______________________________________
Caden Larson
______________________________________
"AKO ang kontrabida sa kwentong ito kung kaya't tapusin na natin ito silas!"- ngisi niya na para bang pinapaunlakan niya kaming gawin lahat ng kaya namin.
"Ngh..."- kumuyom ang kamao ko at hinawakan ng mahigpit ang aking latigo.
Hindi siya si yael. Wala na siya. Kailangan kong.... kailangan ko siyang patayin dahil hindi siya si yael.
"Haa...haa..."- lumipad ako sa ere ng sabay-sabay kaming sumugod.
Muling tumilapon si yael ng matamaan ito ng kapangyarihan ni vaughn. Ngunit hindi ko siya hinayaang makalayo dahil pinulupot ko ang aking latigo sa kaniyang katawan at hinila siya sa ere kung nasaan ako.
Nang akmang tatama ito sakin ay pinigilan ko siya gamit ang isa ko pang kapangyarihan. Kinontrol ko ang katawan niya sa ere, sa mismong harapan ko.
"Bibigyan kita ng huling tyansa. Sabihin mo sa mata ko na hindi ikaw si yael."- nanginginig kong wika.
Sabihin mo. Sabhin mo sakin ang totoo. Kailangan kong malaman ang totoo.
"H-hindi ako si yael."- nahihirapan niyang bulong.
"Haa...haa..."- tinaas ko ang dalawa kong kamay at dinakma siya sa leeg.
"Haa...haa...haa..."- mabigat ang mga bawat paghinga ko ng sakalin ko siya.
Hindi ko alam na sa paggawa ko yun ay bumabalik saking alaala ang mga nangyari nuong kasama ko siya.
"Haa....haaa..."- nanginginig ang kamay ko sa kaba. Pakiramdam ko hindi ko kaya.
Hindi ko siya kayang patayin...
Bumuhos ang luha saking mata at hinawakan siya sa kwelyo.
"Ayaw mo ba kami? Nagsawa ka na ba samin? B-bakit...bakit ayaw mong bumalik? B-bakit gustong-gusto mong mamatay?!"- umiiyak kong saad.
"Caden!"- sigaw ni vaughn ng gamitin ni yael ang kaniyang kapangyarihan para ilayo ako.
Sa pagkakataong yun hindi na ako nagpupumiglas pa.
Hinuli ako ni vaughn gamit ang kaniyang mahika. Nang maibaba niya ako ay nagulat siya ng makitang umiiyak ako ng walang tigil.
______________________________________
Maki Carson
______________________________________
"Caden!"- gulat kong sigaw ng tumilapon ito.
Agad akong lumipad at nagpakawala ng maraming matutulis na hangin.
Hindi pa man din nakakahulma si yael ay sabay-sabay kong pinakawalan ang aking mahika. Sinubukan niyang umiwas dahilan para may ilang tumama sa kaniyang kamay at paa.
Ngayon ay puno na ng dugo ang kaniyang katawan.
May kung ano sakin na pumipigil. Na itigil ko na ang ginagawa ko ngunit kapag tumatama ang paningin ko sa mata niya ay parang inuudyok ako nitong magpatuloy. Na gawin ko ang nararapat.
BINABASA MO ANG
How To Be The Villain (Complete)
AdventureEsme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that she has been transported inside the novel. Another shocking part is that she was inside a man's body...