______________________________________
Yael Thiago Esquivel
______________________________________
"NAGPUYAT ka yael?"- tanong ni vaughn ng mapansin ang eyebags ko.
"Hindi lang ako nakatulog ng maayos."- hikab ko.
Kasalukuyan kaming nasa arena at nanonood ng labanan.
"Ikaw ba'y nababahala sa laban mo ngayon?"- usisa pa niya sa tabi ko.
"Medyo."- tugon ko at humalukipkip.
"Sa kalaban pa lang niya dapat na siyang mabahala."- nguso ni caden sa nakapaskil na mga pangalan.
"Odell Faustino? Ah!"- napapitik ito ng kamay ng may biglang maalala.
"Kilala mo siya?"- kuryosong singit naman ni silas.
"Siya ang bise presidente ng konseho ng mag-aaral (student council). Ang kaniyang ama ay may mataas na posisyon sa palasyo kung kaya't kabilang siya sa mataas na antas."- imporma niya.
"Lahat ng nasa konseho ng mag-aaral ay makakapangyarihan. Nakabase din ang kapangyarihan nila sa posisyong kintatayuan nila ngayon."- seryosong komento ni maki habang nakapikit ang mga mata.
"Ibig sabihin lang nun, walang pag-asa si yael na manalo."- puna ni caden.
"Ayos lang yan, hindi ko naman pinangarap na mataas ang rangko ko."- ismid ko at humalukipkip.
"Ha? Bakit wala si zyair?"- napalingon kami sa harapang upuan ng marinig ang pinag-uusapan nila.
Mga naka bronze badge sila at parang kaibigan ni zyair ang mga to.
"Dinamdam ata niya ang pagkatalo niya."- ngisi kong komento.
Sinamaan naman ako ng tingin ni caden at silas kaya kumibit-balikat na lamang ako.
"Kinamusta mo ba siya sa kaniyang silid kanina?"- tanong nung babaeng may mahabang buhok.
"Walang sumasagot ng katukin ko siya."- nag-aalalang sagot naman nung lalakeng maliit.
"Huwag kayong mangamba. Baka napuyat lang siya kagabi at mahimbing ang kaniyang tulog. Alam niyo naman yun."- komento nung isang lalake na nakasalamin.
"Sana ganun nga."- buntong-hininga nila.
Napangisi ako habang nakapandekwatro. Simula ngayon, hindi niyo na siya makikita dahil...
Pinatay ko na siya.
______________________________________
"Sa susunod na maglalaban ay si Odell Faustino ng unang seksyon at bise presidente ng konseho ng mag-aaral!"- anunsyo nito dahilan para mapasigaw lahat ng estudyante sa loob ng arena.
"Laban kay Yael Thiago Esquivel ng ikalawang seksyon!"- patuloy nito at natahimik ang paligid.
Nahagip pa ng mata ko ang pagtawa ni caden, silas at maki samantala todo palakpak lang si vaughn.
BINABASA MO ANG
How To Be The Villain (Complete)
AdventureEsme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that she has been transported inside the novel. Another shocking part is that she was inside a man's body...