______________________________________
Yael Thiago Esquivel
______________________________________
"IS your agenda finished?"- biglang may nagsalita ng matapos kong basahin ang laman ng libro.
"Ha...haha..."- natampal ko ang nuo ko sa katangahan.
"Alam ko na kung sino ang kontrabida."- tulala kong bulong.
"Who?"- kuryosong tanong naman nito.
"Lahat sila. Si Zamir Morin at ang tatlong kaibigan niya."- natatawa kong tugon.
"Bakit hindi ko man lang napansin yun noong nag-uusap sila?!"- napasigaw ako sa inis. "Napakabobo kong isipin na mabait ang kumag na yun! Bakit hindi ko man lang naisip na ang pinuno ng odell na yun ay si zamir? Nasa harapan ko na pero nagbulag-bulagan ako!"- sinabunutan ko ang buhok ko sa inis.
"Hahaha. You're really stupid."- tawa pa niya na mas lalong kina-inis ko.
"Huwag mo ng ipamukha."- ismid ko.
"So, you are now ready to go back?"- tanong niya.
"Tsaka mo ako ibalik kapag nangyayari na ang orasyon."- imporma ko.
"..."- hindi ito nakaimik.
"Are you planning something?"- nanunuri niyang tanong.
"Malamang! Kailangan kong siguraduhin na walang mag-iiba sa kwento. Pero syempre kailangan ko ding planuhin ang pagkamatay ko."- rason ko at napahalukipkip.
"Why don't you just help them then commit suicide?"- simpleng suhestiyon niya.
"Napaka plain naman "- reklamo ko at tumayo.
"Then how would you convince them to kill you? They are heroes. They won't do that, obviously."- segunda niya.
"Hmmm..."- napahawak ako saking baba at nagpaikot-ikot ng lakad habang nag-iisip.
"Ugh! You're making me dizzy."- komento niya.
Natigilan ako at napangisi ng may maisip na ideya.
"Kailangan kong palitan ang posisyon ni zamir."- ngiti ko.
"Huh?"
"Huwag mo kong maliitin dahil madami na akong nabasang kwento. Kaya kong gumawa ng plot na maaayon sa sitwasyon ko."- tawa ko.
"You're crazy."- puna lang niya pero hindi ko na siya pinansin pa.
______________________________________
"Hey! Are you ready?"- tanong niya ng bumalik ako sa kawalan. Ang paligid ay asul at hindi ko makita ang hangganan.
"Siguraduhin mong kasalukuyan siyang nagriritwal ha? Dapat buhay pa yung mga alay!"- paalala ko.
"Shush! I know that already."- tugon niya. "Okay. In the countdown of 5, you are now back to your characters body."
BINABASA MO ANG
How To Be The Villain (Complete)
AdventureEsme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that she has been transported inside the novel. Another shocking part is that she was inside a man's body...