ko lalo na noong binuo ni Perth Dezrail ang banda na pinangalanan naming BlackHand. Korni man sa pandinig pero malaki ang naging epekto sa akin ng pagbabanda. Ibinuhos ko sa kanta lahat ng sakit na dinadanas ko dahil sa pangungulila kay Sinji.
Aminado naman ako na wala akong oras sa kanya noong mga panahong nandito pa siya sa poder ng HuPoFEL pero pinagsisihan ko ang lahat ng yun. Noong mga panahong iniligtas namin siya sa auction, noong mga panahong nag-confess siya ng pagmamahal sa akin - Luther did warned me about it na kung papatusin ko si Sinji, hinding-hindi na ako makakatuntong sa HuPoFEL at Bloodfist kailanman.
Pero tadhana na mismo ang naglalapit sa aming dalawa, hanggang sa mahulog ang loob ko kay Sinji. Hindi ako nagsisi na minahal ko si Sinji, ang pinagsisihan ko lang ay ang mga panahong ginugol ko sa pagtatrabaho para mapatatag ang Bloodfist kaysa sa makasama si Sinji araw-araw.
Natinag ako sa kinauupuan ko nang sabay-sabay na tumayo sila Perth, Thud, Calvin, Trev, Cassius, Reiden Grei at Saviel nang dumating si Luther kasama si Rent at Gun.
Pero mas lalo akong nagulat ng bumulaga ang bulto ni Sinji sa likuran nina Rent at Gun.
"Sinji," tawag ko.
Sinji laid her eyes on me but its just a split seconds because her eyes landed where Saviel is.
"Mommy,"
Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig nang bumaba mula sa pagkakarga ni Sav yung bata at sinalubong ng yakap si Sinji.
Agad namang niyakap ni Sin ang bata at nginitian pa ito nang maghiwalay sila.

BINABASA MO ANG
Missing Melody
Romance[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...