Missing 4: Bully

132 7 7
                                        

SINJI'S POV:

--

TAHIMIK na pumila ako dito sa canteen sa loob nang school. Masasabi ko na okay naman ang pinapasukan ko ngayon unlike sa school ko dati. L.A University is of the prestigious universities in Asia. Hindi ko akalain na makakapundar nang ganitong school si Kuya kasi sa edad niyang twenty two ay may sarili na siyang business. Ang HuPoFEL, Bloodfist Enterprises, Bloodfist Mafia, at ang L.A University. Hindi pa kasali ang investments niya sa Montenegro Empire, Kuruzaki Empire, CDC Entertainment at iba pang naglalakihang kompanya sa loob at labas ng bansa which is ang mga HuPoFEL members lang rin ang nagmamanage nang mga kompanyang nabanggit ko. Natinag ako nang may tumulak sa likuran ko kaya nilingon ko ito. Isang grupo nang mga babae na sa tingin ko ay pito hanggang sampu.

"Bakit kayo nangbabangga? Ang lawak nang canteen natin."

Humalukipkip ang babaeng nasa gitna na sa tingin ko ay leader nila. Mas maganda pa sa kanya ang kaibigan kong nasa Japan!

"Excuse me? What are your connections with Senri and Rent and why they are so close to you?"

Ay ang heavy nang english, kailangan talaga sunod-sunod ang tanong? Mabirahan nga nang pangmalakasang makata ko. Ngumisi ako sa babae at pinagsalikop ko ang mga braso ko sa ibabaw nang dibdib ko at hinarap silang lahat.

"Unang-una Binibini, kilala ko ang mga Ginoong iyong nasambit. Pangalawa, anong pakialam mo kung close kami? Pangatlo, bakit hindi mo muna pantayin ang mukha mo? Sa sobrang kapal ay nagmukha kang clown!"

Nagsinghapan ang mga babaeng nasa likuran niya dahil hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"You're a trash!"

"Ikaw naman naglalakad na plastik! Hmp." I flip my hair as I turn my back away from them to pick my order. Pero ganun na lang ang gulat ko nang may humawak sa buhok ko at sinabunutan ako.

"You bitch! How dare you act like you are high on us! We are just the same here, studying and doing whatever we like!"

"Punyeta!"

Hinawakan ko ang kamay nong babaeng clown para ilayo sa buhok ko kaso mahigpit ang pagkakahawak niya. Gigil na gigil te? As in sumasakit na ang anit ko sa higpit ng pagkakahawak niya. No one interrupted us to remove this clown clinging to me. Maging ang mga alipores niya ay nagchi-cheer lang sa gilid. Kapag naka-alis ako dito sasapatusin ko ang bunganga nilang lahat. Nagulat na lang ako nang may yumakap sa bewang ko at walang hirap na inilayo ako sa babaeng clown. Inayos ko ang nagulo kong buhok para tignan kung sino ang umawat sa amin pero ganun na lang ang pamumutla ko ng tumambad ang seryosong mukha ni Kuya Luther sa akin. Pero ang mas ikinabigla ko nang yumuko ang mga estudyante na parang isang royal family ang dumating para magbigay pugay. Nakaluhod ang isang paa nila sa sahig at ang isang kamay nila ay nakalagay sa kanilang bandang dibdib na parang isang royal guards.

"What is happening here?" Tanong ni Kuya sa mga estudyante pero kahit isa ay walang sumagot at nanatili lamang silang nakayuko.

"Number one rule of this University, violence is prohibited!" Napalingon ako kay Rent na nasa bungad nang pinto nitong canteen kasama si Senri at iba pang lalaki na ngayon ko lang nakita.

Lumapit sa amin si Senri at hinawakan ang buhok ko at sinuklay gamit ang kanyang daliri.

"You okay?" My heart melted because of his gesture. Tuluyan na ngang nahulog ang puso ko kay Senri at hindi ako nagkamali na siya ang piliin kong mahalin.

"Okay lang ako." Wala sa sariling wika ko habang inaayos ni Senri ang buhok ko. Nagulat ako nang may lumapat na tela sa akin nang makita ko ang blazer uniform ni Senri na nakapatong sa balikat ko. Saka ko lang napagtanto na may punit ang damit ko sa bandang dibdib. Nahila siguro nong clown na 'yon kanina nang awatin kami ni Kuya.

Missing MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon