______________________________________
Yael Thiago Esquivel
______________________________________
"NAPAKAHUSAY niyo mga bata! Lahat kayo ay binigay lahat ng inyong makakaya. Sa mga hindi nakapasok sa pangalawang lebel ng pagsususlit ay huwag kayong mangamba dahil isa lamang ito sa mga pagsubok na magbibigay sa inyo ng aral!"- leksyon pa nito ng makaupo lahat ng estudyante sa taas.
"Ngayon sa ikalawang lebel ng pagsususlit nandito ang mga maglalaban-laban."- saad nito at biglang may lumitaw na mga pangalan sa ere.
Bale kumulang na limangpu ang nakapasok sa second round. Ang patakaran ay ganun pa din. Maglalaban ang may pilak at tansong tsapa.
Nang hanapin ko ang pangalan ko ay nasa seksyon 3 ang kalaban ko. Panglima kami sa sa mga maglalaban.
Ako ata ang mauuna sa apat na ito.
"Tandaan mo hindi lamang kayong may pilak na tsapa ang agresibo pagdating sa labanan."- bulong ni silas sakin na nasa kanan ko.
"Balita ko lahat ng nasa ikatlong seksyon ay magagaling sa paggamit ng mahika. Malaki ang galit nila sa mga estudyanteng tulad mo."- seryosong imporma naman ni maki na nakatitig sa mga pangalang nakalitaw sa ere.
"Kung ako sayo, simulan mo nang ipunin ang mahika sa iyong katawan upang maging handa ka sa iyong laban mamaya."- pangaral naman ni caden habang nakaharap pa sakin dahil katabi nito ni silas.
"Hmm...mukhang kilala ko ang iyong kalaban."- wika naman ni vaughn at napaisip. "Hmm zyair..."- basa niya sa ngalan ng kalaban ko.
"Aha! Siya ay may kapangyarihang yelo!"- alala niya at tinaas pa ng hintuturo.
"Matatalo ka panigurado."- sabay na komento ni caden at silas.
Kita ko pa ang pag-iling ni maki.
"Salamat sa suporta ha. Nakakatuwa "- sarkastiko kong saad sa inis.
"Magkakontra ang mahikang taglay niyo kung kaya't hindi natin sigurado kung sino sa inyo ang mananalo. Ngunit dahil hindi mo pa kayang kontrolin ng buo ang iyong kapangyarihan ay paniguradong mahihirapan ka."- iiling-iling na paliwanag ni silas.
Ba't sobrang seryoso ng mga to? Wala bang tiwala sakin ang mga ulupong nato?
"Para hindi ka masyadong masaktan ay umakto ka na lang na mahihimatay."- payo naman ni caden.
Napabuntong hininga ako at napahilot saking sentido.
"Pwede bang alalahanin niyo na lang sarili niyo? Atsaka sinong may sabing apoy lang ang kapangyarihan ko?"- ngisi ko at humalukipkip.
"May bago kang kapangyarihan?"- takang tanong ni silas.
"Kagaya ka din ba nila silas at caden na marami ang mahikang taglay, yael?"- tanong ni vaughn.
"Imposible."- mabilis naman singit ni maki.
Sininghalan ko siya ng tingin. Walang modo tong bata na to ah.
"Hindi ko masasabing kapangyarihan."- humalukipkip ako at nakapahawak sa baba.
"Kung ganun, sariling kasanayan (skill) mo yun?"- tanong pa ni vaughn.
BINABASA MO ANG
How To Be The Villain (Complete)
AdventureEsme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that she has been transported inside the novel. Another shocking part is that she was inside a man's body...