Kabanata 21

669 32 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"ANONG nangyayari dito?"- nagtatakang tanong ni zamir ng makapasok sila kasama ang mga gaya niyang student council.

"W-wala."- ngiti nung babaeng nagsimula ng gulo at nilayasan si maki at vaughn.

Sumunod naman ang mga alipores nito at naglakad na paalis ng kantina. Nilampasan pa nila ang mga student council na nagmamadali at nakayuko.

"Ayos lang kayo?"- tanong ni zamir ng makalapit sila sa tatlo.

Tumango naman si vaughn bilang tugon.

"Mabuti kung ganun. Kapag nangyari pa ito ay huwag kayong mahihiyang magsabi sa amin."- ngiti nito.

"Ah nga pala, isa ka sa mga bagong estudyante, tama ba?"- baling nito kay silas.

"Tama."- tipid na sagot ni silas.

"Kinagagalak kitang makilala."- ngiti nito at nagpaalam na sila.

Nagtungo silang lahat sa linya para pumila.

"Ayos lang kayo?"- tanong ni caden ng makabalik ang tatlo sa lamesa.

Pakiramdam ko lahat ng estudyante ay takot sa student council. Kakaiba ang aura nila. Pagpasok pa lang nila ay agad ng tumahimik ang lahat. Pati ang mga naka silver badge ay hindi pumalag at walang nagsalita.

Malaki pala ang kapangyarihang dala ng pagiging myembro ng student council.

"Tutal tapos naman na tayong kumain, maaari na ba tayong umalis?"- nakangiti kong tanong.

"T-tama."- naiilang na pagsang-ayon ni vaughn at nauna ng tumayo.

Sumunod naman kami at naglakad na paalis. Ang ilan pa ay tinignan kami at nagtaka bago tuluyang makalabas.

"Maaga pa naman kung kaya't babalik muna ako sa aking silid."- ngiti ko sa kanila.

Nagtaka pa si silas at caden sa biglaang ugali ko. Alam na nila ang katangian ko kaya hindi na ako nagulat pa sa reaksyon nila.

"At saan kayo pupunta?"- biglang may nagsalita sa likuran ko.

Napintig ang tenga ko at nawala ang ngiti ko.

Late na akong nakatakas.

Dahil alam ko na ang susunod na mangyayari ay binalak ko talagang umalis ng mabilisan para hindi madamay sa bagong gulo. Ngunit dahil naantala kami ng ilang minuto ay hindi ako nakatakas.

Sh*t!

"Ahahaha. Nakalimutan pala nating kumain ng panghimagas."- palakpak ko at tinulak silang apat papasok ng kantina ngunit hinarangan na nila kami.

"Kinakausap ko pa kayo."- sinamaan kami ng tingin ng lalakeng nagsalita kanina sa likuran ko.

Napakatangkad nito at maskulado.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon