______________________________________
Yael Thiago Esquivel
______________________________________
"TAYO'Y magsimula na!"- sigaw ko ng makausap ko ang isang daang kalalakihang kaharap ko ngayon.
"Gaya ng ating napag-usapan, ang karamihan ay magtatrabaho sa ilog kasama ako. Habang ang natitira ay magtutungo sa sentral at gagawa ng tatlong balon."- imporma ko.
Ang mga kagamitan sa paggawa ng balon ay nasa sentral na. Galing pa yun sa ibang bayan na kaninang umaga lang kararating.
"Tayo'y magsimula na!"- sigaw ko at naghiwalay kami ng patutunguhan. Si hernan ang mamumuno sa mga manggagawa ng balon habang ako naman ang mamumuno sa mga manggawa sa ilog.
Pero may problema ako.
Kailan pa kaya namin matatapos ang proyektong ito? Maliit lang pala talaga ang populasyon ng esquivel. Hindi kakayanin ng isang daang tao ang paggawa ng daan sa ilog patungo sa lupaing pagpupunuhan namin ng tubig. Kailangan namin ng mga makinerya pero saan kami kukuha nun? Sa pagkakaalam ko wala pang naiimbentong makinerya sa panahong ito.
Baka abutin kami ng kulang na isang taon nito.
"Kailangan nating gumawa ng daan patungo sa lupaing pinakita ko sa inyo kanina. Medyo may kalayuhan ngunit kailangan nating magtiis. Naiintindihan ba?"- tanong ko ng makarating kami ng ilog.
"Opo, señior!"- sabay-sabay nilang sagot.
"Ihanda na ang inyong mga pala at tayo'y magumpisa ng gumawa ng daan!"
______________________________________
Wala pang isang oras.....
PAGOD NA KAMI!
"P*cha ang hirap palang maghukay ng daan lalo na't batuhan ang ilog."- pinagpapawisan kong bulong atsaka naupo sa malaking bato.
"Magpahinga muna kayo!"- sigaw ko upang marinig nilang lahat dahil malakas ang daloy ng tubig at hampas nito.
Pagod silang nagsiupuan sa silong habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanilang mga sumbrero.
Inangat ko ang tingin sa kalangitan. Sobrang init naman ngayong araw. Hindi pa nga namin nasisimulang maghukay ng daan patungo sa direksyon ng lupaing pagdadaluyan ng tubig. Pero sobrang nakakapagod na.
Hindi to pwede kailangan namin ng makinerya.
"Hmm..."- natigil ako sa pag-iisip ng malalim ng may naalala ako sa nobela.
Sa librong ito, marami ang gumagamit ng mahika. Ngunit hindi lahat. Dahil tanging mga mahaharlika, mangkukulam, iba't-ibang nilalamg at mga pinagpala ang nakakagamit lamang nito. At isa na duon si Silas.
Marami ang nagagawa ng mahika. Lahat ng imposibleng gawin at hindi kayang gawin ay nagagawa mo dahil sa mahika.
"Hmm...kung meron lang talaga akong mahika ay mas mapapabilis ko ang paggawa ng daan."- bulong ko habang nakatanaw sa malawak na ilog.
BINABASA MO ANG
How To Be The Villain (Complete)
AdventureEsme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that she has been transported inside the novel. Another shocking part is that she was inside a man's body...