Kabanata 11

911 39 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


ISANG linggo na ang lumipas ng masunog ang kagubatan.

Wala ng puno ang natira duon pati nilalang. Ibig sabihin lang nun, nawala na ang takot ng mga tao sa bayang esquivel at bayang laeves.

Dahil din duon ay malaya ng nakakadaan ang mga manlalakbay ng walang pangamba.

At saan naman kaya nagpunta ang mga nilalang? Paano naman ang mahiwagang puno? Nasunog na din ba yun? Kung ganon, sinong gumawa nun?

Isa lamang ang alam kong kayang sumira sa kagubatang yun.

Walang iba kundi ang agila'ng yun.

Tsk. Ano namang naisip nun para gawin yun?

Ay ewan ko. Wala naman akong pake. Basta ang mahalaga, makakapag kalakalan na kami dahil wala na ang lugar na yun.

Ibig sabihin lang nun, uunlad na ang bayan namin at mas madadagdagan ang kayamanan namin.

"Hehehe....HAHAHAHAHAHAHA!"- tawa ko ng maisip yun.

"Señior?"- takang tanong ni hernan ng bigla-bigla na lamang akong natawa sa gitna ng pagtatrabaho namin.

"Hindi mo ba nakikita ang kinabukasan natin hernan?"- ngisi ko atsaka binaba ang hawak na pala.

"A-anong ibig mong sabihin, señior yael?"- nawiwirduhan niyang tanong.

"Mas lalago ang bayan natin at mas magiging mayaman ako!"- tawa ko pa.

Dismayadong napailing si hernan sa narinig.

"Nga pala señior, nung isang araw ko pa nakikita ang batang yun."- nguso niya sa batang lalake na nakasilong sa puno at nakaupo habang pinapanuod kami.

"Sino ba yun?"- tanong ko at nagpamewang.

"Mukha siyang nawawala señior. Sa tagal ko na dito sa esquivel ay ngayon ko lamang siya nakita. Hindi kaya'y wala siyang pamilya at pagala-gala na lamang?"- tanong niya.

Pinagmasdan ko ang bata na nasa kalayuan. Hindi ko siya masyadong mamukhaan ngunit sa damit niya na madungis; puting t-shirt, maroon na 3/4 short at itim na bota ay mukhang wala siyang patutunguhan at hindi alam kung saan pupunta.

"Baka naman may dinalaw lang dito."- balewala kong komento at nagpatuloy na lamang sa trabaho.

______________________________________


"Sa wakas natapos na din natin!"- palakpakan ng mga mamamayan ng matapos naming makagawa ng taniman.

"Maraming salamat sa tulong niyo sa proyektong ito. Asahan niyong magkakaroon kayo ng inyong hanapbuhay magmula ngayon."- ngisi ko na kinatuwa nila.

"Mamayang hapon maaari niyo ng kunin sa mansion ang huling sweldo niyo sa trabahong ito. At sa susunod na araw ay dadayo ang mga naimbitahan kong mga mangangalakal galing sa ibang bayan na gustong makipag sosyo at makipagkalakalan."- dagdag ko pang imporma kaya namangha sila.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon