Prologo

5.7K 90 2
                                    

______________________________________

Esme Perez
______________________________________


"MAGNANAKAW!"- malakas na sigaw ng babae nang mabilis kong hablutin ang hawak niyang bag.

Lahat ng tao sa market ay napatingin sa kaniya sa gulat. Mabilis akong tumakbo nang maibulsa ko sa hoodie ko ang kaniyang purse.

"Hoy!"- sigawan ng mga tao ng makita nila ang pagtakbo mo.

Ang ilan ay gusto pa akong harangan pero dahil sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon ay agaran ko lang silang naiiwasan.

Napangisi ako ng wala man lang sa limang lalakeng nagtangkang pigilan ako ang nakahuli sakin.

"MAGNANAKAW!"- narinig kong tili muli ng babae nang mawala na ako sa kanilang paningin.

Mula sa eskinitang nagtaguan ko ay doon ko nilabas ang nilalaman ng purse. May make up kits, wallet na naglalaman ng maraming pera at atm's.

Natatawang nilabas ko lahat ng pera at muling napangisi ng makitang puro blue bills iyon.

Tsamba ko ngayong araw hahaha!

Nang maibulsa ko lahat ng pera sa pantalon ko ay binasura ko na ang bag. Binaba ko ang hoodie ko at saka tahimik na lumabas sa eskinita.

Nang makabili ng pagkain para may kakainin mamayang gabi, nagtungo muna ako sa bookstore.

Maliit lamang ang bookstore na palagi kong tinutunguhan. Matagal na ang bookstore na to at matanda na kaya wala ng masyadong bumibili dito. Bagamat matanda na ang nagmamay-ari ay araw-araw pa din itong nagbubukas.

Pagpasok ko ay bumungad sakin ang mabangong amoy ng mga libro. Napangiti ako at agad na dumeretso sa mga bagong dating na libro.

"Tanda. Meron na ba yung librong tinutukoy ko?"- sigaw ko dahil nasa counter siya at nanonood ng tv.

"Meron na iho! Nasa kailaliman ng mga libro!"- sigaw din niya habang nanatiling nakatutok ang mata sa tv.

Napaismid ako ng muli niya akong tawaging iho. Palagi na lang niya akong napagkakamalang lalake. Dahil siguro sa gupit kong panglalake. Sabagay, kahit na babae ako ay gwapo talaga ako. Hehehehe.

"Nice "- bulong ko ng makita ang librong matagal ko ng gustong basahin.

"Magkano to tanda?"- tanong ko ng mailapag ko sa lamesa ang makapal na libro.

"Isang libo."- walang pag aalinlangan niyang tugon at hinarap ako habang nakaupo pa din.

"Ang mahal naman tanda."- reklamo ko at tinignan siya sa mata.

"Pitong daan."- saad ko at pinakita ang daliri na pito.

"Aba't ang galing mo namang magtawad. Di mo ba alam sa maynila ko pa yan inorder. Ang mahal pa. Isang libo. Kung ayaw mo, wala tayong magagawa."- kibit balikat niya at akmang ilalayo ang libro nang ilagay ko ang palad ko sa libro.

Nanatiling nakatitig ako sa kaniyang mata.

"Tanda, kita mo na ngang walang bumibili sayo. Gusto mo pa bang mawalan ng suki? Bahala ka, pag nawalan ka ng customer mabro-broke tong negosyo mo."- pananakot ko at ngumiti.

"Pitong daan. Ibibigay ko na sayo ang bayad."- walang padaloy-daloy kong dagdag at inabot ang pera.

Walang sabi-sabing inabot niya ang pera sa kamay ko habang nakatulala sa akin.

Napangisi ako at inabot ang supot sa counter. Nilagay ko duon ang librong binili ko.

"Salamat, tanda. Huwag kang mag-alala pag yumaman ako bibilhin ko lahat ng libro mo."- saad ko at tinapik siya sa balikat.

Nanatili siyang tulala habang hawak pa din ang pera. Nang pitikin ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya ay dun lamang siya napakurap-kurap.

Napapasipol akong lumabas ng bookstore habang natatawa.

______________________________________


"Yawa naman ang lakas ng ulan."- inis kong singhal habang inaayos ang timba na ngayon ay napupuno ng tubig.

Maliit lamang ang bahay ko. Bagama't de semento at matibay, yung bubong talaga ang problema ko. Kapag umulan ay may tumutulong tubig galing sa taas.

Napabuntong hininga ako at nilingon ang bukas kong binata. Ang lakas ng ihip ng hangin at patuloy sa pagkidlat ang kalangitan.

"May bagyo ba?"- tanong ko sa sarili.

"Okay lang yan hindi naman ako maboboring dahil nasa akin na ang pinakahinihintay kong libro! Ahahahhahah!"- malakas kong tawa at kinuha ang librong binili ko.

Naupo ako sa maliit kong kama. Sa gilid ng kama ko ay lamesa. Walang kwarto ang bahay ko. Tanging banyo lamang kaya pag kumakain ako ay nakaupo na lang ako sa kama ko.

"The Greatest Magic User"

Pamagat ng nobelang paborito ko.

Nung hindi pa napu-publish sa libro ay nabasa ko na ang season 1 nito sa online.

Ang pinagkaiba sa online at libro ay may season 2 ang libro. Sa online naman hindi na nilagay ang season 2. Ang bitin pa naman ng season 1 kaya talagang hinintay kong makabili si tanda ng libro at mabasa ko na.

Sa libro ay may season 1 at season 2. Kaya naman inulit ko nang basahin ang season 1 dahil medyo matagal ko ng nabasa to.

Alas otso ng magsimula kong basahin ang "The Greatest Magic User" at hindi na namalayan kung anong oras na ako nakatulog.

Nasa kalagitnaan ako ng season 2 ng bigla akong tangayin ng antok at kinaumagahan, pagising ko nagulat ako.

Nasa ibang katawan na ako!

~ vis-beyan28
MelancholyMe

______________________________________

This is a work of fiction. Names, character's, businesses, places and incidents are the product of the author's imagination and are used fictitious. Any resemblance to actual event's, places or person, living or dead, is purely coincidental.


Date Started: June 15, 2023
Date Posted: July 6, 2023

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon