Kabanata 19

704 31 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


SA dorm section ng paaralan ay may dalawang parte kung saan may tig pitong palapag at bawat palapag ay may labing lima'ng kwarto.

Sa kaliwang parte ng dorm section ay nakabase ang mga may mataas na antas sa lipunan samantala sa kanang parte ay duon nakabase ang mga kabilang sa mababang antas ng lipunan.

Ngayon, nasa kaliwang parte ako ng dorm section dahil mataas ang antas ng pamilya ko. Samantala si silas at caden ay napunta sa kanang parte.

"*Squek*? *Squek*?"- ingay ng kuneho na nasa lamesa habang ako ay nakahiga sa kama.

"Bakit ka pa kase sakin ka sumama?"- tamad kong tanong at nilingon ang bintana kung saan tanaw ko ang mga puno sa kaliwang bahagi ng kastilyo.

Napansin kong malawak ang silid sa kaliwang parte ng dorm section. May sariling kama, malaking cabinet, lamesa, sofa, banyo at beranda. Talagang mas pinagtuunan nila nang maiigi ang disenyo ng bawat silid.

"Gusto mong dalhin kita kay caden?"- tanong ko at bumaling sa kaniya.

Umiling naman ito at tinuro-turo ako.

"Ba't ba gusto mong suklian yung tulong na ginawa namin? Atsaka paano mo naman ako matutulungan?"- tawa ko at naupo sa kama.

Pinakita naman niya ang mga kamay niya na para bang sinasabing malakas ako.

Natawa na lamang ako at tinapik ito sa ulo bago tumayo.

Bukas pa naman kami papasok sa klase kaya mamamasyal muna ako dito. Gusto kong maging pamilyar sa lugar na ito para alam ko ang gagawin ko.

Nagpalit ako ng damit na mas komportable; abong longsleeve na button down shirt, itim na vest, itim na pantalon at bota.

Nang makaayos ay muling sumampa sa balikat ko ang kuneho at lumabas na kami.

Nasa ika-apat na palapag ako kung kaya't kailangan ko pang maglakad ng hagdan.

Oras naman ng klase kaya wala pa akong nakikitang estudyante dito.

Pagkababa ay lumabas ako ng dorm section at napadpad sa kantina ng paaralan. Napakalawak ito at napuno ng lamesa at mga upuan. Sa kanang bahagi nito ay mga tauhan na magbibigay ng pagkain. Mukhang kakaluto pa lang nila dahil maaga pa naman at mamaya pa ang tanghalian.

Sa likuran ng mga nagbibigay ng pagkain ay may pinto kung saan may nagluluto sa loob.

Nang madaanan ko ang kantina ay pumasok ako sa ibang building na nakakonekta pa din sa kastilyo. Mas malawak ito kaysa sa dorm section.

Maraming silid-aralan ang nadaanan ko dito sa unang palapag. Bale mayron ding pitong palapag ang lugar na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay may mga opisina pa sa taas at mga library at iba pang kwarto na magagamit sa bawat organisasyon ng paaralan.

Pagkalabas ko ng kastilyo ay napansin ko ang hardin sa kanang bahagi naman ng kastilyo.

"Napakaraming bulaklak."- komento ko habang nagmamasid.

Masayang tumalon ang kuneho at gumulong-gulong sa bermuda grass.

Napakalawak pala ng lugar na ito.

At saan naman kaya nakabase ang kontrabida ng nobelang ito? Sino kaya siya? Siya ba'y estudyanteng tulad ko? O guro? O baka tauhan dito?

Alam kong mahirap siyang hanapin dahil maraming tao ngayon sa loob ng paaralan. Pero kahit ganun may ideya naman ako sa katangian nito. Kailangan ko lang obserbahan ang mga tao sa paligid ko.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon