Kabanata 23

656 32 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________

NANG mawala ang mga magulang ko pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko.

Bata pa lamang ako ng maulila at hindi alam kung anong gagawin. Naisip ko, bakit hindi na lang din ako namatay? Bakit hindi na lang din ako kinuha kung maiiwan lang din naman akong mag-isa?

Madaming pumapasok sa isipan ko. Pero nang dumating si kuya enzo sa buhay ko, pinakita niya sakin na may saysay pa din ang buhay ko.

Pinsan ko siya sa ama. Wala na din siyang magulang na tulad ko. Bagama't wala itong kaya, siya lang ang may malasakit na kuhanin ako.

Mahirap lang ang pamilya ko at nakatira lang kami sa rentahan. Nang mamatay si mama at papa ay pinalayas na din ako ng may-ari dahil isa lang naman akong bata. Wala akong trabaho upang may pang bayad ng renta.

Si kuya enzo ay mas matanda sa akin ng limang taon. Dahil sa kaniyang pagtatrabaho sa murang edad, nahubog ang katawan niya at kung mag-isip siya ay parang matanda na kahit na labing-siyam na taong gulang pa lamang siya.

Mabait siya, palangiti, at higit sa lahat matulungin. Hindi ko maisip na paano siya umaakto ng ganun kahit na napakalupit ng mundo sa kaniya? Bakit niya ako tinulungan kahit na naghihirap na siya? Kung tatlo-tatlo na ang trabaho niya? Bakit kailangan pa niyang kumuha ng papakainin niya? Ayaw ba niyang maging maginhawa ang buhay niya?

Nang tanungin ko siya kung bakit niya ako kinuha, ang tanging sagot lamang niya ay; "Dahil kailangan mo ng tulong, esme. Para sakin isang malaking gantimpala na makatulong ako ng iba. Bagama't wala man akong maraming pera, ay nagagawa ko pa ding tumulong sa abot ng aking makakaya. Hindi ba't kahanga-hanga yun?" atsaka siya tumawa.

Hindi ko pa din siya maintindihan sa panahong yun. Pero kahit ganun, namangha ako sa kabutihang taglay niya.

"Sa pagsususulit naman na ito maglalaban ang ikalawang seksyon at ika-apat na seksyon! Handa na ba kayo?"- sigaw ng mc na mabilis namang sinagutan ng hiyaw ang mga kaklase ko.

"Kung ganun! Ang pagsusulit ay magsisimula na!"- anunsyo niya at muling nawala sa gitna.

Mabilis na nagsisugudan ang mga kaklase ko. Kaniya-kaniya sila ng kalaban habang ang ilan pa ay tumatakbo.

"*Booom!*"- napaigtad ako ng marinig ang pagsabog ng bomba sa likuran ko.

"Muntik na ako dun."- pinagpapawisang komento ko.

Kailangan ko lang mag survive ng 30 minutes dito habang iniiwasan ang mga bombang nakatanim at mga patibong.

"*Whoooooshh!*"- mabilis akong napaluhod sa lupa ng biglang may dumaan na malaking bola na may tinik pa sa ere.


"Mamamatay ako ng wala sa oras dito pag hindi ko tinuon ang atensyon ko."- paalala ko sa sarili at pinagpag ang pantalon ko ng makatayo.

"Yael!"- sigaw ni caden ng makita niya ako sa hindi kalayuan.

May sinasakal pa ito gamit ang kapangyarihan niya ng tawagin ako.

Kumaway naman ako at nag thumbs up pa.

Napabuntong hininga siya sa reaksyon ko.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon