______________________________________
Zamir Morin
______________________________________
"ANONG nangyayari, nay?"- tanong ko ng makarinig kami ng sigawan sa labas ng bahay.
"Loreto!"- nanginginig na sigaw ni nanay ng masilip ang nangyayari sa labas.
"Lumabas kayo diyan! Mga malas kayo sa aming lugar!"- narinig kong sigawan ng mga tao. Paulit-ulit at walang tigil.
"Loreto!"- muling sigaw ni nanay ng makarinig kami ng kalabog sa labas.
Marahas nilang kinakatok ang sira-sira naming pintuan.
"Sumpa kayo sa aming bayan! Umalis na kayo dito! "- sunod-sunod nilang kalabog. Pakiramdam ko pinapalibutan na nila ang maliit naming tahanan.
Nasa siyam na taong pa lamang ako ng mangyari yun kung kaya't wala akong kamalay-malay sa nangyayari.
"Anong nangyayari?!"- gulat na saad ni tatay ng makalabs siya ng kwarto.
"N-nilulusob na nila tayo loreto! Gumawa ka ng paraan!"- umiiyak na pagmamakaawa ni nanay habang mahigpit akong hinawakan sa kamay.
"Bakit nangyayari ito? Wala naman tayong ginawa?"- takot na wika ni tatay.
"Mga salot kayo sa lipunan! Lumabas kayo dito kung ayaw niyong sirain namin ang inyong tahanan!"- sigaw nila dahilan para mas lalong mapaiyak si nanay.
"Lalabas ako. Dito lang kayo."- kinakabahang saad ni tatay at naglakad patungong pinto.
"M-mag-iingat ka loreto!"- paalala ni nanay at lumuhod para mayakap niya ako.
Mahirap lamang ang pamilya namin. Walang kaya at madalas isang beses lang sa isang araw kami kumakain. Maswerte na yun para samin dahil parehong walang trabaho ang mga magulang ko.
Hindi ko alam kung bakit ayaw kami ng mga tao dito. Kapag lumalabas ako para makipaglaro ay ayaw nila sakin at tinataboy nila ako. Sinasabi nilang salot kami sa kanilang lugar.
Hindi ko sila maintindihan.
Wala naman kaming ginagawang mali. Dahil ba kumpara sa iba, kakaiba ang aking hitsura? Dahil ba may sakit si nanay at walang lunas? O dahil kami lang sa lugar ang may pinakamaliit na bahay?
Hindi ko alam.
"*Bag!*"
"L-loreto?"- tawag ni nanay ng makarinig ng malakas na ingay.
"Umalis kayo dito! Lumayas kayo sa lugar na to!"
"Mga salot! Lumayas kayo dito!"- patuloy nila sa sigaw.
BINABASA MO ANG
How To Be The Villain (Complete)
AdventureEsme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that she has been transported inside the novel. Another shocking part is that she was inside a man's body...